Chapter 4[Darren's POV]
"Oy, tulala na naman si Basti." sabi ni Jericho na katabi ko.
Nandito kami sa rooftop ng bahay namen para magpuyat. Baket? Wala lang, di namen ramdam na pasukan na kaya, eto, gawaing-tamad.
Ako, nakaupo sa sofa, may hawak na gitara at kumakain ng Piatos na cheddar cheese flavor.
Si Je naman ay kumakain ng Patata habang nagse-cellphone, baka may katext.
Si Basti naman ay nakahiga sa foam at mukhang nags-star gazing pero di naman talaga, tulala yan.
"Hoy Basti, problema mo?" tanong ko na di naman pinansin ng loko.
"Ang lalim ng iniisip, pre." bulong na naman nitong panget na katabi ko.
"Sino ba katext mo?" Di sumagot.
'Nice talking mga pre. Sarap niyo talaga kausap, no?' Ang sarap nang mamatok dahil walang imik ang mga kasama ko ngayon. Ang gwapong katulad ko ay hindi dapat pinagiintay.
"Oh, shit!" biglang tumayo si Je at tumakbo pababa. Nyare dun?
"Tsk." oh, akala ko di na iimik 'tong lalaking 'to.
"Oy Basti, anong iniisip mo?" panimula ko.
"Wala."
"Imposible, pre. Tulalang tulala, 'tas walng iniisip? Sinong niloloko mo?"
"Damn. Wala nga."
"Ano ba kasi?"
'Di pwedeng pinag-iintay ang gwapong katulad ko!' sarap sana isigaw sa mukha niya yan kaso sayang ang laway ng isang gwapong katulad ko.
"Wala.." May binulong ang loko pero di ko naintindihan.
"Anong binubulong bulong mo diyan, parekoy?"
"Mali naman da kase 'yang tanong mo.. Tss."
Anong mali dun? Anong mali sa tanong ko? May mali ba? Ulitin ko nga. Anong iniisip-- AH! Buset nahirapang ang gwapo kong utak dun, ah. Mali pala talaga ang mga salitang ginamit ko. So, yung tatlong babae parin na iyon? Ako rin naman, e.
"Dapat kase, 'Sino ang iniisip mo'?" may ibang nagsalita.
Aish! Nakuha ko na, e. Kaines naman 'to.
"Tss." si Basti yan.
"Ano ba yan, Je! Nakuha ko na, eh. Inunahan mo pa 'ko. Bwiset."
"Bagal mo, e."
"Sino nga pala katext mo? At bakit umalis ka?"
"Yung babaeng diniscribe tayo sa tatlong babaeng nabunggo naten."
"Anong problema non?"
Wala naman akong naaalalang may atraso kami dun.
"May deal daw tayo sakanya na may date tayo ngayong gabi."
"Kayo na lang, baba na ako." ang huling sinabi ni Basti bago bumaba. Sa totoo lang, ang wirdo ng lalaking yun kanina habang nasa school kame, pero mas malala na ngayon. Tinamaan ata dun sa may brunette na buhok na mukhang leader. Katapat niya.
Di naman talaga leader si Basti, pero siya lang talaga yung magdedesisyon ng gagawin namin. Wala naman kaming leader, mukha ba kaming gangster?
"Tara na Darren, iwan na natin si Basti para may magbabantay ng bahay. Bahala na yung palusot mamaya."
"Je, tinamaan ka ba sa isa sa mga babaeng nabunggo naten kanina." nasabi ko ng hindi ko namamalayan.
'Ako sa sarili ko, hindi ko alam pero isang mukha lang naaalala ko sa tatlong babaeng yun. Dapat kaaway namen pero anyare samen ngayon? Parang tigreng nakahanap ng katapat nila at bigla-bigla na lang aamo.'
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen FictionTheir unexpected love story. Lou, Hannie, and Zaine are going to have their greatest enemies, the White Lies. A band that has a drummer (Sebastian), guitarist (Jericho), and a vocalist (Darren) Will they continue the battle between the two groups? O...