Isha Pov
Kakatapos lang namin kumain nandito kami ngayon sa may bench. Nagpapahinga.
"Tara" yaya niya saken
Tinignan ko lang siya
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko
"Kahit hindi mo sabihin gusto mo akong makilala. Nararamdaman ko yun" sabi niya habang nakangiti
"Hindi kaya" inirapan ko nalang siya.
"Sa ayaw at sa gusto mo magpapakilala ako sayo" tawa niya parin
Hinila niya na ako papunta sa labas ng mall at dinala sa parking lot..
"Sumakay kana sa kotse ko"sabi niya saken
"Paano yung kotse ko? May dala rin kaya ako!" sabi ko habang nakaturo sa kotse kong nakapark
"Papakuha nalang natin! Sige na sumakay kana!" tapos pinagbuksan niya ako pinto
Gentleman naman pala.
Sumakay naman ako nakita ko siyang umikot sa kotse at pumunta na sa driving seat.
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko sakanya
"Basta. Magugustuhan mo ang pupuntahan natin!" sabi niya saka nilagay ang seatbelt niya
"Baka naman saan mo ako dalhin" pagdududa ko
"Ako may gagawin sayo? Asa!" tsaka niya inistart ang kotse
Inirapan ko nalang siya malay ko ba na may masamang gagawin to saken maganda na yung sigurado.
Habang nasa biyahe kami hindi ko maiwasan maramdaman ang pagod ng katawan ko
"So much tired?" tanong niya saken
"yeah" sabi ko habang nakapikit ang mga mata ko
"I see. Hindi ko nga maintindihan ang magulang natin kung bakit business patner ang sinabi nila sa atin, samantalang tutulungan lang naman kita sa trabaho mo" sabi niya habang nakatingin sa daa
"Ako nga din eh" antok na sabi ko
"Just sleep. Gigisingin nalang kita kapag nandoon na tayo" sabi niya saken tapos ramdam ko na tumingin pa siya saken.
Tumango nalang ako.
Nang may biglang may tumawag sakanya
"Bro! Nasan ka?" tanong ng kabilang linya
"kasama ko yung business patner ko" sagot naman niya
"Bilisan mo naiinip na ako dito" paninigaw ulit ng kausap niya
"Yeah. Just wait" sabi niya
Nang hindi ko kayang makinig sa pinag uusapan nila
Tuluyan na akong nilamon ng antok ko.
Spade Alscen Pov
Nandito na kami sa park at pinahinto ko muna ang mahina at akmang tatanggalin ko na ang seatbelt ko napatingin ako kay Aisha
Maganda siya.
Hindi bagay sa isang katulad niya na napapagod siya sa ganitong edad.
Masyado niyang pinapagagod ang sarili niya ramdam kong pagod ang katawan niya.Nang mapansin ko ang mahabang pilikmata niya sa mata
Napangiti ako.
Ang sarap niyang titigan para siyang anghel.