Kabanata 2: Yes
HINDI pa tuluyang sumisikat ang araw ay gising na ako at bihis na bihis. Kasalukuyan na rin akong buma-biyahe patungo sa lugar na matagal ko nang kinalimutan.
Nang manghingi ako ng leave sa boss ko kagabi, laking pasasalamat ko nang payagan niya ako. Sabi niya, naiintindihan niya ang sitwasyon ko.
Napagpasyahan kong puntahan na sila Dad at Cassy. Gusto kong malaman ang kalagayan nila. Kahit naman galit ako kay Dad, hindi ko maitatanggi sa sarili ko na nag-aalala pa rin ako para sa kanila, lalo na sa nakakabata kong kapatid. Kaya nga heto ako, sumusugal na pumunta sa lugar na ‘yon malaman lang ang kalagayan nila.
Naging alerto ako nang huminto na ang bus na kinasasakyan ko, doon ko lang napansin na nandito na pala kami sa bus station. Nakarating na kami sa destinasyon namin.
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at kinuha ang bag saka naglakad na palabas ng bus. Tanging isang bag lang ang dala ko. Wala naman kasi akong balak na magtagal dito. Gusto ko lang talaga malaman kung okay lang sila.
Nang makakita ako ng tricycle ay agad na akong sumakay roon at sinabi kung saan ang destinasyon ko. Inihatid ako nito sa bahay. Pero laking pagtataka ko nang wala akong maabutan dito. Kahit anong doorbell o tawag ko ay walang sumasagot.
“Dad! Cassy!” halos lumabas na ang litid sa leeg ko dahil sa lakas ng sigaw ko para lang marinig hanggang loob. Hindi ko mapasok ang bakuran ng bahay dahil sa naka-lock na gate.
“Naku, Hija. Wala ng tao riyan.” Biglang sabi ng kung sino.
Bumaling ang tingin ko sa security guard na napadaan. “Po?” naguguluhan kong tanong.
“Umalis na ‘yong nakatira diyan, noong nakaraan pang araw.”
Bumakas ang gulat sa pagmumukha ko. “Saan po sila nagpunta?”
Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko alam, pero ang sabi ay kinuha yata ng banko ang bahay na ‘yan. Nalugi kasi ‘yong may-ari niyan na isang businessman.” Pagkukuwento niya.
Matapos niyang sabihin ‘yon, umalis na siya sa harapan ko at mukhang roronda pa sa buong village.
Pagod akong umupo sa gilid ng kalsada at malalim na bumuntong hininga. Ramdam ko na ang pagod at gutom ko. Pawis na rin ako dahil sa matirik na sikat ng araw. Tanghaling-tapat na.
Sayang lang pala ang mahaba kong biyahe sa pagpunta ko rito. Hindi ko rin pala sila makikita. Pero ang iniisip ko, kung wala na sila rito sa bahay, saan sila maaaring magpunta? Saan sila tumutuloy ngayon?
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang may maalala. Tama! May isa pa kaming bahay na malapit lang din dito. Baka doon sila tumutuloy ngayon ng kapatid ko. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at nagsimula nang maglakad palabas ng village. Sa kanto pa ako nakahanap ng tricycle na masasakyan.
Habang palapit kami nang palapit sa lugar na pupuntahan ay siya rin paglakas ng tibok ng puso ko. Umaasa akong nandito sila. Sana lang talaga.
“Nandito na po tayo.” Imporma ng driver at inihinto ang tricycle sa gilid ng kalsada.
Nabalik ako sa sarili ko dahil sa sinabi ng tricycle driver. Kumuha na ako ng pera sa pantalon ko at ibinayad ito sa kanya. “Salamat po,” pagpapasalamat ko.
BINABASA MO ANG
Taste of Love
RomansNOTE: The complete version is available on Dreame! Sa loob ng maraming taon, napuno ng pagsisisi ang buhay ni Sassy. Marami siyang desisyong pinagsisisihan at hinihiling na sana ay hindi na lang niya ginawa. But that's impossible. Hindi na niya maib...