Copyright (c) 2014
-
"Achoo!" Naku, lumalala na ata ang ubo't sipon ko. Kung hindi sana ako rumampa sa ulan kahapon, hindi ako magkaka ganito. My mom advised me na mag pahinga muna dito. Syempre, nag-alanganin muna ako. Hindi ko naman kasi kayang i-ditch ang class ko.
Austin: Okey ka na b?
Napasinghap akong tinitigan ang pinadalang message ni Austin. Kagabi pa nito hindi mapigilan ang kaniyang anxiety. Daig pa nga niya ang boyfriend kung mag-alala sa akin.
Me: oo :p bkit b ang kulit mo?
Kagabi pa ako iniinis nito. Puro same questions lang naman ang itinatanong. Dapat pala, hindi ko sinabi na may sinat ako ngayon.
Austin: makulit? Kinakamusta ka pa nga eh.
Me: huwag k kc plastik :p.
Hay! Hindi ko alam kung bakit lahat ng mga lalaking nakikilala ako pinaplastik agad ako. Una si Noah sunod naman siya. Wala tuloy akong ideya kung totoo ba yung mga pinapakita nila. Para kasing ang weird isipin na ang isang taong laging sinisira ang araw mo biglang naging mabait. I don't know which side of them is true. Parang yung ibang tao kasi sa mundo, two faced ang tingin ko.
Austin: kinamusta lng kta Abby, wag kang kiligin ;)
Me: kapal. -.-
Diba sabi akitin? Bakit ba ako nakikipag away kay Austin? Minsan talaga nakakalimutan ko na ang mga dapat gawin. Siguro, tama na rin ang ginagawa ko. Huwag muna ako magpakita ng motibo. Dahil kung magpapakita ako ng kahit isang landi dito, baka naman magtaka yun. Baka isipin niyang ang cheap cheap ko para makipag landian sa taong hindi ko pa naman nakilala noon.
Austin: crush m lng kc ako :D
Me: crush?! Saan naman nanggalig un?
Austin: sus! Mga babae talaga pakipot. Hay naku, philia. I know naman na somewhere deep in ur hot meron akong lugar.
Wala na talagang tatalo sa kahanginan ng lalaking 'to. Nakakapagtaka lang kung bakit niya ako tinawag na Philia. Ni hindi nga close yun sa pangalan ko. Nakalimutan na ba niya ang pangalan ko?
Me: anong philia ka diyan? Abby pangalan ko.
Austin: yah i know. Trip lng kitang tawaging Philia. May meaning kc yan. I don't have to explain it 2 u. Its for u 2 find out.
Ito talaga si Austin. Masyado pang pa-logic. Wala na akong time para alamin yung meaning ng nun. Sabi naman niya, tawag daw niya sa akin yun. Endearment daw ang tawag dun kaya ginawan ko din siya ng sarili ko. At first, hindi niya na gets kung bakit ko siya tinawag na 'scruff'. I told him naman na nagde-describe yun sa utak niya. Dirty minded kasi si Austin kaya scruff ang tawag ko sa kaniya. Nag suggest naman siya, sweet pickle na lang daw. Ang babaw nga namin para pag awayan lang yang mga pet names na yan. Sa huli, siya pa rin ang nagwagi. Sweet pickle na lang daw ang tawag ko sa kaniya. Bwisit.
Me: Anong fb account mo?
Austin: Austin Pogi.
Alam ko naman na nagsisinungaling siya kaya pinilit ko pa rin siyang ibigay ang real Account niya. Nung una, nag-deny pa siya pero sa huli binigay naman pala niya. Cruz yung surname niya. Akala ko in common sila ni Shelly dahil Cruz din ang surname ni maldita pero coincidence lang daw at hindi niya yun kilala.
Tinype ko sa search bar yung name niya at lumabas ang isang litrato ng anime na nagsilbing profile picture niya. Seriously? Ano ba siya grade 6?
Nag-scroll ako sa timeline niya pero wala akong napala dahil puro anime lang aking nakita tulad ng bleach, conan, Naruto, at tokyoghoul. Meron din namang nga sari saring status about sa pamba-bash sa chicsers. Hindi ko akalain na anti-chicser pala 'tong lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
How To Seduce A Gangster
Teen FictionSa pag-ibig walang bulag at bingi pero tanga marami. At isa na ako doon sa mga taong nagpapaka tanga sa pag-ibig. Nagsimula ang lahat sa isang panloloko na nahantong sa pag-iibigan na hindi mo inaasahang matamo. Unting unti na akong nahuhulog sa tao...