"Umalis-alis nga kayo d'yan kung hindi naman kayo bibili," nakapamaywang na bugaw ni Panyang sa mga tsismosang nakaharang sa tapat ng tindahan niya sa palengke."Ang aga-aga eh puro chismis kayo," inis na dagdag sa mga ito.
Paano naman kasi sa lugar nila hindi nabubuhay ang mga tao nang walang tsismis. Ito na ang almusal, tanghalian at hapunan na ng mga chismosa at paborito pang tambayan ng tapat ng kanyang tindahan.
Nababahala na siya kasi palugi na ng palugi ang kanyang munting negosyo. Kung raraket naman siya ay wala namang tatao sa tindahan niya. Mas lalong wala siyang kita pag nagkataon.
"Ale, pabilan nga ng isang sprite at rebisco," anang ng isang dalagita.
"Grabe ka naman maka-ale ineng, bente-singko pa lang naman ako. Kung maka-ale ka d'yan daig ko pa ang singkuwenta ah," pang-uusisa sa customer at pasaring na rin dito.
Napakamot sa ulo ang dalagita.
"Mukhang gutom na gutom ka ah? Saan ba ang lakad mo at mukhang may giyera kang pupuntahan?" natatawang turan sa dalagita dahil halos hingal na hingal ito at hindi mabuhat-buhat ang bag na dala.
"Hindi ko nga po alam kung saan ako pupunta ate. Lumayas kasi ako sa amin," naguguluhang turan ng dalagita.
"Aba'y mahirap 'yan ineng. Napakabata mo pa, ako nga na mas matanda sa'yo ay hirap mag-isa mula nang mamatay ang inang ko," aniya.
"Ayaw ko naman pong tumira kasama ang mga matapobre kong pinsan at masungit kong tiyahin. Sa tatlong taon ko sa kanila mula nang mamatay ang mga magulang ko ay halos bugbugin ako sa 'di matapos-tapos na gawaing bahay," naiiyak ng dalagita.
Naawa siya rito. Hindi man niya alam kung totoo ito o hindi ay kinupkop niya ito sa kanyang bahay. Sa loob ng isang buwan ay hindi niya naman kinakitaan ng pangit na asal kaya napanatag siyang kasama ito.
Tinuring na nakakabatang kapatid dahil labing pitong taon pa lamang ito. Halos gumaan din ang buhay niya mula noon dumating ito pero wala pa ring pagbabago sa kita niya sa kanyang munting tindihan.
Napagpasyahan niyang maghanap ng ibang mapagkakakitaan tutal ay alam na ni Lily ang ginagawa nito.
"Ikaw na muna sa tindahan at makahanap ako ng trabaho. Para makapag-aral ka ha," paalam sa kinupkop.
Tuwang-tuwa naman ito ng malamang papag-aralin niya ito. Masaya naman siya na kahit papaano ay may matawag siyang pamilya, na may makakasama siya.
Halos isang daan yata ang bio data na dala niya na halos pinagpuyatan din nila ni Lily na sulatan ito. Kailangan niya talagang makahanap ng trabaho kahit second year college lang siya.
Ang sakit na ng paa niya sa kalalakad. Nang biglang natanggal ang talampakan ng isa niyang sapatos.
"Anak ng tukwa naman oo. Pagminamalas nga naman," inis na turan habang nasa gilid ng daan nang biglang may dumaang sasakyan sa harap na may lubak.
Tumalsik ang putik sa kanyang buong katawan.
"Shit, hoy! Tarantado ka, akala mo sa'yo ang daan." Hurumintadong turan sa papalayong sasakyan.
Hindi maaari ito. Hinabol niya ang sasakyan ng biglang huminto sa tapat ng isang malaking bahay. Hingal na hingal siya. Bumaba ang lalaking lulan nito.
'Oh shit, ang guwapo.' Hiyaw ng isip. Nang maalala ang sadya ay mabilis siyang humarang sa lalaki.
"Wala kang modo," turo sa mukha ng kaharap. 'Kahit guwapo ka kaya kitang karate-hin,' anang sa isip.
Nabigla si Xian Dexter sa pagsulpot ng babae sa harap. Napakunot noo siya ng makita ang hitsura nito. Putik-putik ang buong katawan at pati ang mukha nito. Bitbit pa nito ang talampakan ng sapatos. Dahilan para mapangiti siya.
BINABASA MO ANG
STARDOME1: MATARAY KONG ALALAY(Completed)
Romance"Don't what what me. Alalay mo lang ako. Hindi asawa!" Ani ni Panyang. 'Sana nga asawa na lang,' bawi sa kaniyang isipan.