A Letter for my Rara

415 26 24
                                    


Dearest Rara

How will I start this letter? Uh, hello. Siguro kapag nabasa mo na 'to wala na ako sa mundong ginagalawan niyo baka pinaglalamayan na ako o di kaya'y nasa sementeryo na.

Back to the topic,
How are you, Rara? I know you're not okay--nagtanong pa ako. Pasensya kana at wala ako sa kaarawan mo. Uy, mamimiss kita! Mamimiss kita ng sobra sobra! Mamimiss ko 'yong kulitan at asaran natin. Mamimiss ko 'yong suplada mong mukha, 'yong mga pambabara mo, 'yong mga suntok mo, 'yong ngiti mo, 'yong pagiging studious mo. Ikaw mismo.

Ang hirap pala magsulat ng sulat, ano? Lalo na at sulat pamamaalam ito.

Salamat nga pala sa lahat, Rara. Salamat sa pagpapakopya mo sa akin. Salamat dahil tinanggap mo ako bilang kaibigan. Salamat dahil hindi mo ako iniwan. Salamat dahil iniintindi mo ako. Salamat sa tiyaga at nilaga--joke. Hahaha. Salamat dahil binago mo ang isang gagong katulad ko. Naaalala mo pa ba noon? Napakababaero ko, napakabasagulero, napakasiraulo. Hahaha. Pero noong nakilala kita nagbago ako hindi ko alam kung bakit, kung paano pero isa lang ang sigurado ako nagbago ako dahil sa'yo. Hindi na ako nakikipag-away, hindi na ako nambababae, at mas itinuon ko ang atensiyon ko sa'yo at sa pag-aaral. Binago mo ang isang gago pero ang gago-gago ko pa rin.

Ang gago ko dahil sinaktan kita. Rara, sana pag matapos mong basahin ang sulat na 'to, sana mapatawad mo pa rin ako. Sinaktan kita. Oo, ako ang unang nagwasak sa puso mo. Thyra, ako si Bitteradmirer Wp mo--the fake one. Ako si DL, bbyloves, manager na nakilala mo. Kung ikaw selfless ako naman selfish. Nakakatangina, diba? Okay lang kung magalit ka sa akin, I deserved it pero sana dumating ang panahon na makakamit ko ang iyong kapatawaran. Ginawa ko 'yon dahil may rason ako, Rara. Hindi naman ako ganun kababaw para ipagpalit ka sa 25k, mas mahalaga ka pa rin sa akin. Rara, you are my first and definitely my last love kaso torpe ako kaya ginamit ko pa talaga ang idol mong si Bitteradmirer para lang magawa ang sarili kong kagustuhan. Naaalala mo pa ba 'yong tinopak ka? Sabi mo, "mahal mo ko, diba?" I said yes, dahil 'yon naman talaga ang totoo. Sabi mo ulit, "hindi mo ko iiwan, diba?" I don't know what to reply dahil alam kung sa huli maiiwan pa rin kita kahit hindi ko gusto, instead of saying yes or no, I've said, "Good night."

Sa buhay may aalis pero may dadating na bago, siguro eto na 'yong oras na aalis na ako. Hindi ko alam kung magkikita pa ba tayo. Hindi ko alam. Ayaw ko na sanang sulatan ka ng letter pero dahil mahal kita at ayaw kong umalis na hindi nakakahingi ng tawad sa'yo kaya sige na lang. Hahaha. Life must go on even without me, okay? Tuparin mo 'yong mga pangako nating dalawa kahit ikaw nalang ang tumupad because I'm so hopeless, really really hopeless. Gusto mong maging Math Teacher, di ba? Go on. I'm always here supporting you. Habang nagtuturo ka sa mga bata nandoon lang ako sa tabi mo o di kaya sa likod nakikinig din. Alam kung kayang-kaya mo yan, ikaw pa? Pag nangyari yon, I will be the happiest man--but not alive. Ikaw siguro 'yong pinakasexy at pinakamagandang math teacher sa whole wide world o www. World Wide Web pala yon. Hahahaha.

Rara, marami ka mang problema ngayon malalampasan mo rin iyan. Tandaan mong nandito lang ako palagi. Balik ulit tayo kay Bitteradmirer, natatandaan mo pa ba yong araw na sinagot mo 'ko? Iyon din yong araw na hiniwalayan kita. Akalain mo 'yon naging tayo for 5 seconds.

Pasensiya kana ulit kung sinaktan kita. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry. Ang kapal ng mukha kong sulatan ka matapos kitang saktan, ano? Ang kapal ng mukha ko. Kung bibigyan ako ng pagkakataong itama ang isa kung pagkakamali ito siguro 'yong pinabayaan ko ang katawan ko, ang kalusugan ko.

Rara, I am suffering stage 4 of lung cancer and it is already acute. Hindi na ako magagamot. Buti sana kung cute lang kasi given naman na 'yon pero dinagdagan pa ng 'a' e.
Hinang-hina na ako, Rara. Hindi na kakayanin ng katawan ko, 'yong katawan ko na mismo 'yong kusang bumibigay.

Death has no age, wala itong pinipili. Kung oras mo na, wala ka nang magagawa pa kundi tanggapin ito. I don't want you to pity me. Gusto kong alagaan mo ang kalusugan mo, ayokong magkasakit ka rin tulad ko. 'Wag kang umiyak Rara dahil mas lalo lang akong nasasaktan kapag nakikita kitang nasasaktan para bang dobleng sakit ang hatid nito sa akin. Naaalala mo pa ba 'yong sinabi kong "Wag mong gawing mundo ang isang tao"? Sasabihin ko yon ulit sayo, may hangganan ang lahat, Rara. Okay lang kung isama mo siya sa mundo mo pero wag mo siyang gawing mundo mo mismo dahil pag yan iniwan ka mahihirapan ka ng mabuhay muli.

Uy, pag may jowa kana sabihan mo 'ko ha? Kikilatisin natin 'yan. Haha. Ang sakit na ng kamay ko, masyadong mahaba ang sulat ko sa iyo, Rara pero okay lang because this will be definitely my last letter. Huwag kang mag-aalala hindi kita mumultuhin. Ako na ang magbabantay sayo palagi, sa tuwing may lakad ka, sa tuwing may gagawin ka, at sa tuwing matutulog ka. I will be your guardian angel.

Sorry for everything. Sorry dahil iiwanan na kita. Sorry dahil masasaktan ulit kita 'yong dare 'kuno' planado lahat iyon.

Thank you, Rara. Thank you for all the memories, I will forever treasured it.

Mahal kita, Darling. Te amo, Bbyloves. Je t'aime, Kei. Saranghaeyo, Thyra. Wo ai ni, Rara. I love you, Direk. I love you and good bye. Kung mabubuhay man ako muli, ikaw pa rin ang mamahalin ko. It will always be you. It was always been you.

Can you meet me for the last time, Rara?

Tomorrow, 3:00 pm, Venice Cemetery. Maghihintay ako at ang tunay na Bitteradmirer :) Favor naman, Rara oh. Kantahan mo 'ko bukas ng "Tonight" please.

You should be happy, Rara because you deserve it.

If I had only one friend left, I want it to be you. You will always be my very bestfriend, my first and last love. I will surely miss you.

*sending virtual hugs and kisses*

Good bye, Thyranna Zaylee Ortega!

1 thing 2 do 3 words 4 you I LOVE YOU ❤️

Signing off,
Roro
DL
Fake Bitteradmirer Wp
Bbyloves
Manager
Roux Walter Monceda


Khione's Note:

Naiyak ako. 😭
Kamusta puso niyo mga, besh? Epilogue na 'yong next. He-he!


Question:

Sino sa tingin niyo ang totoong Bitteradmirer?

IWADU (Chatserye # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon