Azalea's PovPangalawang araw ko na dito sa mga Montecillo. Pagka tapos kong maka usap si 'Master Atrio' pinasamahan nya ko sa isang kasambahay nila sa isang guestroom. 'Master Atrio' daw ang itawag ko sakanya. Balak ko pa nga sanang magtanong kung bakit at anong koneksyon nila sa mga magulang ko pero hindi ko na nagawa dahil may bigla syang dumating na bisita. Dalawang lalaki at isang babae.
Tahimik ang buong mansyon. Bihira ko din makita ang mga kasambahay na pakalat kalat. Nung kinagabihan ng dumating ako dito ay napag pasyahan kong maglibot. Napunta ko sa hardin at dun ko nalaman na malaki pala ang likod na bahagi ng mansyon. Parang may gubat na sa likod non. Dun ko din naramdaman na maraming tao dito. Sadyang nag tatago lang sila at nag babantay.
*tok tok tok
Napatingin ako sa pinto ng tinutuluyan kong kwarto. Lumapit ako dito at binuksan. Dun, nakita ko yung isa sa dalawang lalaki sa opisina ni Master Atrio.
"What are you doing here?" Naka kunot noo tanong ko dito.
"Woah! Easy there lady. Pinapatawag ka ni Master." Natatawang sabi nya.
"Okay." Tanging sagot ko dito at lumabas na ng kwarto. Sinabayan naman ako nitong mag lakad .
"Azalea right?" Tanong nya.
Binigyan ko lang sya ng isang sulyap at di nag salita. Tch. Feeling close.
"Ang sungit naman nito." Narinig kong bulong nya.
Tch. Bubulong bulong rinig ko naman. Muntanga.
"Kahit di mo tanungin ang pangalan ko. Mag papakilala parin ako. I'm Gian." Lakas loob na sabi nito.
Andaldal naman nito. Tch
"Wala ka talagang balak mag salita?" Naka ngusong sabi nito.
Dito na ko napa tawa. Hindi kasi bagay sakanya ang mag pout. Malaki kasi ang katawan nito pero hindi naman panget tignan sakanya. Maayos din ang pagkaka gupit nito at bagay na bagay ang brown nyang mata sa pilikmata nya na mahaba.
Pag sulyap ko sakanya nakita kong naka nganga sya habang naka tingin sakin. Pumitik ako sa harap nya at natauhan naman sya. Tch.
"Tumatawa ka pala." Namamanghang sabi nya. The heck? Kala nya sakin robot? Tch.
Maka usap na nga to. Mukha naman syang mabait. Madaldal nga lang.
"Of course."
"Oy sumagot ka din!"
"Akala mo sakin pipi? Tss."
"Hahaha! Sorry naman! Kanina pa kasi ako nag sasalita di ka sumasagot."
"Wala lang ako sa mood mag salita." Sagot ko sakanya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at di na sya huminto sa kadadakdak at mag tanong. Sinasagot ko yung ilan pero madalas nakikinig lang ako.
Dumating na kami sa harap ng opisina ni Master. Sya na ang kumatok at sinabing kasama nya na ko. Pero walang sumasagot sa loob. Hindi ba mag hahagis ng patalim sa pinto si Master? Naalala ko sabi ni Atrius yun yung way nya ng pag sasabi ng 'come in.' Tch.
"Bubuksan ko na to. Be ready." Seryosong sabi ni Gian. Tumango na lang ako bilang tugon.
Pagka bukas nya ng pinto at pag tapak ng isang paa nya sa loob ay may mga lumilipad na shurikens patungo samin. Agad naman yun naiwasan ni Gian. Ganun din ako at hinuli ko pa sa kamay ko ang pinaka huling binato ng Master. Tch. Mabilis ang reflexes ko. Sinanay ako ni mama at papa nung bata pa ako sa di malamang dahilan.
Tuluyan na kaming pumasok sa loob at nakita kong naka ngisi si Master Atrio samin. Napapa iling na lang ako sa isip ko. Mukhang dito ko magagamit lahat ng itinuro sakin ng mga magulang ko nung bata pa ko.
"Mahusay ka. Just like your parents." Ani ni master sakin.
