BF Two

466 22 2
                                    

Cha's POV

"Nasaan na ba kasi siya?" Aburidong tanong ni Cienne.

"Hindi ko rin alam, hindi sumasagot sa mga call at messages ko eh" yamot kong sagot.

"Sigurado ka bang nasabi mong lunch?" Tanong ng kambal nito.

"Oo naman, kaya nga nagluto na siya kagabi eh" sagot ko.

Parating na si daddy pero wala parin siya, nasaan ka na ba Ngus. Pangatlong pagtataon na tong di mo kami sisiputin kung di ka dadating.

Bukas ng umaga narin kasi ang flight ni daddy pabalik ng UK, one week lang siya dito eh sigurado magiging busy nanaman to kaya mahihirapan akong humanap ng tyempo na ipakilala si Ngus.

Alam naman na ni daddy na babae rin si Ngus, wala naman siyang problema dun basta kung saan daw ako sasaya kaya gusto niya sanang makilala eh pero mukhang no show nanaman si Vic!

Nung unang hindi siya dumating naintindihan ko pa eh.

-flashbak-

"Ano na ditse? Wala parin?" Tanong ni Cienne.

"Wala talaga eh, hindi sumasagot" inis kong sagot.

"Nasabihan mo ba?" Tanong ng kambal nito.

"Last week ko pang sinasabi sakanya" sagot ko.

"Eh bakit wala pa?" Tanong naman ni Cienne.

"Aba malay ko! Magkakasama tayo diba?" Inis kong sagot.

Natahimik nalang silang dalawa, nasaan na ba yun? Ang ganda ng usapan namin kagabi eh!

"Nandiyan na si Dad" magiliw na sambit ni Camille tyaka patakbong sinalubong si daddy.

Awtomatiko naman kaming napangiti ni Cienne, sumunod narin kami kay Camille at yumakap kay daddy.

"My 3 beautiful princess, I miss you" malambing nitong sabi.

"We miss you too dad" sabay naming bati.

"Where's the love of your life?" Mapangasar na tanong ni daddy.

"She's not here yet eh, pasunudin ko nalang po sa restaurant kung saan tayo kakain" sagot ko, tumango naman ito.

"Tara na? Gutom narin ako eh" natawa nitong yaya.

Nagtungo na kami kung saan naka park ang sasakyan, habang naglalakad kami ay sinusubukan kong tawagan si Vic pero hindi talaga sumagot kaya nag message nalang ako sakanya at sinabing sa restaurant nalang siya sumunod.

...

"Kin sorry na, sorry na talaga" panunuyo nito.

"Okay na" cold kong sagot.

"Okay na pero galit ka parin" parang bata nitong sabi.

"Okay na nga Vic! Wag mo na akong kulitin" madiin kong utos.

Tumalikod na ako sakanya at pumikit, sino ba naman kasing hindi magtatampo diba?

Oo busy siya pero ano man lang yung lunch diba? May tinatapos daw kasi silang project kaya nawala sa isip niya.

Agad akong napabalikwas ng marinig kong sumara yung pinto, napatingin ako sa paligid. Tignan mo yun! Iniwan pa talaga ako!

Narinig kong umandar ang sasakyan sa baba, takte saan naman pupunta yun?

Agad akong bumaba para puntahan sana siya pero di ko na naabutan, tatawagan ko sana ito pero iniwan niya phone niya sa taas.

Baka nagsawa na saakin yun? Tanga Charleen! Ang arte mo kasi. Baka pumunta na sa haliparot niyang CEO!

Beyond Forever (IYNTO book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon