Chapter 8: BRUNCH

6 0 0
                                    

John's POV

Nakaupo kami ngayon sa dining table.

Rectangular sya, tapos eto pwesto namin

   Cindy Xander Niese Niel   
                                                
Carl                             Candy                                            
                                            Me
   Heaven Sky Kim Dylan  

Tapos nagdecide kami na kape't tinapay na lang ang kainin namin.

Para sa brunch, kasi lampas na sa breakfast at malapit sa lunch ang kakainin namin.

"Guys oh, kanya-kanyang kuha na lang." Wika ni Sky, dala-dala nya yung kape nya at itinuro ang siyam na cups na umuusok.

Sumabay na rin si Heaven sa pag-upo habang dala ang kape nya.

Well, nagkanya'kanya kaming kuha ng cup. Tapos si Niel, pumunta agad sa ref para sa tinapay.

Bukod sa gutom to, matakaw talaga to sa lahat ng pagkakataon hahaha.

Dalawang balot ng tasty ang nilabas nya.

"Oh andami ata," wika ko.

"Kulang pa sakin ang isa nyan, mabait lang ako kaya dinalawa ko para meron pa kayo" wika ni pareng matakaw.

Hahahaha sabi na eh. Napangisi nalang si Niese sa sinabi ni Niel.

Di naman masyado maingay ngayon,

Dati madaming madaldal, ngayon parang mga nakabusal ang bibig.

Paano, tulad sa DOTA

Parang may countdown,

FIRST BLOOD, namatay si Blaire.

Hayys, masaya ang lahat pag nasa computer lang, killing in real life is scary.

Tahimik ang lahat, siguro nag-iisip kung sino ang killer,

Mahirap magduda, pero dapat lang

Gusto ko pang mabuhay

Gusto ko pang makasama si Candy at ang DOTA habang buhay.

Sa loob-loob ko, dapat di na ko sumama kung alam ko lang.

Kaso mapilit ang girlfriend ko.

Kaya eto, TALO AKO.

Bukod sa walang signal at walang computer games,

Maaari pang mamatay ako at si Candy.

Nakakabwisit lang isipin.

Sana di na lang ako pumayag.

Well, kumuha na ko ng kape.

Nakita ko si Carl, hindi nya mainom ng maayos yung kape, kasi mainit.

Kaya tinapon nya yung kaunti sa lababo at tsaka dinagdagan yung kape nya ng tubig dun sa pitsel.

Kakaiba tong tropa kong ito e, sya lang ang nakilala kong maligamgam ang gustong kape.

"Guys o palaman" wika ni Niel

Aba, hahaha mukhang nawili na to sa kakukuha sa ref.

Nutella lang naman ang dala nya.

"Ooo! Yum!" Wika ni Babe.

She's cute as ever,

Nagpalaman kami tapos kanya kanyang nguya, hahaha

Si Niel, ewan ko pero nakaka 5 Nutella-sandwich na ata.

Tsk tsk,

Biglang may bumagsak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blinded--What Do You Believe In?Where stories live. Discover now