Chapter One
Abby's Point of View
"Ang pangit ko talaga." Iyan lagi ang sinasabi ko kapag ako napapaharap sa salamin. Grade six ako nun nang magsimula akong maging conscious sa aking itsura at pananamit. Madalas din ang pangungutya ng iba kong kaklase. Kinikimkim ko na nga lang ang aking galit at napapaisip kung tunay ba akong anak ng mga Sanchez. Si mommy kasi, hindi naman ganun kapangit pati rin si Ate Abigail. Si ate kasi ay pambato ng kanilang eskwelahan sa mga beauty pageant samantalang ako ay pang-quiz bee.
Kaya simula nung tumuntong ako ng grade seven nagpursige ako para lang gumanda. Sawang sawa na kasi ako sa mga tingin nilang nakaka-insulto na. Lahat ng mga lotions nasubukan ko na para lang kuminis ang aking balat. Pati na rin yung iba't ibang klase ng shampoo nasubukan ko na. Sa huli, hindi ko naman pinagsisihan kung gaano kalaki ang nagastos kong pera dahil worth it naman. Nakamit ko na rin yung ganda na matagal ko nang hinahangad. Pero aaminin ko, hindi lang itsura ang aking pinagbago. Ang ugali ko noon, ay unti unti na rin naglaho.
Pagkaapak ko ng grade nine doon nagsimulang mag-bago ang buhay ko. Doon din ako nakatagpo ng mga bagong kaibigan na tumanggap sa aking kasungitan. Pero akala ko magiging perpekto na ang aking buhay high school nang mag-simulang manligaw sa akin si Terrence Olavides. Siguro para sa iba, dream come true para sa babae kapag may nanligaw na lalaki. But mine, tinuturing ko itong nightmare dahil hindi siya sumuko hanggang tumuntong ako ng grade twelve.
I really hate this guy dahil masyado siyang clingy, ayoko kasi sa lahat yung may sunod ng sunod sa akin. Nanligaw siya sa akin for almost three years pero hindi pa rin siya sumusuko hanggang matanggap ang matamis kong oo. He's not my type dahil hindi naman siya ganun ka-gwapo. Hindi rin naman siya kayamanan pero siya ay matalino. Bilib nga ako dito dahil sa kabila ng pang aapi namin sa kaniya, hindi pa rin siya sumusuko. Pero hindi pa rin siya papasa sa tipo ng lalaking gusto ko. At hinding hindi niya ako mapapa oo kahit abutin pa ng habang buhay ang panliligaw niya sa isang tulad ko.
"Para sayo Abby." Hinarangan agad ako ni Terrence pagkalabas ko ng classroom. Papunta dapat ako ng canteen kaso umepal nanaman siya sa aking dinadaanan.
Dumapo ang tingin ko sa hawak niyang bulaklak. "Salamat na lang." Ningitian ko siya pero take note! Napilitan lang ako dahil hindi ko naman siya bibigyan ng aking matamis na ngiti. Masyadong mahal ang real smile ko para ipamigay na lang kahit kanino.
Dinaanan ko lang siya ngunit agad niyang hinila ang aking braso paharap. "Ano ba?" Sinigawan ko siya na agad naman niyang ikinagulat. Napabitaw siya sa pagkakahawak niya at napayuko na lang. Naging center of attraction kami sa mga studyanteng nagdadaanan pero tama na rin yun para malaman na rin nila kung gaano kakapal ang mukha niya.
"Sorry Abby." Aniya at inihandog sa akin ang bulaklak na kanina pa niyang hawak. I rolled my eyes at it at hindi tinanggap. Wala naman akong pagagamitan. Mas mabuti pa kung i-save niya yan para sa sarili niya para hindi na siya bibili ng bulaklak sa lamay niya. "I love you Abby. I will do anything to make you say yes. Matuto ka ng mahalin ako Abby."
Kinilabutan ako sa sinabi niya. Mga nerd talaga, may mga pagka corny din na tinatago sa kanilang balat. "Hindi ka ba nahihiya? Jeez. Mahiya ka naman sa balat mo. Makaramdam ka naman ng hiya kahit papano."
"Pero-" Hindi na siya nakapag-salita dahil umalis na ako sa harapan niya. Iniwan ko siyang nakanganga sa kaniyang kinatatayuan. Hindi ba siya nagsasawa? Araw araw na lang siyang napapahiya? Kung ako sa kaniya, maghahanap ako ng kapwa nerd para match hindi yung ipagsisiksikan mo pa yung sarili mo sa taong hindi ka naman mamahalin kahit kailan.
Pababa na dapat ako ng hagdan nang may nag-udyok sa akin na lingunin siya. Nakita kong tinapon niya ang rosas sa basurahan at malungkot na umalis sa kaniyang kinalalagyan. Good. Siguro naman lulubayan na niya ako pagkatapos niyan.
BINABASA MO ANG
How To Seduce A Gangster
Teen FictionSa pag-ibig walang bulag at bingi pero tanga marami. At isa na ako doon sa mga taong nagpapaka tanga sa pag-ibig. Nagsimula ang lahat sa isang panloloko na nahantong sa pag-iibigan na hindi mo inaasahang matamo. Unting unti na akong nahuhulog sa tao...