Chapter 3

3 0 0
                                    



Chapter 3

Jas's Pov

Hoy jas! Ano ba kasing ginawa mo! Grabe! Dimo naba napigilan libog mo kaya mo sinunggaban agad yung pagkain? Mali eh! Maling mali! Kailangan magsorry ako. Tama! Magsosorry ako!

Gulong gulo ako ng oras na yun nang biglang dumating si mommy.

"Oh jas? May bisita ka?" Sabay upo nito sa sofa. At nilapag ang mga dala nya. "Nakakapagod."

"P-po mmy?" Sagot kong wala padin sa sarili.

"Anak okay kalang ba?"

"Ah eh opo mmy. Hehe! Okay ako."

"Parang may nangyari ah. May sakit kaba?"

"Mmy wala ah. Wala po ito."

"Sigurado ka ah?"

"Hmm." Sabay tango ko nalang.

"Ikuha mo nga ako ng pagkain at juice nak." Utos nito.

"Sige po mmy."

Bumalik akong may dalang pagkain at juice. Inilapag ko yun kung saan kami kumakain kanina ni Yuki.

Maya maya pa...

"Pwe! Pwe!"

"Mmy? Bakit?"

"Jas bat ganun ang lasa? Ano nilagay mo sa juice?"

"P-po?"

"Bat maalat? Asin ang nilagay mo eh!"

"Hala! Mmy sorry po! Amin na po. Papalitan ko muna."

Napalitan ko na ang juice ni mommy at akmang magpupunta na ng kwarto para magpahinga ng makaisip ako ng magandang ideya!

Imemessage kita sa fb! Tama! Tapos magsosorry ako!

Nagmadali akong pumanik sa kwarto kayat di ko namalayan ang isang baytang ng hagdan at muntik mahulog.

"Aray! Tsk."

"Jas okay kalang ba talaga?"

"O-Opo mmy! Ayos lang ako!" Sagot ko habang hinahantay mawala ang sakit ng tumamang tuhod sa hagdanan.

Excited akong binuksan ang laptop para hanapin si Yuki. Pero nakaprivate ang account nya.

Hays! Pano to! Pano ko makakapagsorry ngayon!

(Ring... Ring...)

Kinuha ko agad ang phone ko para makita kung sino ang tumatawag. Laking gulat ko nang. Si ate Thalia pala! Waaah. Pano to? Sasagutin ko ba? Sasabihin ko ba yung nangyari kanina? Hindi! Hindi nya pwedeng malaman. Siguradong magagalit sya!

"H-hello! Ate Thalia ikaw pala hehe!"
"Oh jas! Kamusta? Teka! Bat parang hinahapo ka?"

"Ah hehe! Ayos naman ate. Inihatid ko sya at naging magkaibigan panga kami eh." Buntong hininga ko. Naghahabol sa hangin ang fafa mo jaspreet. Pawis na pawis nako sa kaba. "Hinahapo? Sino ate ako? Oo ate. Nakakapagod kasi maglinis eh. Kasi andito na si mommy"

"Sus! Yan lagi palusot mo. Mabuti naman kung ganun. Akala ko naggagawa kana naman ng kalokohan eh!"

Nagulat ako saking narinig. KALOKOHAN! Lupa kainin moko ngayon na please lang.

"Ate naman! Goodboy to noh. Para sa future pa to ni Yuki." Whoo! Kabado kong sagot.

"Future ka dyan! Wala kapa ngang trabaho eh!"

"Eh atleast ate kahit sa bahay at kama lang ako maasahan nako ni Yuki. Tagalinis, tas tagatira. Este taga ayos ng kama."

"Sira! Matulog kana nga!"

"Sige ate. Ikaw din. Goodnight. Ikiss mo nalang ako kay Yuki loves. Mwa."

"Ikiss ka dyan. Ikisskiss kita sa pader eh. Sige na. Bye na!"

"Bye ate"

(Toot... Toot...)

Hays. Kabado padin ako habang kausap si ate Thalia. Pano kaya ko makakapag sorry kay Yuki?


Yuki's Pov

Aargh! Ano ba gagawin ko sayo Yuri ah!

Kasalukuyan akong nagiisip ng gagawin ko ng biglang may tumawag. Lagot! Si Ate Thalia!

"Hello Yuki?"

"Ate bat napatawag ka?"

"Naisip ko lang tutal kakabalik mo lang galing U.S. bat di tayo magbonding magkakapatid. Salon? Movie marathon? Boy hunting? Diba? Wala pa tayong bondtime eh. Gusto ko magkasama sama naman tayo ni Yuri. What do you think? Sa saturday im free. Ikaw nalang magsabi kay Yuri okay? Magpahinga kana din. Late na. Iloveyou baby."

(Toot... Toot...)

"Teka ate!"

Hay ano bayan! Ayos nadin yun. Makakausap ko ulit si Yuri. Siguro naman mapapapayag ko nasyang magpanggap.

My Sister's First Love is a PervertWhere stories live. Discover now