His Damn Sexy DJ: One

104 1 0
                                    



Mga mag three in the morning na ako naka rating sa building ng condo ko. Isa itong rent to own condo. Pinark ko naman yung kotse ko sa parking lot. Ng okay na ay bumaba na ako at ni lock ang kotse ko. Bitbit ang one litre ng isang isang double dutch na ice at bag ko ay pumunta naman ako sa elevator. At pinindot ko ang floor ng pad ko.

Ilang segundo pa lang ay tumunog yung cellphone ko, 'yun pala may mag text alert lang naman pala ito galing sa sim card network na gamit ko. At tinignan ko na rin yung ibang messages na hindi ko pa na babasa. Meron sa mga kaibigan ko at meron din sa magulang ko.

Wala sa sarili na napangiti ako nang makita ko yung home screen ko. It was our family picture na nag pipicnic kami dito sa isang park sa Manila. Ilang saglit lang ay nakarating narin ako sa floor ng pad ko at nag lakad palabas ng elevator. Malapit na ako sa pinto ng pad ko nang may nakita akong nag hahalikan malapit sa katabing pad ko. Napahinto naman ako sa pag lalakad dahil doon. Sa tatlong buwan kong nanirahan dito ang alam ko ay walang nakatira sa kabila.

Sa hindi ko malamang dahilan ay nabitawan ko naman yung dala kong ice cream at dahil doon ay lumikha ito ng tunog. Para naman akong na alarma sa nangyari at halos mapatalon ako sa gulat ng biglang tumunog yung cellphone ko na hawak ko rin.

Kaagad ko namang sinagot yung tawag kahit hindi ko nakita kung sino at pinulot yung ice cream ko. Siguro naman hindi naman nila ako napansin dahil busy yung mag couple sa kanilang chu-chu time.

"Hello" sagot ko.

"Gaga ka! Lakas rin ng trip mo ah kanina doon sa caller mong lalaki ah, ahahahaha! Grabeng requirements naman yun?" Hindi uso sa kaibigan kong si Anna ang salitang hello or hi.

"Tss, bakit may kilala ka bang malaki ang uhm, mataba ang ahh, at magaling sa oohh?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

"Oo marami gusto pakilala kita ng mag ka boylet ka naman" sabi niya sa akin.

"Kung gaga ako mas gaga ka! Loka-loka ka hindi ko kailangan ng boylet mo okay na ako sa status ko" medyo malakas kong sabi sa kaniya at narinig kong sumara yung pinto ng kabilang pintuan.

"Sige na mamaya ka na tumawag sa akin, kakauwi ko lang tawagan na lang kita" sabi ko pa sa kaniya.

"Ge, alam ko namang pagod na pagod ka dj Khara" natatawang sabi niya sa akin. Tas in-enter ko naman yung passcode ko at pumasok na sa loob. Inilagay ko muna sa ref yung ice cream ko at pumunta sa banyo para maligo. Pero bago 'yun ay nag play muna ako ng kanta na mula sa cellphone ko. Nakasanayan ko na iyan ang mag patugtug habang naliligo mas narerelax kasi ako kapag ganon.

Ng matapos akong maligo at kumuha naman ako ng isang XXL na t-shirt at isang maikling cotton shorts. Ganito ang ayos ko kapag nasa bahay lang. Kung sisipatin mo ay hindi mo aakalaing may short akong suot dahil sa haba ng t-shirt ko.Buti na lang at day off ang Saturday at half day naman pag Sunday. Kaya mahaba-haba ang pahinga atleast  makakapag pahinga naman ako kahit papaano.

Then I don't bother myself to brush hair even to blow dry it. Then pumunta naman ako sa  kusina ko para kunin sa refrigerator yung ice cream. Then naka Indian seat naman akong umupo sa couch ko habang kumakain ng favorite ice cream ko. At habang naka on parin yung music sa cellphone ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag kain at page enjoy ng music nang naramdaman kong may naramdaman akong may gumapang sa hita ko na parang matigas-tigas ang mga paa nito at dahil sa kilabot habang gumagapang ito sa hita ko.

"Whhhhhaaaa!!!!!!!!!" sigaw ko ng ma-realize kong ano ang gumagapang ito sa akin ay agad ko itong hinawi at napasigaw at umatras sa couch na inu-upuan ko kahit wala naman na akong aatrasan.Para nakita ko naman si Sadako na lumalabas sa T.V. ko dahil sa takot.

His Damn Sexy DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon