His Damn Sexy DJ: The DJ

197 0 0
                                    





"Uhuhmmm, ahh...magandang mangandang gabi sa inyong lahat mga uhhh, hottest" seductive na sabi ko.



"Ako nanaman ang inyong makakasama sa gabi, ng dj na walang kasing ganda, and dj na dyosa sa balat ng lupa, itawag niyo lang sa akin ang inyong mga problema at ating susulusyonan yan" sabi ko pa "para sa mga hottest at magaganda nating kababaihan diyan  i-dial niyo lang ang mga numerong ito sa inyong mga telepono 078-9765412 at para sa mga gwapo at hottest nating mga kalalakihan diyan just dial 012-9785641" sabi ko sa mic habang tumitipa sa keyboard.


"At mamaya ay malalaman na natin ang ating first caller for tonight kaya stay tuned mga hottest and you are listening to Wild night conffesions dito lang sa nag iisang hottest na radio station sa Pilipinas, ito ang 108.2 the Hottest radio " sabi ko at nag off air at nag play ng kanta. Kinamusta ko lang yung mga bumisita sa akin sa booth, they find my wierd, kasi ako lang ang DJ sa radio na nasa face mask, yung mata at forehead ko lang natatakpan, kasi kung sa bibig, edi nahirapan akong mag salita. Pag tapos kong mangamusta ay lumabas na ako ng booth.


"Oh, dj Tumbok bat' hindi ka pa umuuwi?" Tanong ko sa isang co-dj ko.


"Pauwi na, alam mo naman si missis nag-lilihi kaya, eto ako ngayon aligagang mag hanap ng duhat na puti, walang hiya 'yan saan naman ako makakahanap ng duhat na puti diba?" Sabi niya kaya naman tinapik ko lang siya sa balikat niya.


"Ge' good luck na lang sa pag hanap ng duhat na puti" natatawa kong sabi at pumunta sa pantry para kumuha ng tubig. Dahil medyo na uuhaw ako. Pabalik na ako ng booth ng hindi na ako nagulat ng hangang sa labas ay may mga taong gustong makinig sa akin.


"Hi! DJ Khara, ito pala oh chocolates" sabi ng isang dalaga sa akin sabay abot ng chocolate.

"Wow, thank you sa chocolate, sorry kung hindi kayo makapasok meron na kasing mas nauna, sa susunod agahan ninyo para naman makapasok kayo sa loob" sabi ko dito. First come first serve kasi ang sistema dito. Kung sino yung unang dumating siya ang makakapasok sa loob ng booth.

"Pero antayin niyo na lang kapag may lumabas pwede kayong pumasok" sabi ko pa dito.


Pumasok naman ako sa booth, at lumapit naman ako sa computer, may inabot naman saakin yung P.A at binasa ko naman iyon.


"Coffee?" Tanong nito sa akin.

"Okay, maraming creamer ah" sabi ko dito sa P.A namin at tumango naman siya.

"Okay guys, silent lang muna tayo ah, mag o-on air na" sabi ko naman.



"Hello, hello mga hottest eto pa rin po ang inyong lingkod dj Khara at your service. Kung ikaw ay may problema tara! Baka masulusyunan natin yan" masiglang sabi ko pa habang nag sasalita sa mic habang naka sukbit yung head set ko.


"Okay by the way mga hottest nasa kabilang linya na natin an gating first caller" sabi ko dito at pinalay ko muna yung background ng segment ko.


"Hello, Ate Joan" sabi ko dito.

"Good evening po Ma'am Khara" sabi nito sa akin.

His Damn Sexy DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon