Chapter 3

431 19 1
                                    

Jane's Pov

Salamat sa Diyos at hindi ako nabaliw sa naramdaman ko kanina. Umalis ako agad at nag-iwan sa kanya ng isang ngiti . Hindi ko na binalak magsalita pa dahil hindi ko din alam ang sasabihin ko at isa pa yung mga mata niya nakakatunaw yun kung tumingin. Kaya bago pa ako mawala sa sense ko at mahumaling ng tuluyan sa kanya ay tumakbo na ako paalis.

Nawala ulit ang gutom ko. Ako na yata ang pinagpala sa babaeng lahat yung tipong Mother Mary.

Nagpalit ako ng damit dahil medyo umambon kanina kaya nabasa ako.

Kinuha ko ulit ang "what if note" ko, para isulat na natupad na ulit ang isang what if ko "What if kilala nya pala ako ?-- Kaso, bakit wala dito? nasan na yun, saan ko naiwan? Hawak ko lang kanina e. Malas!

Humilata ako sa kama hanggang  sa makatulog dahil sa kakaisip kung nasaan ang notebook ko na yun. May kumain ata, mabulunan sana siya!

*next morning*

"Babe gising na" 

"Babe gising na " 

Paulit ulit lang siya dahil wala akong balak kumilos ang sakit ng ulo ko, umiikot ang paningin ko at feeling ko may sinat ako.

Pipikit na sana ulit ako ng may boses na nagflashback sa utak ko  "Class prepare for the long quiz tomorrow , it will affect your grades so be conscious"

Anak ng putakte naman! kahit para akong zombie pinilit kong pumasok medyo kapos na din sa oras kaya hindi na ako nakapag breakfast.

Ayos! first period ang quiz kaya kahit masakit sa ulo, kinaya naman ng stock knowledge ko.

Pagkatapos na pagkatapos ng quiz lumabas ako para pumunta sa office at magpaalam na uuwi na pero dahil sa sama nadin ng pakiramdam ko,

Moment to collapse na talaga. Ayan na babagsak na-- huh?

Before i knew it may nakasambot na sakin.

Hawak hawak niya ako. Ang amoy na 'yon. Ang amoy ng lalaking 'to. I try my best to open my eyes para tingnan kung tama ang hinala ko.

Hindi ako nabigo. Tama ako,

Siya at ang lalaking nakabangga ko kahapon ay iisa.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon