Special Chapter

637 31 25
                                    


Thyra's POV

It's been 30 days since he left me. 30 days without my bestfriend, 30 days without Roro, 30 days without him. It's just 30 days but it feels like a year, a year in hell.

"Magandang hapon, Roro." saad ko sabay lapag ng dala kong bulaklak.

Nandito na naman ulit ako sa puntod niya. Palagi akong pumupunta rito sa t'wing wala akong makausap, sa t'wing namimiss ko siya, at sa t'wing malungkot ako.

"Kamusta ka na riyan? Ang tagal mo namang gumising at bumangon." pabiro kung saad kahit na nanginginig na ang mga labi ko.

Nakipagtitigan ako sa puntod niya habang marahan itong hinahaplos-haplos at binalikan ko ang aming masasayang alaala.

Naaalala ko pa 'yong nasa ika-pitong baitang pa lamang kami na pinatid niya ang aming TLE Teacher kaya ayon nadapa, hindi niya man lang tinulungan pagkuwan ay tinawanan niya pa. Ang ganda pa naman ni Ma'am no'n.

Naaalala ko pa noon na may ayaw siyang guro sa paaralan namin kaya ang ginawa niya ay nilagyan niya ng bubble gum ang salumpuwet na uupuan ni Ma'am kaya ayon nagwalk-out. Hindi man lang siya natakot kahit 'yon iyong pinakaterror naming guro.

Naaalala ko pa noon na may bagong transferee na nagtanong sa kaniya kung saan ang Room 301 pero imbes na ituro ang Room 301 na nasa taas iba ang tinuro niya sa babae kaya ayon na-late ang kawawang transferee.

Naaalala ko pa noon na may prinank siyang natutulog naming classmate, sabi niya tumatawag 'yong ina nito tas si classmate naman nagkandadarapa para hawakan 'yong nakatapat sa tainga nito na si Roro ang may hawak imbes na cellphone 'yong mahawakan niya sapatos na mabaho pa. Ang resulta? Rumble.

Naaalala ko pa noon na ang dami niyang estudyanteng tinatawag tas paglumapit na 'yong estudyante sasabihin niyang 'hindi ikaw, 'yong nasa likod mo' sabay behlat kaya ayon kawawang estudyante pinapahiya lang ni Roro.

"Napakakulit mo talaga noon Roro, 'no?"

Sayang dahil hindi ko na muli makikita ang kaniyang kakulitan.

My stomach is growling. Eto na 'yong resulta ng hindi pagkain. Nakalimutan ko kasing maglunch. Hinalughog ko ang dala kong string bag saka humanap ng pwedeng kainin doon.

"May orange ako dito, Roro kaso iisa lang 'to kaya hati nalang tayo." saad ko sabay maingat na hinati sa dalawa ang orange.

"One for you and one for me."
Saad ko sabay lapag ng kalahating orange sa puntod niya.

Ganiyan dapat hating-kapatid. Dapat noong mga oras na umalis siya sinabi niya sana sa akin kung bakit para naman madamayan at makompronta ko siya gayong may sakit pala ito but Roro is so unfair, mas inuuna niya pa ang kaligayahan ng iba kaysa sa sarili niya.

Alam kong sa tuwing nagchachat kami ay nasasaktan ko siya pero anong ginawa niya? Patuloy pa rin siyang magchat sa akin para pasayahin, pakiligin, at para maipakita niyang mahal niya ako. Ginawa niyang tulay ang kaniyang sarili para makilala ako ng aking idolo.

What did I do on my past life to luckily have someone like Roro?

"Hey." saad ng isang baritonong lalaki na siyang ikinagulat ko.

"Umayos ka nga. Gusto mo ba akong ma-heart attack ha?!" pabiro kong singhal sa kaniya.

"Sorry, of course not. Nandito ka rin pala." Parati akong nandito.

"Hindi, picture ko lang 'to." pamimilosopo ko kay Rouge.

"Ow, picture na nagsasalita? Awesome." saad niya sabay ngisi na parang nang-iinis.

IWADU (Chatserye # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon