Epilogue

524 23 21
                                    

Play Tonight by FM Static while reading this!

Thyra's POV

Papunta ako ngayon sa pagkikitaan namin. Sumakay ako ng jeepney na lutang at wala sa tamang pag-iisip.

His letter is bothering me. No, alam kung buhay ko siyang makikita ngayon.

Hindi rin nagtagal ay narating ko na ang Venice Cemetery kahit na takot ako ay pinili ko pa ring pumasok doon para makita si Roro--but there is none.

Napakalamig dito kahit tirik na tirik ang araw. Pumunta ako sa isang puno at sumilong muna, hihintayin ko lang si Roro baka na-traffic lang.

Mag-iisang oras na akong nakatanga dito pero wala pa rin siya. Humalukipkip ako at buong sinuyod ang sementeryo.

Death is inevitable. Hindi natin alam na ito na pala ang huling araw natin dito sa mundong ibabaw. Ang dami ko ng nababasang mga pangalan dito. Paano kaya sila namatay? Masyado sigurong nasaktan ang mga pamilya nila noong nawala ang mga ito, iyong iba naman kinakalimutan na matapos mamatay yung tipong pagkatapos ilibing, wala na, binalewala na.

Habang naglalakad-lakad ako may nakakuha sa atensiyon ko, isang nitso na may nakaukit na pangalan niya.

'Roux Walter Monceda'
Nov 3, 2000 - Nov 3, 2017

Agad ko iyong pinuntahan. Halatang bago pa ito, no, no..
Hindi ito totoo. Kapangalan niya lang 'to, kabirthday niya lang 'to. Pero kahit lokohin ko pa ang sarili ko alam kung siya ito. Kusang lumandas ang mga luha ko sa aking mata at agaran kong niyakap ang kanyang nitso, kahit ang nitso niya na lamang.

Rinig na rinig sa buong sementeryo ang aking pagtangis pero wala na akong pakialam. Akala ko buhay ko siyang madadatnan ngayon, akala ko buhay ko siyang mayayakap.

"Hoy, Roro! Bumangon kana riyan, dali. Alam kung buhay ka pa, tinatakot mo lang ako eh." pagkakausap ko sa nitso niya habang nag-uunahang tumutulo ang masagana kong mga luha.

I didn't see this coming.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang yakap yakap ang kanyang nitso. Tila ba ay dinadamayan ako ng langit dahil bumuhos ang isang malakas na ulan, "Roro, gising na. Tignan mo oh, pati ang ulan nalulungkot din." saad ko sabay tumawa ng peke. Wala akong pake kung basang-basa na ako.

"Bwesit ka naman Roro e. Ikaw na nga lang 'yong meron sa akin, iniwan mo pa ako." saad ko sabay mahinang sinuntok ang kaniyang nitso. Nawawalan na ako ng lakas, he left me when I was so fucked up. He left me when Mom and Dad separated, he left me when everything left.

"Roro, sorry. Sorry dahil ang selfish ko. Pasensiya kana at wala ako noong mga oras na naghihirap ka. Sorry dahil abala ako sa pakikipaglandian sa iba. But the funny thing is ikaw lang din naman pala iyon. Sorry dahil nakalimutan kita simula noong dumating si Bitteradmirer. Ni hindi nga kita nabati sa kaarawan mo. I am so useles."
mahaba kong asik sa harapan niya--ng kaniyang nitso.

"Sabi mo pag may umalis may dadating, di ba? Pero bakit noong iniwan ako ni Bitteradmirer, iniwan mo rin ako Roro? You're so unfair." saad ko habang humahagulhol pa rin.

"Lung cancer? How is it possible? Hindi ka naman naninigarilyo. Sana lumaban ka, Roro. Kahit hindi para sa akin kundi para sa taong maiiwan mo na tiyak na malulungkot kapag nangyari iyon, nangyari ito."

Tahimik ang buong paligid tanging ang halinghing at tunog lang ng ulan ang aking naririnig, I stayed there crying while looking at his grave, while touching every part of it.

"Lumaban siya. God knows how he fight over his sickness. Lumaban siya, Thyranna."

Saad ng isang baritonong boses, siguro minumulto na ako ni Roro dahil naririnig ko na siya ngayon.

IWADU (Chatserye # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon