Slow mo! Pero mahal kita.

785 45 42
                                    

Dedicated kay Abby. Natuwa at kinilig kasi ako sa message niya sa akin. :") Goodluck pala sa story mo! :D

AN. Dahil nagenjoy ako sa paggawa ng mga one shot story, gumawa pa ulit ako! Ang dami ko na ngang naiisip e. XD Btw, huwag po gaanong magexpect na maganda toh. Kasi in the first place, hindi naman ako magaling kaya I'm not sure kung magagandahan kayo sa kinalabasan. Pero sana basahin niyo pa din. :)

So here's my third one shot story. Enjoy~! ^___^

VOTE.

LIKE.

COMMENT.

BE MY FAN.

THANK YOU. :*

-- 

Hayy! Sa wakas, nakarating na din ako dito sa school. Akala ko male-late na naman ako e! Ka-traffic ba naman. Tssk.

"Hello ate Tina!" Bati nung 1st year student.

Huh? Ako? Ako ba kausap niya? E nakatingin siya sa akin e! Hindi naman siguro 'toh duling o banlag! XD Pero hindi naman Tina pangalan ko e. Anne po ang pangalan ko, hindi Tina. =____=

"Ako?" Tinuro-turo ko pa yung sarili ko. 

"Opo. Ang ganda mo daw ate Tina! Pinapasabi ni kuya Coco." Nginitian niya ako. 

Magtatanong sana ako kaso bigla na siyang umalis. Hindi naman ako si Tina e! Baka naman nagkamali yun ng pinagsabihan. O di kaya, baka malabo mata niya? Ay nako! Hayaan na nga. Pero teka! Sino naman yung Coco na yun? Bat parang wala naman akong natatandaan na may pangalang Coco dito sa school namin?

Patuloy na lang ulit akong naglakad papuntang room namin. 

Napadaan ako sa Canteen. Hindi pa nga pala ako nag-aalmusal sa sobrang pagmamadali ko. Makabili nga muna ng makakain.

Pagpasok ko sa may Canteen, merong mga ilan-ilang estudyante.

Bumili lang ako ng biscuit at paalis na sana ako nang biglang may lumapit sa akin.

"Hello po! Ate Tina, ang bait mo daw po! Sabi ni kuya Coco!" 

Ayan na naman yang ate Tina at kuya Coco na yan! Magsasalita pa sana ako kaso bigla na naman akong nilayasan ng hindi-ko-alam-ang-pangalan nilalang na yun. 

Sino ba kasi yang Tina at Coco na yan?! Hayyy! Nakakainis na ha! Sinabi ngang hindi ako si Tina! Agang-aga binabadtrip ako e! >.<

Papunta na ulit ako ng room namin. May mga nakasalubong na naman ako at alam na! 

"Tina! Ang cute mo daw, sabi ni Coco." 

"Ang talino mo daw, Tina! Sabi ni Coco."

Anubanamanyan! >.< Matutuwa na sana ako kasi puro papuri yung mga sinasabi nila sa akin. Kaso, sinabi ngang hindi Tina ang pangalan ko! Nagkakamali sila ng pinagsasabihan! Sa dinami dami ng pwedeng pagtrip-an nila, ako pa yung napili nila! 

Pagpasok na pagpasok ko sa room namin..

"Mahal na mahal ka daw ni Coco, Tina! Ayiiee." In chorus na sabi ng mga kaklase kong nasa loob ng room namin. Nahihibang ba sila? Para namang hindi nila alam na Anne pangalan ko! Naiinis na talaga ako ha! 

Sino ba yang Tina na yan? Plano ata nila ito ng pag-amin nung Coco dun sa Tina na mahal niya yun. E kaso, MALI NGA SILA NG PINAGSASABIHAN!! Palpak ang plano nila, BOOM!

"Sino ba yang Coco at Tina na yan?!" Tanong ko sa kanila. Kaso wala naman akong nakuhang kahit isang sagot! Binigyan lang nila ako ng mga mapangloko nilang ngiti! >.<

Slow mo! Pero mahal kita.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon