BF Five

298 22 11
                                    

Vic's POV

Sa dining room na ako pumwesto para mag review, gusto ko kasi habang nagrereview may nginangata ako.

Buti nalang talaga at pinayagan ako ni ma'am Jen na umuwi ng maaga, well syempre ginamitan ko ng kunting charm para pumayag kaya nga sobrang clingy nun kanina eh pero wala lang naman yun malinaw sakanya na may girlfriend ako at para ko na siyang nakakatandang kapatid.

Minsan nga lang lumalandi parin, lagi akong binibiro na gagayumahin daw ako o kaya naman kikidnapin ako at idadala sa malayong lugar kung saan masosolo daw niya ako. Sinasabi ko naman lahat kay Kin ito, hindi ako naglilihim sakanya.

Pero teka! Ang dami ko ng kwento magrereview na muna ako.

Sumabay ang tunog ng doorbell sa pagbukas ko ng libro, sino naman kaya yun?

Hindi naman siguro si Kin, ang usapan namin susunduin ko siya at isa pa hindi naman na magdodoorbell yun kasi may susi siya. Ah baka naman yung kambal.

Tumayo na ako para pagbuksan sila.

"Ginabi na" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng makita ko kung sino.

"Hi?" Nakangiti nitong bati.

"Ly? Anong ginagawa mo dito?" Kunot noo kung tanong.

"Hindi mo ba muna ako papapasukin?" Tanong nito, alanganin akong umusog para makapasok siya, dali dali naman itong pumasok sumunod narin ako sakanya "dinalahan kita ng chips tyaka chocolates alam kung kakailanganin mo to habang nagrereview" isa-isa nitong nilabas sa plastic niyang dala.

"Ly?" Kuha ko sa atensyon niya, hindi naman ako nito pinansin.

"Alam kong aantukin ka pag wala kang nginangata kaya naisipan kong bilihan ka" patuloy nito sa pagsasalita.

"Ly?" Hinawakan ko ito sa balikat, napatigil naman ito at humarap saakin "na appreciate ko lahat ng to" sincere kong sambit "pero hindi mo na kailangan gawin to tyaka diba may lakad pa kayo nila Kin?" Tanong ko, napabuntong hininga naman ito.

"Hindi ako magsisinungaling sayo Ars simula ng makita ulit kita kagabi hindi ka na maalis sa isip ko" nagulat naman ako sa sinabi nito kaya napabitiw ako sa pagkakahawak ko sa balikat niya "wala naman akong balak manggulo eh, paki ramdam ko lang kailangan kong bumawi sayo" paliwanag nito.

"Ly, matagal na kitang napatawad hindi mo na kailangang gawin to" sagot ko.

"Please Ars hayaan mo nalang akong bumawi sayo, gusto kong gawin to" pakikiusap nito.

"Bakit?" Malaman kong tanong.

"Galang naman kailangan pa bang tanungin yan?" Iritado nitong tanong.

"Tsss, fine hintayin mo na ako diyan kukunin ko lang yung mga gamit ko" pumasok na ako ng dining room.

Kinuha ko agad ang phone ko para tawagan si Kin.

Naka ilang tawag ako pero hindi ito sumasgot kaya nag message nalang ako sakanya, syempre pinaalam kong nandito si Ly.

Pagbalik ko ng sala nadatnan ko siyang tinititigan ang mga pictures namin ni Kin.

"Juice?" Kuha ko sa atensyon niya, humarap naman ito saakin at umupo sa tapat ko.

"Salamat" nakangiti nitong sambit ng kunin niya saakin yung juice, nginitian ko lang naman ito at binaling na ang atensyon ko sa mga libro.

Gustuhin ko man mag concentrate hindi ko magawa, nararamdaman ko kasi yung pagtitig niya saakin.

"Matunaw naman ako" pangaasar ko ng hindi siya tinitignan.

Beyond Forever (IYNTO book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon