Chapter III: Getting To Know Each Other

12 1 0
                                    




•••HEYNA•••

Naglalakad ako sa gilid ng daan para makapagpahangin ng kaonti. Wala namang masyadong problema sa bahay, madali naman silang pakisamahan. Actually, ang sayang kasama noong mga bata doon. Wala, na miss ko lang talaga ang aking mga pamangkin.

Then, that hit me.

Kumusta na kaya sina Mom at Dad? Sila pa rin ba? Of course! Magwawala ako dito sa kalsada pag nalaman kong may annulment na may naganap sa pagitan ni Mom at Dad nuh.

Kumusta na kaya ang mga kapatid ko? Nahanap na kaya nila si The One? Oh, Heyna magsitigil ka. Masyado ka ng matanda para sa The one, The one na iyan. But inside of me, sumisigaw ang puso ko na, 'Mahahanap mo na rin iyan!'

Ang sarap mambalibag ng konsensya. Pati ba naman multo, pinapaasa. Hello? I'm a ghost tapos sasabihin niya mahahanap ko na siya. Urgh, nakakagago.

Marami nang naglalakad dito sa daan dahil seven na naman ng umaga. Maganda pa ang lilim at sinag ng araw. But, I didn't expect that the residents here are this active as hell.

May nag eexercise. May naglalaro ng iba't-ibang klaseng sports. Especially Badminton. Ano bang bago sa mga Pilipino? Kahit mahangin naglalaro ng badminton. Tapos pagsumala yung kalaban ang sisishin. Mga baliw.

Pero on the other hand, ang saya lang makita na ang sasaya nilang lahat. Pero I know deep inside, mabibigat ang dala nilang mga problema. Baka nga mas mabigat  pa ang problema nila sa akin eh.

Bahala na nga. Dapat ang pinoproblema ko ngayon ay problema ko. Not their problems.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at inalis lahat ng bagay na pumupuno sa aking isipan. Grabe, ang saya talaga maging malaya. Pero alam kong may limitasyon lang ang oras na ako ay magiging malaya. Dahil kailangan ko ng kumilos upang mahanap si Miguel.

My heart pounded rapidly when I mentally mentioned his name. Heto na naman ang pagkudlit at pagkabog ng dibdib na aking nadadama sa tuwing maiisip ko si Miguel Montefalco.

Ano ba tong aking nararamdaman? Di ko pa siya lubos na kilala ngunit ganito na ang epekto sa akin ng lalaking iyon? Baka naman kinakabahan lang ako sa mga kung anong posibleng mangyari kung kami man ay muling magtagpo ng landas?

Oo nga, iyon lang iyon. Nothing more, nothing less.

I guess so...

**********

So ayun. Just a normal day for normal souls. At isa pa, laking himala na hindi man lang nagparamdam sa akin si Reaper. Ang saya lang, walang mangugulat sa akin ngayong araw haha. I am so.... Happy.

Nandito na naman ako sa lagi kong tambayan sa bahay nina Lola Gabriela. Ang bubong. Naalala ko na naman ang nangyari kadramahan ko kagabi. Iniyakan ko iyong past namin ni Patrick.

Ang pinagtataka ko lang ay bakit hindi ako ganoong nagmukmok, umiyak at nagdrama kagabi noong naalala ko si Patrick? Bakit hindi ako ganoong nasaktan hindi katulad dati na sa tuwing nagre-reminisce ako ng memories naming dalawa? Bakit kaya?

Nakakalito nga naman talaga.

Parang nagtatalo ang puso't isipan ko ng dahil sa aking nararamdaman.

"Sa wakas! Nakakalimutan mo na ang mapait na nakaraan ninyo ng Patrick na iyan! Una pa lang alam ko nang hindi kayo ang itinadhana para sa isa't-isa." Sabi ng puso ko.

"Hindi. Masyado ka lang nagiging manhid dahil lagi ka na lang nasasaaktan sa tuwing naalala mo ang inyong nakaraan. Nasanay ka na kumbaga. Pero alam kong sa kalooblooban mo, lubos mo parin siyang minamahal." Sabi ng utak ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

With You Before And AgainWhere stories live. Discover now