AP-3

8.9K 196 1
                                    


Azalea's Pov

Nandito ako sa hardin ngayon at nag papahangin. Mamaya kasi sisimulan na namin ang pag eensayo. Hanggang ngayon, di ko pa rin lubos maisip ang mga nangyayari sakin. Lalaban ako bilang assassin para sa mafia. How the heck did that happen?! I used to be in a normal life, not until those bastards killed my parents. Damn.

Nauna nilang patayin ang papa ko. Dun ko unang nakita si papa at mama na makipag laban. He's so great at fighting pati si mama. Pero dahil sa sobrang dami ng sumugod sa bahay namin nun hindi nya kinaya. He sacrificed his life para maka takas kami ni mama. Ayaw pa nga namin syang iwanan. But he insisted. Bago kami maka takas ni mama nakita ko pa kung pano ginilitan ng leeg si papa nung lalaki na may hawak na katana. Naka half mask yun lalaki nun kaya hindi ko gano nakita ang mukha.

Naka takas nga kami ni mama pero ilang araw lang ay nasundan nila kami at si mama naman ang pinatay nila. They shot my mom in the chest using a gun. Ewan ko kung ano bang kasalanan sakanila ng magulang ko. Pero isa lang ang sigurado ko.

Gusto nila kong kuhanin at hindi ko alam kung bakit.

Tuwing maaalala ko ang sinapit ng mga magulang ko hindi ko maiwasan mag ngitngit ang kalooban ko. They killed my parents brutally. Hindi ko hahayaan na hindi mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nila. Kahit maging kapalit pa ng buhay ko. Sisiguraduhin kong mananalo ako sa M.A Battle. I'm sure na yung mga pumatay sa magulang ko ay kasali sa Battle.
And i'm dying to know who the fuck are them.

Habang nag mumuni, may narinig akong mga yapak papunta sakin. Hindi ko to tinignan at nanatiling naka upo.

"Hey." Tuluyan na syang naka lapit at nakita ko si Atrius.

Tinanguan ko lang sya at nanatiling tahimik.

"Dad said itour daw kita dito sa buong village. Para maka bisado mo daw ang lugar para hindi ka mahirapan sa M.A Battle."

Tinignan ko sya at tumayo na.

"Okay."

Nag simula na kaming mag lakad , pero dumaan muna kami sa isang kwarto. 'Weapon room'. Yan ang naka lagay.

Pag pasok namin namangha ako sa mga nakita ko. Napaka daming armas dito.

Different kind of swords, dagger, guns, shurikens. Lahat ata ng klase ng weapon ay nandito na.

"Kumuha ka dyan kahit anong gusto mo."

Hindi na ko nag salita at kumuha ako ng isang espada at isang baril. I know how to use these.

My parents taught me when i was young how to use different kinds of weapons.

"Okay na yan?" Seryosong tanong ni Atrius.

"Yes. Pero para san ba to?"

"Naka motor lang tayo maya pag inikot kita dito sa buong village. And i'm pretty sure na may mangilan ngilan aatake satin." Pagka sabi nya nun ay kumuha sya ng dalawang mataas na kalibre ng baril at sinuksok sa magka bilang bewang nya.

"Ooh. Sounds fun." Natutuwang sabi ko.

"Yeah." Napapa ngisi nyang sabi.

After namin maka kuha ng mga weapons namin nag diretso kami sa isang hallway papuntang kanan at pumasok sa isang pinto. Pagka bukas ng pinto nakita kong may hagdan. Mukhang may underground pa to.

Naglakad kami pababa at ng maka labas kami ay nakita ko ang napaka daming sasakyan at motor.

"Choose one motorcycle." Aniya.

Nag lakad ako sa hilera ng mga motor at nag ningning agad ang mata ko ng makita ko ang isang big bike na itim. Napaka kintab nito.

"I'll choose this one." Sabi ko sakanya.

Assassin Princess (COMPLETED on DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon