6

30 1 15
                                    


Stunned

Makalipas ang mga buwan, nawala na ang gulo at luminis na ang pangalan ng unibersidad.

Nakatambay kami sa field at masayang tinatanaw ang ganda ng kapaligiran, nakakatuwang tignan ang mga estudyanteng nag-aaral ng malaya sa loob ng unibersidad at masayang nagtatawanan ang isa't isa. Kasulukuyan kaming kumakain sa field dahil puno na sa canteen.
Naglatag kami ng tela upang maupuan namin at nilatag na din ni Rose ang sangkatutak ng mga pagkain. Gutom na gutom ang mga mata ng aking mga kaibigan dahil sa nakalatag na mga pagkain na nakakabusog kahit tingnan mo lamang.
"WAHAHAHAH INUBOS KO LAHAT NG PAGKAIN SA CANTEEN DAHIL SA SOBRANG GUTOM" sabi ni Rose. Habang inaayos niya ang mga pagkain may kamay na tumangkang kumuha sa mga ito ngunit bago lumapat iyon tinapik agad ni Rose yun at matalim na tingnan ang nagmamay-ari ng kamay na si Monique.
"Whoaaa...AHAHHAA SORRY! Gutom ka nga pala" tawang tawa na sabi ni Monique
"Tssss...para saakin lang to" nakangusong sabi ni Rosie at nilagay ang masasarap na pagkain sa kanyang harapan at nagsimula ng kumain.
Nakakatuwang tingnan na malaya na sa gulo ang unibersidad namin at wala ng takot ang mga estudyanteng mag-gala sa loob nito
Tinawanan ko lamang sila sa kanilang kaharutan at walang tigil paring inaasar ni Monique si Rosie na halos mamula na sa sobrang asar na natatanggap.
Kinalabit ko si Mich na busy sa pagbabasa at ngunit di ako pinansin

-_-.....ganyan aaah!!!

Bumunot ako ng berdeng damo at mabilis na tinapunan ang binabasa niya.Tumigi si Mich ng ilang sandali at lumingon siya saakin at nagtagpo ang mga mata namin...mga mata na umaapoy sa galit na isa sa kinakatakutan ko....

Umatras ako ng konti upang lumayo sakanya ngunit bago pa ako makagalaw hinala niya ako pabalik sakanya at umigting ang bagang niya sa sobrang gigil

Wrong move laurice wrong move.........
Isa sa aming kinakatakutan ay ang galit na si Mich dahil nawawala siya sa kanyang sarili kung siya ay iistorbuhin...minsan niya na kaming napaluhod dahil sa sobrang galit niya sa amin nung napunit namin ang isang pahina ng kanyang paboritong nobela....
Bye world...sa susunod na lang ulit dahil ililibing na akong buhay ni Mich na may kasamang malalaking palaka

"Ano ang problema mo?" Tanong niya saakin sa madiin na tono. takot na takot akong tumingin sa kanya ngunit sinuklian niya ako ng galit na tingin at mabilis akong lumunok.

"Ta-tanungin lang sa-sana kita" nanginginig na tugon ko sakanya. Pumungay ang mga mata niya sa aking sinabi

Pheeeeeeew!

"EH BAKIT KAILANGAN MO PANGAWIN YUN KUNG PWEDE MO NAMAN AKONG TAWAGIN!!!!!" Biglang sigaw niya sa aking tenga. Mabilis kong tinakpan ang aking tenga sa sobrang lakas ng kanyang boses. Natigilan ang lahat sa kanilang ginawa at lahat ng estudyante na nasa field ay pinagtitinginan na kami....nakakahiya

Shooocks ang lakas nun bakit sa tenga ko pa...huhuhuhu basag na ear drums ko....huhuhuhu

"Teka teka....easy lang Mich, bakit sa tenga ko pa...huhuhuhu you have no mercy!" Paiyak na tugon ko

"Ano ba kasi yun,kita mo namang may binabasa ako eh" mahinahon na sabi niya.

Amazing ang bilis niyang magbago ng emosyon...lowdi ko na talaga siya!

"Aalis muna ako, iihi lang ako" mahinahon na sabi ko sakanya. Nalaglag ang panga niya sa aking sinabi na pinagtaka ko naman

Classroom kapayapaanWhere stories live. Discover now