"Emily!" Malakas na bulalas ni Panyang ng mamukhaan ang babaeng inaawat ni Xian. Talagang susugurin na niya ang entablado. Aawatin ulit siya ni Lily kaya inunahan niya na ito."Huwag mo akong awatin Lily dahil hindi ako magpapaawat," anang ni Panyang para bitiwan siya nito.
"Okay, go!" Bitaw ni Lily sa kanya.
"Naku, awatin mo ako Lily. Awatin mo ako Lily baka pati kilay ng malanding babae na iyan magupit ko," anang ni Panyang. Naloka si Lily sa ate-atehan niya. Napapailing siya rito.
"Sige na pumunta ka na," sulsol niya rito. Malalaki ang hakbang ni Panyang hanggang marating ang entablado.
Nagitla si Xian sa biglaang pagdating ng hindi inaasahang babae. Bigla siya nitong niyakap at hinalikan. Hindi siya nakahuma sa mapangahas na ginawi ni Emily. Napatingin siya agad kay Panyang habang nilalayo ang babae. Nakanganga ito at nanlalaki ang mga mata, saka naningkit ng mamukhaan si Emily.
"Emily, what are you doin' here?" Hindi mapigilang tanong sa lasing na lasing na babae. Ngumisi ito saka pilit siyang niyayakap.
"I told you're mine Xian hek," anito.
"Stop this Emily! I was engage already," aniya na siyang dating ni Panyang na tila susugod sa digmaan.
"Oh! L—look who's here? The palengke queen," pangungutya ni Emily kay Panyang.
Nagtawanan ang mga nanunood. Naiinis na si Panyang sa lasing na babae. Kung makapanlait wagas. "Oh wait, hindi lang pala palengke queen, ikaw lang naman ang masunuring alalay ni Xian." Pang-uuri nito sa kaniya.
Napataas kilay si Kilay. Ngayon pa siya lalaitin nito kung kailan nalaman niyang mayaman ang pamilya niya.
'Baka mas mayaman na ako sa'yo,' aniya sa utak. 'Kainis ka ha!' dagdag pa nito.
"Oh! Lllll—look who's here? The kanto princess. Hindi maipagkakaila na galing sa kanto. Nakipagtuma pa yata sa mga tsismosa o mga kanto boys," sagot sa pasaring kay Emily na ginaya pa ang sinabi nito.
Muling nagtawanan ang mga nanunood na tila hinihintay ang susunod nilang punchline este sasabihin.
Ang bar na kinalalagyan ay parang naging KTV bar. Sina Panyang at Emily ang stand-up comedian sa gabing iyon.
"Aba'y ginagalit mo ata ako ha!" Buwisit na bigwas ni Emily.
"Hindi naman, iniinis lang." Napangisi si Panyang sa reaksyon ng kasausap kaya mas iinisin pa ito kahit sinabihan na siya ni Xian na huwag patulan.
"Hindi ba halata? Gusto sana kitang patawanin pero paano tatawa ang isang ala Elizabeth Ramsey. Ngiti pa lang labas na gilagid," banat ni Panyang dito.
"Impokrita!" Malakas na sigaw ni Emily na tila uusok na ang ilong at bunbunan nito.
"Im-pokpok-rita ka rin," balik kutya rito.
Napalingon si Panyang kay Lily. Halos salo-salo nito ang tiyan sa katatawa.
'Ayos kaya punchline namin?' Anang ng pasaway na isip.
"You're just a poor girl. You haven't even afford to by branded cloths," mapangmatang turan ni Emily.
Napangiti siya ng mapakla rito, mabilis na hinagilap ang tatak ng damit. Nagningning ang mata ng makitang tatak ng isang sikat na brand ng clothing line.
'Yon lang galing UK as in ukay-ukay.
"Grabe ka naman makapanlait.
"Damit ko DG, pants ko DKNY. Ano may angal ka?" Taas kilay niyang anang sa nakangangang kaaway. Mapanuri rin ang mata.
BINABASA MO ANG
STARDOME1: MATARAY KONG ALALAY(Completed)
Roman d'amour"Don't what what me. Alalay mo lang ako. Hindi asawa!" Ani ni Panyang. 'Sana nga asawa na lang,' bawi sa kaniyang isipan.