Chapter 2

5 0 0
                                    






Yuri's Pov

(Ringgg ... Ringggg)

"Boss may tumatawag yata sayo!"

"Sige sige salamat."

Agad kong dinecline ng malamang si Yuki ang tumatawag. Ang kambal kong kabaliktaran ko. Kumbaga sa kape at gatas sya yung maganda at kaaya ayang tignan. It means sya yung masarap na gatas. Masarap tikman. Uhuh? Pinag aagawan ng lalaki. Pero ako yung kape. Panget na nga mapait pa.

(Ringg... Ring)

"Boss sagutin mo na kaya?" Mukhang nakukulitan natong chix kong kasama ah. Si Kiela ugh. Shet ganto mga type ko eh.

Wala nako magawa kundi sagutin ang tawag ng makulit kong kapatid.

"Hay ano ba! Laking istorbo ka sa trabaho eh bat kaba tumatawag ah?"

"Ano ba yun?" Pasigaw na sagot nya sakin.

"Anong ano ba yun. Eh busy nga ako!"

"Yuri, i need your help!" Tss. Tatawag ka dahil hihingi kalang ng tulong? Kapal naman aish!

"Help! Help? Wag mo nga ako englishin ah. Ano ba kasi kailangan mo?"

"Basta! Kailangan natin mag usap in person. Pumunta ka sa condo. At wag mo kakalimutan magdala ng foods okay? Hihintayin kita! (Toot toot)

"H-hoy! Teka!"
Aish! Sira ulo talaga!

Wala akong magawa kundi sumunod. Malaki utang na loob ko kay Yuki.

(Tugs! Tugs! Tugs!) Tunog mula sa speaker ng kotse ko.

Papunta na ko sa condo nya at syempre dala yung favorite foods nya. Hotdog with egg. Hahaha!

(Toktok) katok ko mula sa labas ng condo ni Yuki.

"Teka babe ano ba. Wait nga hihi. Nakikiliti ako dyan eh!"

May naririnig akong ingay sa loob kaya nakinig lang ako.

"Babe wag kasi dyan. Hihihi."

Teka? Si yuki ba yun? Oh mali lang ako ng condong napuntahan? Agad kong tinignan ang pinto ng kwarto nya.

"Ito naman yun eh?"

"Babe teka dahan dahan naman eh!"
Ayan nanaman yung halinghing ng malanding loka! Teka? Si Yuki nga!

Agad kong binuksan ang pinto at di ako nagkamali! Nakapatong ang lalaking nakatapis ng tuwalya sa lap nya habang pinapaikot ang brief sa isang kamay nito. At ang gaga, nakapasok sa loob ng towel ang kamay!

"Oops!"

"Y-Yuri!" Laking gulat nila sakin.

May tinatagong kalandian eh. Psh kala ko anghel bla bla.

"Wala akong nakita Yuki ah! Pft" pilit kong pinipigil tawa ko.

"Ahm babe magbihis kana. Ingat ka ah!" Sabi pa nito sa loko.

"Sige babe. Uy Yuri pahingi naman nyang dala mo bago ko umalis." Tss kapal ng mukha ah nakuha pang manghingi.

"Osige na sayo na. Saksak mo sa etits mo ng magkalaman naman!" Sabay abot sakanya ng plastic na may lamang hotsilog.

"Yuri inom ka muna." Pag anyaya sakin ni Yuki.
Nilapag niya sa harap ko yung baso ng juice na nagpapawis. Anlamig! Sarap!

"Hay grabe! Nainitan ako sa nakita ko eh. Diko kinaya!"

"Ah ahm, so..." akmang gusto nitong magpaliwanag HAHA

"wala akong paki kung may nangyari sa inyo o wala. Ano bang pag uusapan natin at kailangan in person pa? Tas wrong timing pa ah!" Sabay inom ko ng juice.

"Ikaw kasi bigla kana lang pumapasok!"

"Ako pa sinisi. Eh ano nga ba meron?"

"Si Jas!"

"........" napatigil ako sa pag inom ng marinig ang pangalan nya.

"Kilala mo sya?" Pahabol pa nito.

"Anong meron sakanya?"

"Sinabi mo bang ako ay ikaw?"

"Antagal na nun ano ba. Bata pa kami nun."

"Pero bakit mo yun ginawa? Ako yung isinama ni ate sa bahay nila at ang sabi nya nagkakilala na kami nuon. Alam ba to ni ate?"

Napabuntong hininga ako. "Yuki hindi."

"Kung ganun tulungan moko!"

"Tulungan saan?"

"Yuri may boyfriend nako okay? Ikaw lang pwede magpanggap na ako."

"Ano? Hindi noh! Hindi ko gagawin yan!"

"Yuri please. Di natin pwede biguin si ate Thalia. Ito nalang pambawi natin sa lahat ng sacrifice nya for us."

"Yuki naman! Iba nalang pero wag to!"

"Ano bang meron sa lalaking yun bat ayaw mo magpanggap?"

"Bat mo bako isinusubo sa gantong sitwasyon. Alam mong babae gusto ko. Babae! Ayoko Yuki!"

"Ill give you cash. Just help me. Pag isipan mo Yuri."

Napailing nalang akong umalis ng kwartong yun. Gulong gulo.

"Bat pa kasi ako? Nasisiraan naba sya? Di ako papatol sa lalaki. Eew! Gusto ko chikabengbeng!"
Shet may tumabi saking biyaya sa elevator. Swerte! Kinis meyn. Ito gusto ko. Hindi yung may lawit! Tsk.

My Sister's First Love is a PervertWhere stories live. Discover now