Jesa Pov
Ang boring...
Nakatunganga nga lang ako dito sa bahay gusto ko sanang sumama kay Isha kaso hindi pwede.
Mababaog ako neto sa bahay.
What if lumabas nalang kaya ako?
Tama.
Mamasyal nalang ako sa mall.
Dali-dali akong nagpunta sa banyo para makaligo at makapagbihis na.
Nang matapos akong maligo sinuot ko yung paborito kong damit na binigay ni mommy saken.
Lumabas na ako sa kwarto at bumaba na nang hagdan.
At nakita ko si Mommy...
"Oh anak, saan ka pupunta?" tanong ni mommy
"Mamasyal lang po. Nabitin ako sa lakad namin ni Isha mommy eh.!" sabi ko sakanya habang inaayos ang damit ko
"Okay. Ingat ka! Wag kang magpapagabi Jesa!" sabi ni mommy
"Okay po" sabi ko sakanya at hinalikan na siya sa pisngi
Nang makalabas na ako ng bahay agad akong pumunta sa kotse ko at pinaandar iyon papunta sa Mall.
Halos matagal ang biyahe, nandito na ako sa Mall ipapark ko muna yung kotse ko bago ako pumasok.
Habang papasok na ako sa may entrance may nakasabay akong lalakeng nakashade.
Mga besss.. Ang gwapo niya
Matangkad, Maputi,Matangos ang ilong, may mga matitipunong pangangatawanan at higit sa lahat may kissable lips siya.
Kaso...
Mayabang.
Kung umasta akala mo siya ang may ari ng mall na to.
Tsk. Nakakaturn off!!
Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretcho na ako sa loob
Habang tumitingin ako sa mga accesories biglang tumunog ang tiyan ko
Geez..
Hindi pa pala ako nag lunch.
Siguro kakain muna ako bago ako mag gala.
Habang papasok na ako sa restaurant ay tinext ko muna si Isha kung kumusta na siya doon nang biglang...
May natapon saken ng juice sa damit ko
"the hell! Anong ginawa mo sa damit ko!" galit na sabi ko tsaka tinignan ang basang-basa kong damit.
Huhuhu. Yung damit ko!
Saka ko tignan ang may gawa nito sa akin...
Wait? Heto yung lalakeng mayabang kanina ahhh..
Ngumisi lang siya..
"Hindi ka kase tumitingin sa dinadaanan mo!" cold niyang sabi
Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito.
Pero wala akong pakialam sakanila
"So this is my fault? Ako na nga tong natapunan ng juice na dala-dala mo!!" pagtataray ko
Aba't gwapo nga hindi marunong magpakumbaba sa isang babae
Ungentleman.
"Alam mo Miss kung hindi ka tatanga-tanga hindi magkakaganyan ang damit mo!" argumento niya