BF One

649 27 4
                                    

Bale throwback ito guys, 3 years ago silip tayo saglit sa mga nangyari sakanila.

Cha's POV

"Ngus?" Malambing kong tawag sakanya, hindi naman ito gumalaw "ngus?" Hinaplos ko ito sa buhok.

Wala parin ang sarap ng tulog eh, hinalikan ko ito sa noo, sa ilong then sa labi. Nakangiti itong nagmulat ng mata.

"Tsansing!" Pangaasar nito.

"Good morning" tyaka ako yukamap sakanya, umunan na muna ako sa dibdib nito.

"Good morning Kin" malambing nitong sabi habang hinahaplos ang buhok ko.

"Ganito muna tayo huh" mahigpit naman na yakap ang sinagot nito.

Sinasadya ko talagang gisingin siya ng mas maaga para dito, nakasanayan na namin ito eh bago bumangon maglalambingan muna.

"Anong oras ka uuwi mamaya?" Tanong ko.

"8 na siguro Kin, may tatapusin pa ako sa office eh" sagot nito.

"Kasama ba ang boss mo diyan?" Inis kong tanong.

"Syempre naman Kin boss ko yun eh" nakatawa nitong sagot.

"Magresign ka na kaya diyan" suggestion ko.

"Selosa" tyaka nito kinurot ang ilong ko.

"Kasi naman Ngus eh" pagmamaktol ko.

"Kin, ilang beses ko ng sinabi sayo ito! Ikaw lang wala ng iba" malambing nitong sabi.

"Hmmmmm, sige na nga" tyaka ko ito hinalikan sa labi "tumayo ka na diyan at baka malate ka pa sa school" utos ko.

"Ayaw!" Pagmamatigas nito tyaka ako niyakap ng mahigpit, ang Ngus ko talagang pabebe sumige nanaman.

"Dali na, paguwi mo mamaya may prize ka" suhol ko.

"Sabi mo yan ahh" agad itong bumangon at pumasok ng CR.

Napapailing nalang ako habang tinutupi ang ginamit naming kumot.

"I love you" sigaw nito mula sa CR.

"Mamaya na yung sagot ko pag nakalabas ka na diyan" sagot ko.

Pagkalabas ko ng isusuot niya ay agad na akong bumababa sa kitchen para ipagluto siya ng almusal.

Wala naman na akong masyadong gagawin ngayon sa shop eh kaya kahit na malate, ako na kasi ang pinag manage ni daddy ng store namin dito.

Nagbebenta kami ng toys, clothes at kung ano na gawang Pinoy, nakakatuwa nga kasi enjoy na enjoy ang mga bata dito sa mga laruan natin.

Tulad nalang ng sungka, palayok palayukan at trumpo.

Ang Ngus ko naman nag-aaral na nagtatrabaho pa, bilib na talaga ako sa kasipagan ng taong yun.

Yung CEO kasi ng malaking companya dito nakilala si Ngus sa isang seminar, guest speaker siya ewan ko ba siguro nabighani sa mahal kong Ngus kinuhang secretary niya.

Nung una talaga ayaw niya kasi busy ito sa pag-aaral pero mapilit talaga ang babaeng yun at siya ang nag-adjust kaya kinuha narin ni Ngus.

3 months narin siyang nagtatrabaho dun syempre hindi pa siya makapag apply ng ibang position kasi di pa naman siya tapos sa pagaaral.

"Upo na diyan" utos ko, sinunod naman ako nito.

Pinagtimpla ko ito ng kape at naghain na.

"Thank you Kin" nakangiti nitong sabi ng paglagyan ko ito ng ham at bacon sa plate niya.

Beyond Forever (IYNTO book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon