Love Under My Umbrella
Love Under My Umbrella
June 13, 20xx
Friday the thirteen, mukhang tinamaan ako ng kamalasan ngayong araw. Una, na late ako sa una'ng klase ko. Pangalawa, hindi ako na kain ng lunch, ang masama dun lunch lang ang vacant ko ngayong araw. So difinitely hindi na ako nakakain talaga. Pangatlo, kung kailan naman pauwi na ako, tsaka umulan ng napakalakas. Sabi ng kaklase ko bagyo na daw 'to. Nabalita daw sa TV eh. Anyway, wala naman ako'ng pakialam dun, una sa lahat may dala naman ako'ng payong, kung mababasa man ako konti lang. At pang-apat, wala ako masakyan na tricycle. Hindi ako makauwi, nastock tuloy ako dito sa waiting shed na sa tingin ko ano mang oras ay babahain na dahil sa sobrang lakas ng ulan.
Umupo muna ako sa upuan, medyo basa na pero pwede pa namang upuan. Hindi naman kasi mahahalata sa palda ko. Kulay itim kasi. Sa sobrang inis ko, sinipa sipa ko na yung lintik na sahig ng waiting shed. Mag-iisang oras na ako dito at wala pa ding tricycle. Pati naiinis na din ako sa sarili ko. Kung tutuusin malapit lang bahay ko, kung kanina pa ako nag naglakad malamang nakauwi na ako. 30 mins walk lang naman ang layo ng school ko sa bahay namin. Pero naman kasi! Umuulan ng malakas oh!
Tumayo na ako, at binuksan ko na yung payong ko. Bahala na si Batman, kung magtatagal pa ako hindi talaga ako makakauwi. "Lord naman, baka naman pwede'ng patilain niyo kahit saglit yung ulan? Para naman po makauwi na ako." Magsisimula na sana ako mag lakad ng may napansin ako'ng parating na tricycle. "Lord thank you po." Sabay tingin sa langit.
Huminto mismo sa harapan ko yung tricycle, pagtingin ko sa loob may lalaking nakaupo. Si Ethe pala, best friend ko.
"Ckai, sakay ka na." Sumakay naman kaagad ako. Pag sakay ko, feeling ko huminto ang buong paligid ko. Feeling ko kaming dalawa lang ni Ethe, as in wala'ng ingay ng malakas na ulan. Wala si Manong Driver, wala kami sa tricycle. "Sabi ko na nga ba, hindi ka pa umaalis sa shed eh." Pinat niya yung ulo ko. "Ikaw talaga, isang oras ka ng nag hihintay dun hindi mo pa naisipan mag lakad? Hindi mo ba naisip na baka nag aalala sa iyo parents mo?" Ang sarap itanong ng... "Ako, hindi mo ba naisip na nag aalala ako?" Nabasa niya ba ang naiisip ko?
"Sorry, alam mo namang tamad ako'ng mag lakad eh." Pinat niya ulit yung ulo ko.
"'Yun na nga, paano kung hindi ko alam na tamad ka'ng mag lakad? Tingin mo pupuntahan kita dito?" Nag pout na lang ako, puro sermon lang aabutin ko sakanya.
Na gulat kami ng biglang huminto si Manong Driver. Malayo pa naman kami sa bahay namin ah. "Naku, sorry Ethe ha? Mukha tinopak na naman 'tong tricycle ko."
"Naku, okay lang ho Mang Teban, mag lalakad na lang ho kami." Nag abot na siya ng 50 kay Manong Driver, tapos sinenyasan niya ako na bumaba na. Bumaba naman ako. "Ay, ano ka ba naman? Hahawakan mo lang ba yang payong mo?" Kinuha niya yung payong sa kamay ko at tuluyan na siyang lumabas ng tricycle tapos binuksan niya agad. "Ang payong ginagamit, para hindi ka maarawan o maulanan." Pinayungan niya ako."Tara na." Sabay kaming nag lakad.