"Yeah." Tamad na sagot ko dito.
Pag tingin ko sa kwarto nandito din pala si Atrius. Pati yung kasama ni Gian na isa din gwapong lalaki pero mukhang arogante at yung babaeng blonde ang buhok na mukang manika.
"Sit down. We have something to discuss." Utos samin ni Master.
Naupo naman si Gian sa mahabang sofa kung san naka upo yung lalaki at babae na hindi ko alam kung sino. Si Atrius ay naka upo sa pang isahang sofa. Umupo naman ako sa katapat nitong sofa na pang isahan din. Tumayo si Master at naglakad patungo sa pwesto namin.
"Azalea meet Shanaia and Aldus. I bet kilala mo na si Gian at ang anak ko." Sabi nito habang palakad lakad sa harap namin.
Tumango lang ako sakanya at tinignan ang dalawang pinakilala nya. Naka tingin sakin ng matiim si Aldus samantalang pinag taasan ako ng kilay ni Shanaia. Tch. Bitch.
"Sila ang makakasama mo sa mga susunod na araw bago mag simula ang laban."
Napakunot noo ako sa sinabi nito.
Laban?
Mukang napansin nya naman ang naging ekspresyon ko at nag patuloy sa pag sasalita.
"Kayong lima ang magiging pambato ko sa darating na laban. 'Mafia's Assasins Battle.' O mas kilala na M.A Battle."
Mafia huh? Assasin? At kelan pa ko naging assasin? Tch.
"Sorry, but i don't get you. I'm not an assasin. Yes, my parents taught me how to fight. Pero sabi nila it's for my safety or should i say self-defense."
"Nah-uh. Mukhang walang kinwento sayo ang mga magulang mo nung nabubuhay pa sila." Naiiling na sabi nito.
May mga hindi at dapat ba ko na malaman? Hindi ako natatakot lumaban. Pero the heck? How can i focus sa laban na sinasabi nila kung madami pa pala akong di alam. Ibig sabihin hindi ko pa kilalang mabuti ang mga magulang ko? Assasin ba sila? Ito na ba yung mga bagay na inilihim nila sakin? Tungkol ba dito kung bakit sila pinatay? Fuck!
"Poor young lady. I will tell you all . Lahat ng gusto mong malaman, sasabihin ko sa'yo paisa isa sa bawat pagka panalo nyo sa bawat level ng battle."
This oldman is getting in to my nerves!
"So, i have no choice?!" Singhal ko dito.
"Yes." Naka ngisi pa ito. Tch.
"The battle will start after one month. You all need to be prepared. Hindi basta basta ang mga makakalaban nyo. At ang battle ay gaganapin dito mismo sa 'Demon's Village'."
Tumango lang kaming lima at nanatiling tahimik. May mga ilan pa syang pinaliwanag. Marami akong gustong itanong pero kagaya nga ng sinabi nya sasagutin nya to isa isa basta mapanalo namin ang bawat level. So, isang tanong at pag nanalo sa isang level sasagutin nya. Tch.
Dito ko din nalaman na si Shanaia, Gian at Aldus ay mga Assasin. Si Atrius naman ang magiging representative ng kanilang mafia.
"Okay, starting tomorrow, kelangan nyong magsanay. Kahit sabihin natin malakas na kayo at tayo ang nangunguna. Hindi nyo na kailangan mag sanay pa." Dagdag pa nito.
"At wag nyong kakalimutan. This is a survival battle. Pag naabot nyo ang pinaka huling level...
Mananatili ang Montecillo Mafia as the Best mafia in the world at kayo ang mga titingalain na mga assasin sa mafia world."Tch. Wala kong paki alam kahit hindi ako hirangin na isa sa number 1 assasin sa buong mundo.
All i want to know is the fvckin answers to my fvckin questions.
![](https://img.wattpad.com/cover/130668042-288-k286017.jpg)
BINABASA MO ANG
Assassin Princess (COMPLETED on DREAME)
AksiyonShe only want is an answer. She only want is revenge. But how did she came up as the Assasin Princess? Story Genre: Action and Romance Started: April 28, 2018 Finished: May 27, 2019 Highest Rank Reached: #2 in Action - April 18, 2020