Biyahe

13 0 0
                                    

Tuwing pasan ng aking mga kamay ang manibela at naririnig ang ugong ng umaandar na makina, naaalala kita. Tuwing gigising ako ng maaga at nakikita ang oras na hapong-hapo sa pagsabay sa yapak ng aking mga paa, naaalala ko kung paano ko hinahabol ang oras para makita kita.

Papalayo man ang aking katawan, ang aking kaluluwa ay mananatili sayo. Malayo man at hindi mo maramdaman ay parati kong hawak ang iyong kamay na nagbibigkis sa atin bilang isa. Hindi hadlang kung ilang kilometrong distansya ang lawak ng pagitan, parati akong nandito upang ika'y hagkan.

Sa aking pagyapak sa isang daang hindi nakikilala ng aking paa at nakakasalamuha ng mga hindi pamilyar na mga mukha, nakikita ko ang daan na sayo patutungo at nakikilala ko ang bawat kurba ng iyong ngiti na tila nararamdaman ko ang iyong labi.

Sa tuwing lumalayo ako sa iyong tabi at iniiwan ang aking mga marka sa iyong pisngi, ipinagdarasal ko na hindi iyon ang huli. Iniingatan kong walang mabasag na litrato nating dalawa, na pmahiing lagi mong bilin para sa ligtas na umaga, ay ang laging nasa isip ko upang sa gabi muling kang makita na sumasalubong sa akin sa harap ng ating kastilio.

Ngayon, sa pagsisimula ng panibagong araw na ito, hindi ko alintana ang nakakasulasok na pagbati ng sumisikip na daloy ng trapiko. Hindi alintana ang antok na pilit nilalabanan ng kapeng ito. Tinitiis ko ang init ng araw na humahalo sa lamig na binubuga ng bentilador at ang natutuyong pawis sa aking likod dahil sa pagkayod hanggang mapagod ang araw na ito.

Tinitiisko ang mawalay sa tabi mo, dahil alam kong sa pagtatapos ng umaga uuwi akosayo. Papasanin kong muli ang bigat ng manibela at titiisin ang usok na dala ngnasusunog na gasolina para sa isang biyahe papalapit sa iyo. Isang biyahepapalapit kung saan ako lumayo. Mahal, pauwi na ako. Hintayin mo ako sa atingkastilio.    

UnSpoken Words: FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon