SPIN THE BATTLE

789 26 25
                                    

SPIN THE BOTTLE

It almost a year, ang bilis naman ng panahon. Mag-iisang taon na pala kaming hiwalay. Mahirap mang tanggapin na tapos na talaga, kaya lang kasi mahirap kalimutan 'yung pinagsamahan namin. Matagal din na naging kami. Masaya naman kami eh, hindi ko lang talaga alam kung paano’ng nangyari at natapos na lang bigla 'yung samahan na binuo naming dalawa. Aaminin ko mahal ko pa siya. Hindi naman madaling kalimutan 'yun. Siya yung first love ko. Ika nga nila, “First love never dies.” Ako nga pala si Shara Lee Teves, simpleng mamamayan ng Pilipinas. Wag niyo nang itanong kung ilang taon ako. Pero kung pipilitin niyo ako sige sasabihin ko. 18? Mali, 17 lang ako 'no! Ay nadulas. Heheh. Pinapatawa ko lang kayo, pero walang kinalaman 'yan sa kwento ko. Ano’ng pangalan niya? Ah, siya si  Dave Sioson. Kaibigan na naging ka-i-bi-gan.

Everything for us is almost perfect before. Masaya kami kapag magkasama. Akala ko nga wala ng katapusan 'yun. Hindi mo kasi kami mapaghihiwalay, pero hindi naman kami 'yung PDA ah? Ayaw namin ng ganun. Civilized naman kami, kahit papaano. We broke up, because of her mother. Oo witch 'yung nanay niya. Kontrabida, nakakainis. Kesyo na papabayaan daw ni Dave 'yung pag-aaral niya dahil sa akin. Ayun, dahil mabait na anak si Dave, iniwan niya ako. Medyo naging awkward kami sa isa’t isa after nun, magkaklase kasi kami eh. Hindi na kami 'yung tulad ng dati na close. Nag bago na ang lahat.

“Uy, may practice daw ng NutriPop sa bahay nila Jake.” sabay palo ni Ckai, sa balikat ko.

“Sige, sunod na lang ako. May bibilin pa ako sa National eh.” nag nod lang siya tapos umalis na. After ng klase namin, dumiretso kaagad ako sa National Bookstore, malapit lang naman kasi sa school namin, at walking distance lang sa bahay nila Jake. Pagkatapos ko’ng bumili ng kailangan ko, half running ako’ng naglakad papunta kila Jake, pag dating ko do’n wala namang tao. “Hala, wala na atang practice.” Kinuha ko 'yung phone ko. Argh! Great, empty na. Baka nagtext sila sa akin.

“Nandun daw sa loob sila Ckai.” bigla ako’ng na stiff sa kinatatayuan ko nung marinig ko 'yung boses niya. Oo, boses 'yun ni Dave, hindi ako pwedeng magkamali. “Pasok na ako.” sumunod din naman ako kaagad. Narealized ko bigla, namiss ko pala 'yung boses niya. Mahal ko pa nga. Haayy. Pag akyat ko sa kwarto ni Jake, nandun daw kasi sila. Nakita ko sila, nakaupo sa sahig at may bote sa gitna. Hinanap ko si Dave, nakahiga sa kama natutulog. Ang bilis naman niya makatulog, baka pagod na siya dahil sa practice ng volleyball. Argh. Bumabalik ang mga alaala.

“Upo na, mag lalaro tayo spin the bottle.” tinap niya 'yung pwesto sa tabi niya. Umupo din ako.

“Wala ba’ng practice?”

“Wala, hindi daw darating 'yung choreography eh. Okay, ako na mag papaikot ah?” hinawakan na niya 'yung bottle. Pero teka…

“Hindi kasali sila D-d-dave?” sabay sabay lang silang umiling. Ang tanga ko naman, tinatanong ko pa kita ko namang tulog na tulog na. Haayy. Una’ng hinto ay…

“Ako?” sabay sabay silang nag nod. “Dare.”

“Puro truths lang, walang dare.” Hala, bakit ganun? Daya naman. “Ako magtatanong. Aherm… Mahal mo pa ba si Dave?” napalunok ako. Ang alam nila, nakamove on na ako. Na hindi ko na mahal si Dave, na wala na ako’ng nararamdaman for him. Ano’ng isasagot ko. Naramdaman ko tumulo 'yung luha ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling, o kung ano’ng dahilan kung bakit tumulo ang luha ko. “I’ll make you choose na lang.” nag labas siya ng C2 na green at red. “If you choose red, it means no. Then if green it’s yes. Choose.” Hinawakan ko parehas 'yung dalawang bottle. “Only one.” I close my eyes, and let my heart choose. I put down the bottles, and move my hand freely. I slowly open my eyes, para makita kung ano 'yung napili ko. And it’s… Green.

“Oi! Bakit wala ng sounds? Ano pinili niya?” Napatingin ako sa kanya, nakatakip yung unan sa ulo niya. Akala ko ba natutulog 'to? Bakit nakikinig siya?

I’m sorry, Dave. She chose red.” sabay kindat sa akin.

“P*ta! Sabi ko na eh!” tapos tumayo si'ya at bumaba ng kama. Napatangin siya sa hawak ko.“Akala ko ba… red?” bigla ko’ng tinago 'yung C2 na hawak ko.

“Guys, labas na tayo. Kailangan ng privacy ng dalawa.” Lumabas naman sila. Naupo sa kama si Dave. Awkward silence!

“Totoo?” sabay naming sabi.

“You first.” tumingala siya.

“Una sa lahat, I just wanna say sorry. Alam ko hindi pa ako nag sosorry sa iyo after ng break up natin noon. Pangalawa, sorry ulit, because I set up all this just to know kung may nararamdaman ka pa para sa akin. Pangatlo, I still love you, Shara.” tumingin na siya sa akin. Eye to eye contact. 'Yung puso ko ang bilis ng tibok. Kailan ka nga ba huling tumibok ng ganyan? “Totoo bang green ang pinili mo?” hindi ako makatingin sa kanya. Feeling ko nalulusaw ako. Huminga ako ng malalim.

“Puso ko pumili niyan, hindi ako.” tumabi siya sa tabi ko. Hinug niya ako. Naiyak ako, naalala ko na naman noong kami pa.

“Buti pa si Puso, mahal pa ako. Paano naman ikaw? Mahal mo pa ba ako?”

dugdug dugdug dugdug

“Puso ko na ang pumili, wala na ako’ng magagawa. Itanggi ko man sa sarili ko, lalabas at lalabas pa din ang katotohan na mahal pa din kita.” I hugged him back. Feeling ko, bumalik na sa normal ang lahat.

“I love you so much, Shara Lee Teves.” Kiniss niya ako sa forehead.

“Ibig bang sabihin nito tayo na ulit?” tiningala ko siya.

“Bakit ayaw mo ba?” umiling ako.

“I love you, too. Dave Sioson.” And I hugged him so tight.

This time, I know and I can feel, everything will be just fine.

[ONE-SHOTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon