The Tale of the Tortoise and the Heron

13 0 0
                                    

Ang Kwento ng Pawikan at ng  Tagak

Ito ay nabanggit sa aking isang lumang aklat, O mapalad na Hari, na isang tagak ang nakamasid at nag-aabang sa tabing-ilog, listong binabantayan ang daluyan nito. Ito ang kanyang hanapbuhay na matapat at masikhay niyang pinagbubuti para sa kanya at sa kanyang mga anak.

Habang hinihintay ang malilit na galaw ng tubig, nakita niya ang bangkay ng isang lalaking sunod sa agos nito at kinuha ang labi ng tumama ito sa bato kung saan siya nakapuwesto. Bakas ang mga sugat ng espada  at sibat sa buo nitong katawan, sinabi niya sa kanyang sarili: 'ito ay isang mandarambong na pinarusahan ng naaayon!' at pinagaspas nito ng kanyang pakpak tanda ng pasasalamat kay Allah, sinabing: Mapalad siyang pumapaslang sa mga tulisan upang maging kapaki-pakinabang sa mga mabubuti!' Pipilas na sana siya ng laman mula sa labi para dalhin pauwi sa kanyang mga anak, nang mapansin ang kalangitan na pinalilibutan ng lupon ng mga buwitre at ng mga lawin na papalapit ng papalapit sa kanyang gawi.

Sa takot silain ng tila mga lobo sa himpapawid, siya ay lumipad ng lumipad hanggang sa kanyang makakaya. Makalipas ang ilang oras, sa isang puno sa maliit na isla sa bukana ng ilog. Habang hinihintay na makuhang muli ang labi, nagsimula siyang isaalang-alang ang walang kasiguraduhan ng buhay at pabago-bagong pagkakataon. Sinabi niya sa kanyang sarili: 'Pagmasdan, kinakailangan ko ng lisanin ang aking sariling bayan at ang pampang kung saan ako lumaki, na siya ring tuluyan ng aking mag-iina. Isang walang kabuluhang mundo at lalo pa sa kanya na nagtitiwala sa kapalaran ng hindi isinasaalang-alang ang hinaharap sa hindi magandang sitwasyon. Kung naging mas maingat lang sana ako sa ganitong pangyayari, Hindi sana ako nagambala ng tila mga lobo sa himpapawid. Pero hayaan niyo akong maging mapag-umanhin sa ganitong kasawiang-palad laging may payo ang maalam.'

Habang abala sa kanyang mga iniisip, napansin niya ang pawikan na dahan-dahang lumalangoy patungo sa puno. Ini-angat ng pawikan ang kanyang ulo at nakita niya ang tagak ninanais ang mabuti para rito. 'O tagak,' tanong niya, ' anong nangyari at ikaw ay malayo sa pampang na iyong tinutuluyan?' Sumagot ang tagak:

Kung sa iyong duta at mapayapang tuluyan
May mukha na lumitaw na lubos mong kinapopootan,
Huwag mong subukang palayasin, bagkus lisanin
Ang iyong tirahan at lumipat ng ibang bayan.

Magaling pawikan, tanaw ko ang aking pampang na pinalilibutan ng tila lobo sa himpapawid, kaysa guluhin ng mga hindi nakalulugod na mga mukha, mas pipiliin kong lumisan sa aking sariling tahanan hanggang sa ako'y kahabagan ni Allah.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Kwento ng Pawikan at ng TagakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon