Chapter 2

93 5 5
                                    

Harvey's POV

Nakita ko si Halley na papasok sa condo nya. Nag request siya kay mommy na kung pwede daw titira na siya mag Isa. Pumayag naman si mommy para narin daw matuto si Halley sa mga gawaing bahay. Kase madalas lang siya matulog at mag cellphone buong araw. Kaya Ng mag sabi siya kay mom pumayaga na ito agad.

"Halley!" Tawag ko sakanya.

Lumingon siya At biglang tumakbo pa punta sakin nung nakita nya ako.

"Kala ko May practice game ka? Tanong niya sakin.

"Na cancel, wala daw si coach kaya dumiretsyo nalang ako dito. Alam ko naman na kailangan mo Ang tulong ko sa pag aayos mo sa bago mong condo eh"

Dumiretsyo na kami sa condo ni Halley. Nagluto siya Ng Adobo. Ewan ko kung ano magiging lasa nito. Dahil Ang alam ko 1st time palang nya to.

Natapos na siyang magluto At Hinain na niya sa lamesa At kumain na kami.

"Ulam ba to o ano?

"Baliw ka ba kuya? Alam mo namang ulam yan eh." Sagot niya sakin.

"Hindi kase Lasang  ulam eh." Pangagalit ko sakanya.

"Matututo din akong magluto kuya. Pag sumarap na mga luto ko Di Kita pag lu-luto tandaan mo yan" inis na sabi niya sakin.

Halley's POV

Nakakainis tong kapatid ko. Hindi man lang marunong mag appreciate Ng mga bagay na binibigay  ko sakanya.

"Ako nalang mag uurong dun ka nalang sa sala, at mag ayos Ng mga gamit mo." Sabi ni kuya sakin.

May iba ba akong nalagay sa adobo ko? Ngayun ko lang siya narinig na Ang prisinta sa gawaing bahay ah.

Pero sigurado ako na wala akong nilagay dun na iba. Okay na din Yun, atleast Hindi ako Ang mag uurong.

Pumunta na ako sa loob Ng kwarto ko At nilabas Ang mga damit At iba kong gamit sa maleta ko.

Ngayun ko lang na realise sobrang dami pala Ng damit At sapatos ko. Wala tuloy akong mapaglagyan Ng iba kong gamit.

Malaki kase yung bahay Ng magulang ko eh. Kaya nag kakasya mga gamit ko dun. Kailangan ko na yatang mag bawas.

"Gusto mo Ng cake?" Tanong ni kuya.

"Meron ba?"

"Malamang nag tatanong ba ako kung wala? Lumabas ka jan kung gusto mo" Sabi nya At lumabas Ng kwarto ko.

Tinapos ko lang Yung ginagawa ko At lumabas Ng kwarto.

Pag labas ko nakita ko si kuya na nanonood Ng movie sa tv at kumakain Ng cake.

Tumabi ako sakanya At kumain din Ng cake. Nanonood kami ngayun Ng horror movie. Hindi ko alam Yung title pero parang Korean horror movie siya.

"Ahhh!!!"

Nagulat ako Ng biglang sumigaw si kuya.

"HAHAHAHAHAHA, Ang lakas mong manood Ng horror movie matatakutin ka naman!" Pagkasabi ko Ay pinagtawanan siya Ng pinagtawanan

Hindi nya ako pinapansin At nagpatuloy sa panonood Ng movie.

Natapos na yung pangalawang movie namin At pagtingin ko sa orasan Ay 2:30 am na.

Tinignan ko si kuya At Yun. As expected. Tulog na siya. Hindi ko na ginising si kuya dahil May school uniform naman siya dito, nagpalagay siya Ng uniform nya dito para daw pag dito siya natulog may damit siya kinabukasan.

Pumunta na ako sa kwarto ko At natulog na.

"Halley!" Sigaw na bumungad sakin. Nakita ko siya sa May pintuan ko.

"Ano!?" Inis kong sabi.

"Late na tayo sa school! Bilisan mong mag ayos!" Sabi ni kuya At lumabas sa kwarto ko.

Pagtingin ko sa cellphone ko Ay 9:00 na. 9:00 Ang start Ng klase. Sana makaabot pa kami. Second day palang naman.

Nag madali kaming kumilos At Ng natapos kami ay dumiretsyo na sa school. Buti nandun yung kotse nya. Naka dating kami sa school Ng 9:30.

Di pa nagsisimula Ang klase. Good news na nakaabot kami sa unang sub, pero muntik na akong mamatay sa nerbyos kanina. Dahil sa pagmamadali Ay sobrang bilis ni kuyang nag drive papuntang school. Buti na ngalang at buhay pa kami ngayun eh.

7:40 na At wala pa yung teacher namin sa Filipino. Pero sabi naman ni ma'am na sa 3rd day pa daw start Ng klase. So introduction nanaman, di-discuss daw yung history Ng school, Mission & vission, etc.

After 5 minutes Ay dumating na si ma'am. At nagsimulang mag discuss. Inexplain nya mga rules and regulations, Mission & vision, At iba pa. Di ko na siya pinakingan At inaantok ako, Kaya natulog nalang ako.

Nang May kumuhit sakin...

Zach's POV

Napansin kong naka tungo si Halley. At hindi nakikinig sa teacher namin.

Kinuhit ko siya. Pero hindi siya lumingon o tumunghay.

"Psst! Halley!" Pabulong na tawag ko sakanya habang naka tungo din.

"Ano!? Nakita mo namang gusto kong magpahinga dito diba!?" Napasigaw siya sa galit.

"Ms. Halley and Mr. Zach, what are you arguing about?" Sabi ni ma'am at nagtinginan lahat Ng kaklase namin, saming dalawa.

"Wala Po ma'am. Sorry Po." Sabi ko nalang sabay tungo. Napatungo ako siguro dahil narin nakakahiya, Na speciall mention pa kaming dalawa.

"Ano!? Masaya ka na? Napansin na tayo?" Inis na bulong ni Halley.

Hindi na ako nag salita. At nag drawing nalang. Hindi ko naman alam na ganto pala tong ka sungit At ka mainitin Ang ulo.

Nag da-drawing ako ngayun Ng babae. Hindi ko alam kung Sino to, madalas akong mag dadrawing Ng mga tao, bagay, o kung ano man na napapanaginipan ko.

At yun, isang magandang babae Ang napanaginipan ko. Medyo weird Yung panaginip ko. Para siyang isang movie, na 2 mag bestfriend then Yung Isa maiinlove dun sa bestfriend nya dahil nag assume siya na May something pero iba pala Yung gusto nung babae. At Yung itsura Ng babae yung tumatak sa isip ko.

Hindi ko napansin na tapos na palang mag salita Yung teacher namin. Bumaba na ako para Mag lunch, Hindi ako nag recess kanina kase nabusog ako dun sa nilutong breakfast ni mom.

Nakabili na ako Ng fish felt and rice. Wala nang space sa canteen. Sabay sabay pa daw kase Ang lunch Ng mga studyante hindi pa daw naayos Ang schedule kaya ganun. Pero bukas daw May mga schedule na kaya Di na ako mahihirapan Humanap Ng upuan. Pero ngayun andito ako sa May open area malapit sa May room namin.

Tanaw ko dito yung bintana kung saan malapit yung upuan ko.

Nakita ko naman si Halley na naka tingin sa langit At mukang malalim Ang iniisip. Maya maya umalis na siya. At nagpatuloy nalang ako sa pag kain...

Ngayun ko lang nalaman na masarap din pala Yung luto dito sa school. Pagakatapos kong kumain ay dumeretsyo na ako sa room at pinagpatuloy yung pag dadrawing ko. Maya maya Lumapit sakin yung teacher namin.

"Ang galing mo palang mag drawing." Papuri nya sakin.

"Hindi naman po ma'am." Nahihiya kong sagot.

"Gusto mo bang sumali sa drawing contest sa school?" Tanong niya.

"Opo sana, per~~"

——————————————————————————————————
TBC.❤️

Secretly Falling for YouWhere stories live. Discover now