Ang tahimik namin, walang nag sasalita. Ako patingin tingin sa kanya, gwapo niya kasi eh tapos matangkad pa. Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Hindi ko naman itatanggi na kasama ako sa mga 'yun. Ang kaibahan ko lang sa mga 'yun, ako lagi ko siyang kasama sila, hanggang panaginip lang. Hindi naman kami childhood friend, sa katunayan nga eh nagkakilala lang kami bago kami grumaduate ng high school. So mga 3 years pa lang kami magkakilala.
"Grabe naman tingin mo sa akin, pwede ka'ng tumingin sa dinadaanan natin." Nagulat ako nung nag salita siya, natapilok tuloy ako. Buti nasalo niya ako. "Oh, sabi ko sa iyo tumingin ka sa dinaraan mo eh." Tumayo na ako ng maayos. Hindi naman ito ang una'ng beses na natapilok ako sa harap niya, pero ngayon ko lang naramdaman yung feeling na napahiya ako sa paningin niya. "Okay ka lang ba?"
"Ah.. Okay lang ako." Sabay tawa. Pero nakaramdam ako ng kirot sa daliri ng paa ko. "Aw. Masakit pala." Huminto siya, tapos pinahawak sa akin yung payong. "Uy, ano'ng gagawin mo?" Umupo siya sa harapan ko, at inangat yung kanang paa ko.
"Patingin."
"Ano ka ba? Okay lang yan, malapit na naman tayo sa bahay eh. Pati natapilok lang eh." Binaba ko yung paa ko. "Tara na?" Hindi pa din siya tumayo. Hindi na niya hawak yung paa ko, pero nakaupo pa din siya, nakayuko. "Ethe? Okay ka lang ba?" Tumayo na siya, kinuha na niya ulit yung payong.
"Paano kung hindi kita nasalo? Baka mas malala pa nangyari sa iyo. Sa susunod kasi tumingin ka sa dinaraanan mo." Sinabi niya 'yun ng hindi manlang ako tinitignan.
"Okay ka lang ba? Ang weird mo." Parehas kaming nakahinto, naghihintay kung sino unang maglalakad. Mauuna na sana ako ng bigla siyang nag salita.
"Okay lang ba kung mahalin kita?" Tumingin ako sa kanya, hindi siya nakatingin sa akin, sa sneakers niya siya nakatingin. "Pwede ba kitang mahalin ng higit sa kaibigan? Okay lang ba 'yun?"
"Ethe..."
"Hindi ko naman hihilingin na mahalin mo din ako, kaya lang kasi hindi ko na kayang pigilan." Tumawa siya ng payak. "Pati ako, hindi ko na maintindihan sarili ko, kaya okay lang kung hindi mo ako maiintindihan. Basta hayaan mo lang ako na mahalin ka." Unti-unti ko'ng naramdaman ang pagsilay ng isang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko alam, pero ang saya saya ko.
"Paano kung ayoko?" Napatingin na siya sa akin, malungkot yung expression ng mukha niya. "Paano kung ayoko na ikaw lang yung magmahal?" Yung facial expression niya nag change to questionable look. "Parang unfair naman kung ikaw lang yung nagmamahal 'di ba? Pwede mo naman itanong kung parehas tayo ng nararamdaman 'di ba?"
"You mean..."
"Mean what?" Niyakap niya ako bigla gamit yung left arm niya since hawak niya payong gamit yung right, ang lakas ng kabog ng puso niya. Ramdam ko at dinig na dinig ko.
"Alam mo ba kung bakit mas malaki ang lalaki sa babae? Para mayakap niya ng buong buo ang babaeng minamahal niya. Ang babae naman kaya mas maliit sa lalaki, para pag niyakap sila ng lalaki, maririnig nila yung tibok ng puso ng lalaking mahal nila." Hinigpitan niya pa lalo 'yung pagkakayakap niya. Huminto na naman yung mundo namin. Feeling ko wala na ang bagyo, humupa na. "I love you..."
"I love you, too."
The End.