2

52 1 0
                                    


Meeting them

Dahil free time namin, nagtungo kami sa canteen para bumili ng pagkain, habang naglalakag kami may nakasalubong kaming babaeng nakasalamin, matangkad at maputi at may dalang sangkatutak na papel.
"Kailangan mo ng tulong?" Tanung ni monique
"Hindi na, kaya ko naman eh. Diba kayo ang bagong lipat sa 11-peace?"
"Oo" ang sagot namin
"Ahh...ako nga pala si Angline plaza,school president. Welcome to Atheria girls" masayang bati niya sa amin
"Sige...punta na kaming canteen" tugon ko naman.nagtungo kami sa canteen at bumili ng pagkain.pinagtataka namin kung bakit kami pinagtitinginan ng mga estudyante.
Ngayon lng ba sila nakakita ng baong lipat?
"Well nawewerduhan na ako sa mga tao dito" takot na sabi ni jennifer
"Ano kaya meron dito sa school na to...iba ang aura nya" sabi ni naman ni marie
"HAAHAHAH wag niyong sabihin na iniisip niyo na may multo d—" naputol ang sasabihin ni mich dahil sa isang matining na sigaw
Nagulat ang mga tao at tumakbo sa lugar kung saan nanggaling ang matining na sigaw. Dahil sa kuryusidad namin pumunta na din kami at sumiksik sa madaming tao
"Ang sikip naman dito" hirap na sabi ko sa sobrang init at sikip.
Nung nakarating kami sa unahan nakita namin ang dalawang lalaking nagsusuntukan at isang babaeng iyak ng iyak
"Sabi kong wag mong papakialaman kung ano ang sa akin eh" nanggigil na sigaw ng lalaking nakaitim
"Ahahah di ko naman inaagaw eh..sadyang kusa silang lumalapit sa akin" nakangiting sabi naman ng lalaking nakajacket
"Ang korni naman...dahil lang sa babae nagkakaganyan kayo...HAHAHAHA" biglang sabi ko at tumigil ang lahat at gulat na tumingin ang dalawang lalaki sa amin.
"Sino kayo para makealam sa amin" sabi ng lalaking nakajacket na umaapoy ang mata sa galit
"Bakit mo kasi pinakialaman" bulong na sabi ni mich
"Hahaha wag mo ng alamin kung sino ako" malamig na tugon ko at naglakad na ako paalis sa lugar na yun, sumunod naman ang mga kaibigan ko.habang nag kami pinagtitinginan pa rin kami na tila bang natatakot sa susunod na mangyayari sa amin
"Kala ko pa naman din Walang gulo dito yun pala mas magulo" sabi ni mich. Dumeritso na kami sa aming classroom dahil magsisimula na ang klase
Pagkapasok namin ay may sari sarili silang mundo. Makalipas ang ilang minuto pumasok na ang aming guro upang simulan na ang clase.nagsimula na ang klase ngunit may marahas na kumatok sa classroom at binuksan ito. Laking gulat ko sa pumasok dahil sila ang nagsusuntukan kanina. Naglakbay ang mata ng nakajacket at bumaling ang tingin niya sa akin at kunit noo akong tinitigan sinuklian ko naman siya ng isang malamig na tingin
"Ano na naman ang ginawa niyo at bakit ganyan kadumi ang mga suot ninyo!" Galit na sabi ng guro
Hindi binigyan pansin ng dalawa ang sinabi ng guro at dumeritso sa upuan
"Galit ata sayo yung lalaking nakajacket" bulong ni jennifer
"Wala akong pake" mataman na sagot ko sakanya
Matapos ang klase tumunog ang kampana hudyat na oras na ng tanghalian.
"Yeeeees lunch na! Gutom na gutom na ako" masayang sabi ni marie
"Tara pumunta na tayo" sabi ko naman sakanila."sandali lang pala may kukunin lang ako sa locker"
"Sige...sumunod ka na lang ah" sabi naman ni monique
Tumango lamang ako at nagsimula ng lumakad papunta sa locker. May napansin akong tao banda sa aking locker at biglang tumakbo paalis doon.
Weird.
Binuksan ko ang locker ko at may biglang nahulog na papel. Pinulot ko ito at binasa

Wag kang makikialam sa susunod dahil paka may mangyari lang sayo na di mo magugustuhan.

Tssss.
Sana kinausap niya na lang ako. Nagabala pa siyang magsulat at may palagay lagay pa sa locker.
Ginusot ko ang papel at tinapon sa basurahan at pumunta na ng canteen na tila walang nangyari
"Bakit ang tagal mo? naubusan ka tuloy na dessert"  tanung ni marie habang nakain ng tinapay
"May tinapon lang ako" sagot ko at nagsimulang kumain.shoocks naiihi ako
"Guys cr lang ako" mabilis kong sabi at hindi na hinintay ang sasabihin nila.habang naglalakad ako sumalubong sa akin ang dalawang lalaki at marahas akong hinila.
Putek ang sakit ng hila nila ah!
"Saan niyo ako dadalhin?"walang buhay na tanong ko
"Sa lugar kung saan ka paparusahan" tugon namang ng payat na lalaki
Tsssss.
"Wala akong oras sa inyo" tugon ko at malakas na sinuntok ang dalawa, hindi nakailag ang payat kaya natumba siya ngunit bigla akong inatake ng isang katangkadan na lalaki at umatake ng suntok
Kaso walang lumapat sa akin.
Sorry pero black belter ata ako sa taekwondo at mix martial arts...Hahaahah
Umilag ako at nagkaroon ng pagkakataon upang sipain siya ng napakalakas at siya ay natumba dahil sa natanggap na malakas na pwersya
K.O!...hahaahah wala pala kayo eh
"Nagsayang lang ako sainyo ng oras...tsss"mayabang na sabi ko at naglakad patungo sa cr upang umihi.

Classroom kapayapaanWhere stories live. Discover now