1

109 3 1
                                    

Unang araw


Matuwid kaming naglakad patungo sa loob ng paaralan.
Malalaking mga gusali ang bumungad sa amin at ang malaking bakal na may ukit ng pangalan na gusali

Altheria University

nakuha ang atensyon ko ng kulay berdeng malulusog na damo at nakakahumaling na mga bulaklak na tila sumasayaw kasabay ang simoy ng hangin.
"Ang ganda naman dito" tulalang sabi ni jennifer na nakatingin sa magandang tanawin ng eskwelahan
"Nakakahumaling ang tanawin,ang sarap sa pakiramdam" tugon naman ni mich
"Ang saya tumambay dito sa field"masayang sabi ni marie
Habang naglalakad sa kulay berdeng damo
"Buti dito tayo lumipat,walang gulo,kundi kapayapaan" ani naman ni monique habang umiinom ng palamig
"Malinis ang kapaligiran,walang bahid ng kaguluhan" ang tugon ko sakanila.
Pagkatapos namin purihin ang magandang tanawin ng paaralan dumiretso kami sa office upang makuha ang aming schedule.
Bumungad sa amin ang mga guro na busy sa mga gawain. Napansin kami ng isang guro at kami ay binati
"Kayo ba ang bagong lipat dito" ani  nya
"Opo, kami po yun" tugon naman ni mich
"Welcome to altheria university girls, ako nga pala Ms. Ria Aureus"
Masayang tugon ng guro
"Pwede na po ba  makuha ang schedule namin?" Tanong ko naman
"Pwedeng pwede, kukunin ko muna siya,umupo muna kayong lima" sabi ni Ms. Ria
Umupo kami sa malambot na upuan na nakahilera sa loob ng office. Matapos ang ilang minuto bumalik si Ms. Ria na may dalang papel at limang susi.
"Ito na ang schedule nyo, pare parehas lang naman kayo ng room kaya isa lang ang kinuha kong schedule sa inyo at ito pala ang susi ng locker niyo para di na kayo mahirapan sa mga gamit niyo" sabi ni Ms. Ria
"Bakit po wala pa kaming nakitang mga estudyante?" Tanong naman ni monique
Gulat na tumingin si Ms. Ria kay monique. "Madami pa silang ginagawa" walang buhay na sagot ni Ms. Ria
"Ahhhhhh" sabay sabay naming sabi
"Magtungo na kayo sa mga locker nyo,upang malipat niyo na ang mga gamit niyo" sagot naman nya
"Saan po namin makikita ang lockers namin?" Tanong naman ni jennifer
"Dumiretso lang kayo patungo sa canteen at makikita niyo na ang lockers nyo" sagot naman ni Ms. Ria
Pagkatapos naming manatili sa office nagtungo na kami sa aming mga lockers upang malagay ang aming mga gamit.may narinig kaming nagsalita na patungo sa mga lockers
"Nagalit na naman si raf dahil sa ginawa ni paul" sabi ng lalaki na matangkad at medyo magulo ang buhok
"Bakit naman kasi gagawin ni paul yun kung alam niyang pagmamay-ari ni raf yun" tugon naman ng medyo may katangkadan na lalaki.
Nagulat ang dalawang lalaki nung nakita nila kami at mabilis na umiwas sa amin
"Weird" sabi ni jennifer.
"Ano kaya meron dun,sino kaya si raf at—" naputol ang sasabihin ni marie dahil sa malakas na pagtunog ng bell
"Tara pumunta na tayo sa ating classroom" sabi ko naman at pumunta na dun. Habang patungo kami dun may mga nagtatakbuhan na mga lalaki at mga babaeng naglalagay ng kolorete sa kanilang mga pisngi
"Sila ata ang bagong lipat,sana makitungo sila sa atin" sabi ng babaeng maputi at balingkinitan ang katawan
"Ito na ata ang classroom natin" sabi ni mich habang tinitingnan ang schedule namin

11-Peace

"Tara pumasok na tayo" sabi ko naman.
Pumasok kami sa silid at tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa at mataman na tumingin. Hindi namin sila binigyan ng pansin at dumiretso sa dulo kung saan may bakanteng mga upuan. Dumiretso ako sa bandang bindana upang masilayan ang magandang tanawin. Matapos ang ilang minuto dumating ang isang matipunong lalaki na nasisiguro naming teacher namin.
"Good morning class" sabi ni Mr teacher
"Good morning sir" masiglang sagot namin at iilan sa klase
"Morning" walang ganang sagot naman ng iba
"May bago pala kayong kaklase, anyway ako nga pala si john marion but you can call me sir jm for short" sabi ng guro
"Tatawagin ko na lang isa-isa ang mga bagong lipat" sabi ni sir jm
"Jennifer Endozo"
"Present" sabi ni aj
"Marie sarmiento"
"Present" sagot ni marie habang patagong nakain
"No eating inside the classroom,first warning marie" sabi naman ni sir jm
"Michelle Sarmen"
"Present"
"Laurice Manco" tawag sa akin ni sir
"Here" sabi ko na nakataas ang kamay
"Monique batino"
"Always present" masayang tugon ni monique.
"Listen class,dahil first day pa lang ngayon, free time nyo muna" sabi ni sir

Classroom kapayapaanWhere stories live. Discover now