Para sa mga taong nalulungkot at may hinagpis sa buhay, magbunyi ka dahil malaya ka na.
Isusulat ko to para magbigay ng lakas sa mga taong nakakaramdam ng panghihina hindi lamang physical kundi pati spiritual.
Isusulat ko to para sa mga taong nalulungkot dahil sa lagim na dinaranas.
Sa mga taong pakiramdam ay iniwan na sila ng Diyos. Sa mga taong nagtataka, nagtatanong kung bakit iba ang nangyayari sa buhay nila.
Lahat tayo nagtatanong na, bakit ganito panginoon? Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko?
Gabi gabi akong nagdarasal, winoworship kita, nagsisimba ako tuwing linggo, pero bakit? Bakit lahat na ata ng kamalasan ay ibinigay mo sa akin?
Madalas ko din itanong yan sa sarili ko. Akala ko ba sasaya ako kapag tinanggap ko ang Diyos, pero bakit hindi ako masaya?
Ang sagot?
Iisa isahin ko para mas lalong maitindihan.
Una Isaiah 58 1-3
1The Lord says: "shout as loud as you can! Tell my people Israel about their sins! 2 They worship me every day, claiming that they are eager to know my ways and obey my laws. They say they want me to give them just laws and that they take pleasure in worshiping me"
3 the people ask, "why should we fast if the Lord never notices? why should we go without food if he pays no attention?"
Una ito, Isaiah 58:1-3
Ito ang pinakapangkaraniwan tinatanong ng mga kumikilala sa Diyos. Tama ba?
Nagsisimba ka tuwing linggo, mahal mo ang diyos kagaya ng sabi mo. You worship him with all your heart kagaya ng sabi mo, pero bakit? Bakit ganito ang buhay ko? Bakit parang hindi niya dinidinig ang mga panalangin ko? Sagot ng Diyos? Isaiah 58:3-5
The Lord says to the people, "the truth is that at the same time you fast, you pursue your own interests and oppress your workers. 4 Your fasting makes you violent, and you quarrel and fight. Do you think this kind of fasting will make me listen to your prayers? 5 When you fast, you make yourselves suffer ; you bow your heads low like a blade of grass and spread out sackcloth and ashes to lie on. Is that what you call fasting? Do you think I will be pleased with that?
Eto pala, hindi importante sa diyos kung nagdadasal ka araw araw, kung pumupunta ka sa church tuwing linggo, kung nagfafasting ka, kung nagwoworship ka. Walang halaga sa kanya ang lahat ng ito kung sa kabila ng ginagawa mo na to, nakatuon ka pa din sa pansarili mong interes, kung nanlalamang ka ng kapwa, nakikipagaway ka, premarital sex, nagjujudge ng kapwa at iba pang taliwas sa landasin niya. Kahit lumuhod ka pa sa harapan ng Diyos at umiyak dahil winoworship mo siya, hindi siya napleplease sayo.
Kaya hindi niya sinasagot ang mga panalangin mo.
Kaya ganyan ang buhay mo.
Para sa akin ang pagsisimba, pagworship sa Diyos at pagdadasal outcome yan ng pagmamahal mo sa Diyos. Normal na gawin mo yan, natural lang.
Sinasabi mong mahal mo ang Diyos? Tingnan mo ang buhay mo. Sa 24 oras na binubuhay mo, ilang oras ang nakalaan para iglorify siya? Ikaw ang nakakaalam. Hindi porket sinabi mong mahal mo siya ay mahal mo siya talaga.
Ang pinakamalaking porsyento ng araw mo san nakalaan? Sa diyos ba? Kung hindi, baka iyon ang mahal mo hindi ang Diyos.
Sinabi niya kung mahal mo siya, mamahalin mo ang kanyang salita, dahil ang salita niya ay buhay, may ispirito. Sa pamamagitan ng salita niya magkakakonekta kayo, parang sa magbf/gf getting to know each other ang pwedeng halimbawa. Ang kaibahan nga lang kilala ka niya, ikaw ang hindi pa nakakakilala sa kanya. Sa isang araw gano kahaba ang oras na inilalaan mo para basahin ang salita niya? Hindi ka christiano kung hindi mo alam ang salita niya.