Broken Family
Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you
I can just look up
And know the stars are
Holding you, holding you, holding you
Tonight.Sabi sa nabasa ko sa internet ay napaka sad daw ng song na Tonight by FM Static. The composer was engaged with his long time girlfriend and as they depart for work, namatay daw yung girlfriend niya na isa sa mga biktima ng 9/11 incident at Twin Towers. Sa sobrang pagka broken hearted niya ay na compose niya yung song na Tonight.
"Sir, nandito na po tayo." narinig kong sabi ng taxi driver. Natigil ako sa pagmuni-muni at tinignan ang rate ng meter which is 106 pesos. Dumukot ako ng 150 pesos sa wallet ko at binigay doon sa driver.
"Naku Sir. Wala po akong pang suk.." hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil sinabihan ko siyang sa kanya na yung sukli. Alam ko maliit lang yung sukli pero mabibili niya na din yun ng tinapay at mainit na kape. Tinalikuran ko na siya pagkatapos kong masara ang pinto ng taxi. Narinig ko pa nga na nagpa salamat si Manong pero hindi ko nalang binigyan ng pansin.
Nang makapasok na ako sa bahay ay nakita ko ang kapatid ko na tutok na tutok sa phone niya. Hindi ko nalang pinansin at dumiretso na ako sa hapag kainan. Nadatnan ko naman si mama na naka upo dun at tulala lang kaya nilapitan ko siya at agad na nagmano.
"Nandito ka na pala. Kumain ka na Ed. Pasensya ka na kung nauna na kami ng kapatid mo, alam mo naman na gusto kong sabay tayo kumain kaya lang gutom na daw kasi siya kaya sinabayan ko nalang kumain."
Gusto talaga ni Mama sabay kaming lahat kumain kaso nitong mga nakaraang araw ay hindi kami nagkakasabay kumain dahil laging late umu-uwi si Papa. Umupo nalang ako sa upuan at nag simulang kumain. Napangiti ako ng makitang sinigang na baboy ang ulam namin. Favorite ko kasi ang sinigang na Baboy. Habang ninanamnam ko ang luto ni Mama ay nakita ko si Shaina na naglalakad papalapit kay Mama.
"Mama, may tanong ako." sabi ni Shaina ng magkaharap na sila ni Mama. Sasagot na sana si Mama pero bigla ulit nagsalita si Shaina.
"Sa tingin mo Mama totoo yung pinagtagpo pero hindi itinadhana?" natigil ako sa aking pagkain at nilingon yung kapatid ko. Saan niya naman nakuha yang mga ganyang tanong? Bakit parang ang lalim naman ata.
"Totoo yun anak. May mga tao talagang pinagtagpo pero hindi itinad.." naputol yung sasabihin ni Mama dahil narinig namin ang busina ng kotse ni Papa sa labas ng bahay.
"Shaina. Pagbuksan mo ng gate ang papa mo." utos ni Mama kay Shaina. Nilapag naman ng kapatid ko ang phone niya sa mesa at tumakbo palabas. Binilisan ko nalang yung pagkain ko dahil alam kong mag-aaway na naman sila Mama at Papa. Ayokong marinig kung paano sila mag bangayan. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas at pumasok sa aking silid.
Nakasalpak ang earphones sa tenga ko ngayon habang ako'y nakahiga at na-alala ko ang tanong ng kapatid ko. Pinagtagpo pero hindi itinadhana? Bakit niya kaya natanong yun? Totoo nga kaya yun? Posible siguro, kasi sabi ni Mama totoo daw e. Hindi ko pa naman nararanasan umibig kaya wala talaga akong alam. Nagka gusto lang ako pero paghanga lang naman yun, hindi ko parin masasabi na mahal ko yung babaeng yun.
--
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kagabi sa sobrang pag-iisip ko dun sa tanong ng kapatid ko, wala naman akong alam sa pag-ibig kaya inalis ko nalang yun sa isipan ko.

YOU ARE READING
E54
Novela JuvenilDalawang pusong pinag-tagpo pero hindi itinadhana sa isa't-isa. Hindi nga ba?