Chapter 1: Lightless

23 2 0
                                    


•••HEYNA•••

I'm walking in this lightless street... Alone. Walang kasama. Walang karamay. Naulan ngayon pero hindi ko man lang madama ang lamig, ang patak ng ulan, nagiging-transparent ang katawan ko kapag naiilawan ako ng ilaw ng buwan.

Nagulat nga ako ng may makita akong lalaki na naglalakad. Hinayaan ko lang na salubungin niya ako sa side walk. As if namang makikita niya ako. Maramdaman, posible pa. Pero ang makita? Mukhang imposible na yun.

Naramdaman ko na lang na tumagos na sa aking katawan ang lalaki. Naramdaman ko pang nanaas ang kanyang mga balahibo.

"Fuck. Nakakatakot dito. Nanaas pa balahibo ko sa batok. Mukhang may multo pa yata." Nanginginig na sambit  niya. Nagpalinga-linga muna siya atsaka biglang kumaripas ng takbo papalayo sa kinatatayuan ko.

Ganoon ba talaga lagi? Di naman ako nakakatakot. Ni hindi ko nga alam na kung pwede bang manakit ang multong katulad ko eh. Dapat nga mas matakot sila sa buhay kasi mas may kakayahan itong manakit kaysa sa aming mga multo.

Napadaan ako sa isang poste na  nagpapatay sindi ang ilaw. Nakakatakot. Hindi naman porket multo na kami, kami ay manhid na. May pakiramdam parin kami kahit pa paano.

Patuloy parin ito sa pagpatay sindi, may nakikita akong anino na nakatayo sa di kalayuan. Nang dahil sa liwanag na binibigay ng ilaw, mas nakatulong ito na makita ko ang anino.

Mas kinabahan ako ng naglakad ito papalapit sa aking kinarorooan. Napapikit na lang ako ng medyo malapit na siya  sa akin. Siguro mga ilang sentimetro na lang ang kanyang layo.

Ngunit pagdilat ko, wala na ako tao na nakita. Ni bakas noong imahe ay hindi ko mahagilap. Lumingon ako sa likod upang tignan kung may tao pa ba bukod sa akin. Pagkurap ko nang mata biglaan na lang na may lumitaw na anino sa'king harapan na siyang ikinagulat ko.

"Waaahh!!" Sigaw ko while covering my eyes.

Pagdilat ko, susko, si Reaper lang pala. Nagtapang-tapangan ako at pinakitang hindi ako natatakot sa  kaniya. "Oh, anong kailangan mo?" Mataray kong tanong. "Kung kukunin mo na ako game!! Why not? Kunin mo na ako ng matapos na itong paghihirap ko."

Napaface-palm na Lang si Reaper at napakamot ng ulo. Sobra sobra na ba ang katangahan ko? Bes di ba halata?, shut up konsensya. Wala ka namang natutulong. Kinakabahan na ako dito lalaitin mo pa ako.

Napabuntong hininga siya bago magsalita. "Kaya ako naandito para magbigay ng impormasyon sa'yo. Hindi para kunin ang iyong kaluluwa." Tumigil muna siya sa pagsasalita bago ipagpatuloy ang kanyang sinasabi. "Walang kahit sino man ang makakakita sa iyo. Ang nakatadhana lang sa'yo ang makakakita sa iyo." huh? Sinong nakatadhana ang tinutukoy niya?

"Anong ibig sabihin mo?" Takang tanong ko. Multo na nga ako napasama pa ang destiny. Pati ba naman ang multo napaglalaruan ng tadhana?

"Pag may isang tao ang nakakita sa'yo, siya ang taong kailangan mong isama sa kabilang buhay. Kapag hindi mo ito napagtagumpayan, may isang parusa ang ipapataw sa iyo." Sabi niya habang nakatingin ng seryoso sa aking mga mata. Nanaas ang aking mga balahibo ng dahil sa kaba at takot.

"M-May iba pa bang paraan kung hindi ko magawa ang kailangan kong gawin?" Tanong ko.

"Wala nang ibang paraan. Maybe, there's a little bit chance that this situation will turn the other way around." Paliwanag niya. Mas lalo pang umusbong ang kaba nang malaman kong wala na pa lang alternatives para sa parusa. Dapat palang maghanda na ako sa aking misyon. Pero, anong Ibig niyang sabihin na 'The other way around'?

"Anong ibig sabihin mong 'The other way around'?"

"Hindi na ako ang makakapagsabi niyan. Ang aming Pinuno lamang ang makakapag-baliktad ng isang sitwasyon." Sino kaya ang pinuno nila? Ang daming ecklavush nitong reaper na ito.

With You Before And AgainWhere stories live. Discover now