SILENT DEBATE OF LOVE

694 21 14
                                    

SILENT DEBATE OF LOVE

Ako si Maria Carlotta Esparas. College student ng Bulacan State University sa kursong Mass Communication. Hindi ko alam kung bakit 'yan ang kinuha ko’ng kurso, ang tahimik ko pa namang tao, mahiyain. Hindi ako masyado mahilig makipagsocialize, nakakapagtaka talaga kung bakit ito ang kinuha ko. Tinatanong niyo ba ang love life ko? Wala ako niyan. Opo promise. Hindi naman kasi ako maganda. Sino ba ang papansin sa isang simpleng babaeng katulad ko? Wala hindi ba?

“Hoy Carlotta ano na naman yang tinitignan mo dyan!?” Walang hiya 'tong si Alekx [Alex] Lagi na lang nang gugulat.

“Paki mo kung ano tinitignan ko dito?” tinignan ko siya, nakatingin siya sa tinitignan ko kanina. Actually yung mga dahon lang naman ng puno yung tinitignan ko eh. Weird lang talaga ako kaya 'yun ang tinitignan ko. “Huy! Wala ka na namang assignment 'no?” Madalas kasi walang assignment yang lalaki na 'yan, sayang gwapo pa naman. Tamad lang talaga. Tumingin siya sa akin. Yung tingin na parang madami siyang gustong itanong at sabihin.

“Carlotta, sa tagal nating magkaibigan, hindi ko pa din alam 'yung dahilan kung bakit mo laging tinititigan 'yung mga dahon ng puno. Pag tinititigan ko sila, wala naman ako’ng nakikitang espesyal.” tumingin uli siya sa mga dahon ng puno. Actually hindi ko alam kung paano sasagutin 'yung tanong niya, sa totoo lang. Magaang lang kasi yung feeling ko kapag tumitingin ako sa mga halaman eh. Yun lang. At kasi… “Ang weird mo pala talaga, kahit ilang taon na kitang kaibigan madami pa pala ako’ng hindi alam sa iyo.” natawa ako.

“Ikaw din, ang weird mo ngayon. Ano ba nakain mo? Panis na hopia?” Okay, itry to crack a joke, pero mukhang hindi bumenta sa kanya. Seryoso pa din siya na nakatingin sa akin. “Ang corny ko talaga.”

“Hindi naman.” tumingin ulit siya sa puno. “Kung magiging puno ba ako lagi mo ako’ng titignan?” Ang weird niya talaga ngayon. Sa totoo lang, lagi ko siyang tinitignan. Lagi talaga kasi…

“Siguro, bakit gusto mo ba maging puno?”

“Alekx! Tara na sa speech lab andyan na daw si Ma’am.” tumayo na siya.

“Wala ka ng klase hindi ba? Hintayin mo ako dito mamaya, okay?” Nag nod na lang ako, tapos umalis na siya.

Ang weird niya talaga ngayon, hindi ko maintindihan. Ngayon lang siya nag pahintay sa akin. Sa totoo lang, meron pala ako’ng love life. Hindi ko alam kung love life man kung matatawag 'yun. Matagal ko ng gusto si Alekx Salazar. Hindi matagal ko na siyang mahal. Sino ba kasi ang hindi maiinlove sa kanya? Gwapo, mabait, at gwapo. Madaming nagkakagusto sa kanya, hindi lang ako. Ang dahilan talaga ng laging ko’ng pagtingin sa dahon ng mga puno ay dahil sa kanya. Yung unang beses kasi kaming nagkita tumutugtog siya gamit yung dahon ng puno, na amaze talaga ako sa kanya noon. Nagulat nga ako sa sarili ko kasi naging madaldal ako. Doon ko din una’ng nakita 'yung ngiti niya, yung ngiti niyang pamatay sa ganda. Yung ngiti niyang nagnakaw sa puso ko. Simula noong araw na 'yun naging close kami. Lalo din ako’ng na in love sa kanya. Kasi hindi ko naman mapipigilan eh. Alangan namang pigilan ko pag tibok ng puso ko eh di namatay ako nun. Joke lang. Heheh. Alam ko namang naiintidihan niyo ako. 'Di ba? Pero alam ko namang imposibleng magkagusto sa akin si Alekx, kasi kung 'yung pinakamaganda dito sa school may gusto sa kanya, ano laban ko dun?

“Nainip ka ba?” umiling ako, hindi naman kasi talaga ako nainip. “Laro tayo silent debate.”

“Silent debate? Ano nakain mo at inaya mo ako mag laro niyan?” Ano kaya plano nito? Mahina kaya siya dun.

“Basta.” nag start na siya. Itinaas niya 'yung index finger niya.

“Wala tayong judge.” Hindi niya ako pinansin, sunod na ginawa niya, apat na daliri naman ang tinaas niya. Ano kaya meaning nun? Yung una, pwedeng one person. Eh ang apat? “Hindi natin malalaman kung sino mananalo kung walng judge.” Hindi pa din niya ako pinansin. Tatlong daliri naman ang itinaas niya. Hindi ako makasagot, wala kasi ako’ng maisip na isasagot. Hindi gumagana utak ko.

“Sagot?”

“Sagot? Ano’ng sagot?” napakamot siya ng ulo.

“Akala ko ba magaling ka sa silent debate? Bakit hindi ka sumasagot.”

“Ah, hindi kasi ako makaisip ng idea kung ano meaning nun eh.” napakamot ulit siya ng ulo. Hinarang niya si Ma’am Valencia.

“Ma’am, may isesenyas po ako sabihin niyo po sa akin kung ano idea niyo.” nag nod lang si Ma’am, naku naman. Pati teacher dinadamay niya sa kalokohan niya. Itinaas niya ulit yung index finger niya. Sumunod ulit yung apat, at sumunod yung tatlo. “Ma’am ano po sa tingin niyo yung gusto ko pong ipahiwatig?”

“I love you.” Ano daw?

“Ang galing niyo po Ma’am! Salamat!” sabay kindat. Lumapit siya sa akin. “I love you.”

“Ha? Ano?” Narinig ko naman, hindi lang malinaw kasi ang lakas ng tibok ng puso ko. Feeling ko sasabog na siya any minute. Nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko tsaka sumigaw ng…

“I LOVE YOU!!!!” yung noo niya dinikit niya sa noo ko. “Ano narinig mo na? O gusto mo sigaw ko pa sa buong school?”

“Ops! Naring ko na, hindi mo na kailangang isagaw sa buong school, at…” nag sad face siya. “Mahal din kita.” nagtatatalon siya sa sobrang tuwa. Ako naman tumatawa lang sa isang tabi. Ang sarap pala ng feeling, na yung taong mahal mo, mahal ka rin pala.

Hindi ko man naintindihan yung silent debate namin, at least nalaman ko parin yung nararamdaman niya para sa akin. Natotorpe siguro siya kaya silent debate ang ginamit niyang way ng pag amin. A unique way of saying your feelings.

[ONE-SHOTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon