Copyright (c) 2014
-
Mathematics ang next class ko. Hindi ko alam kung may energy pa akong sagutan ang mga equation dahil nga naubusan na ako ng lakas gawa ng kaka-cheer kay Glen sa court. Iyon lang naman ang pinunta ko sa program kanina eh. Wala naman akong pake sa mga nag datingan na bisita. Hindi naman sila artista para pag-hiyawan at salubungin sa daan.
"See you at lunch." Ningitian ako ni Yannie at nag-patuloy na sa kaniyang paglalakad. Pumasok na rin ako sa classroom bago pa ako maabutan ni Ma'am Sanchez na na naglo-loitering sa labas.
And as usual, makikita ko nanaman si Noah. Yung mahirap, gusto kong makipag daldalan sa mga kaklase at the back pero hindi ko magawa dahil nasa likuran ko lang ang seat niya. Hindi naman kami nagkaka-ilangan dati. Nag simula lang ang lahat nang mag-away kami sa school grounds at sa cafe'.
"Get a one whole sheet of yellow pad, please." Bungad agad ni ma'am pagkapasok sa classroom. Nag si-ayusan ang mga studyante ng upo at tumahimik ang buong kwarto. Kinatatakutan kasi si ma'am sa buong campus. Kahit maliit na bagay kasi, pinapaki alaman nito.
Inilabas ko na ang yellow pad ko at pumilas ng isang paper. Itatago ko na sana ito pabalik ng bag ko nang makaramdam ako ng kalabit sa balikat ko. Bumuntong hininga akong lumingon sa likuran ko.
"Ano?!" Tinaasan ko ng kilay si Noah na ngayon ay nakatitig sa aking dalawang mata. Napapa iwas ako ng tingin kung saan saan dahil I can't stand na tumingin ng matagalan sa singkit niyang mga mata. Para kasi akong na-he-hypnotize.
"Pahingi." Aniya at itinuro ang paper sa aking desk.
"Ano ka ma-swerte?" Inirapan ko siya. "Plus, you're mean to me. Hindi ka pa nga nag-so-sorry sa nangyari." Tumalikod ako sa kaniya para humarap na sa white board upang kopyahin ang mga nakapaloob. Rich kid nga pero wala naman pambili ng paper.
For the second time, nakaramdam uli ako ng kalabit sa shoulder ko. Hays! Ang kulit talaga ng lahi nito. Nilingon ko siya habang naka busangot.
Nakangiti siya sa akin displaying his deep dimples. "Sorry sa nangyari." Diretso niyang sabi. "Now, can I have one?" Bakas ang pagka-inip niya sa kaniyang boses. Kaya in the end, binigyan ko rin siya ng yellow pad. Ako na nga lang ang nag-thank you para sa kaniya. Nakakahiya naman kasi eh. Baka mapagod pa siyang ibuka ang bibig niya.
After class, nagkasalubong nanaman kami ni Noah. Dire-diretso lang akong pumunta sa next class ko habang siya naman ay nakatayo lang sa hallway habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Nang makapasok na ako sa class ko which is Biology, hindi siya pumasok. Akala ko nga magpa-pa-late but I was wrong. Hindi ko alam kung bakit niya nakakayanan i-ditch ang kaniyang class para lang sa mga walang kwentang bagay. Hindi ba siya nakokonsensya? Ako nga eh, halos hindi na makatulog kapag nag-absent sa isang session lang.
After class, wala naman nagyaring bago. Puro satsat lang ang bakla naming professor.
Naglabasan na ang mga kaklase ko sa room. Nag-pahuli na lang ako dahil nakakahiya naman sa may-ari ng pinto. Mga bwisit. Parang ilang taon nakulong sa room kung lumabas una unahan. Hindi naman naglalakad ang pinto para pagka guluhan.
Pagkalabas na pagkalabas ko bumungad agad si Terrence sa tapat ng pinto. Bumuntong hininga ako at dali dali siyang nilagpasan without looking at his direction. Iyan nanaman siya sa mga cheap gifts niya. Hindi naman napupunta sa akin at basurahan lang naman.
"Abby!" Rinig kong sigaw ni Terrence at ibinigay sa akin ang bulaklak. Tulips nanaman ang bago niya. Una, santan, gumamela, sumunod yung rosas, pagkatapos, tulips nanaman? Puta. Napupulot lang ata niya yan sa daanan.
BINABASA MO ANG
How To Seduce A Gangster
Teen FictionSa pag-ibig walang bulag at bingi pero tanga marami. At isa na ako doon sa mga taong nagpapaka tanga sa pag-ibig. Nagsimula ang lahat sa isang panloloko na nahantong sa pag-iibigan na hindi mo inaasahang matamo. Unting unti na akong nahuhulog sa tao...