Chapter 30:Boy In Luv

3 0 0
                                    

CINDY'S POV

Ngayon nandito na ako sa airport nandito na din kaya siya? Sana naman maabutan ko pa siya.

Nag parking kaagad ako para makatakbo at mag hagilap sa airport.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, nag paikot ikot na ako sa airport para lang mahanap siya pero hindi ko na alam kung saan pa dapat ako pumunta.

Umupo muna ako sa may nakita kong upuan, tapos tinakpan ko yung mukha ko. Tapos nahulog yung panyo ko, pero hinayaan ko nalang, kasi iniisip ko kung san pa ba pwedeng pumunta! Haist! Nakaka stress na talaga, leche naman kasi Jungkook eh! Nakakabadtrip talaga. Kung hindi lang kita mahal.  Hindi ako mag sasayang ng oras para mag hanap lang ng isang lecheng lalaking PINAKAMAMAHAL ko.

PERO MAHAL KO SIYA EH!

Maya maya may nag abot sakin ng panyo ko. Tapos sinabing.

"Miss, yung panyo mo! Nahulog!" Sabi nung lalaki, "Hayaan mo na yan sa lapag!" Sabi ko sa kanya. Pero hindi ko pa din siya hinaharap.

Pero parang gusto nang tumalon ng puso ko, nung marinig ko ang sinabi ng babae na kasama niya.

"Jungkook, tara na! Mali late ka na sa flight mo." Sabi nung babae, tapos bigla akong napatingala. Siya nga! Naghihintay pa din yung kamay niya at hawak hawak niya yung panyo ko.

"Jungkook?" Sabi ko habang nakatingala, feeling ko nag nining ning ang aking mga mata.

"Oh, coincindence here! And yung panyo mo may pangalan ko pa, hahaha!" Sabi niya sakin, kasi pinangalan ko talaga kasi, namimiss ko siya at nagkataong wala na akong panyo kaya ayan ang dinala ko.

"Teka wag ka na muna umalis!" Sabi ko sa kanya. "May sasabihin ako sayo!" Sabi ko sa kanya ulit.

"Ano yun? 15 minutes nalang before makaalis yung eroplano na sasakyan ko!" Sabi niya habang nakangiti ng nakakaasar.

"Pumunta ako dito para sabihin kung gano kita kamahal, pero mukhang aalis ka na at nagmamadali ka, sige you can go now. Wag mo na pansinin yung sinabi ko!" Sabi ko sa kanya, tapos lumakad na ako.

"Huh? Pano ko hindi yun sasabihin?" Sabi niya tapos ngumiti siya ulit. "Hahaha, pinuntahan mo ako para sabihin yan?" Tanong niya tapos tinaas taasan ako ng kilay.

"Sige na alis na ako!" Sabi ko sa kanya pero pinigilan niya ako.

"Sino nagsabing aalis ka ng hindi ako kasama?" Sabi niya, and what? Ano bang ibig niyang sabihin?

"Anong ibig mong sabihin? Loko ka ba?!" Sabi ko sa kanya, tapos biglang nag announce na yung eroplano na aalis na. Pero hindi niya pinansin.

"Bro! Sige na!" Sabi ni Kence. "Cindy, sasama ka ba?" Sabi niya sakin.

"Hindi na Kence! Aalis na ako!" Sabi ko sa kanya.

"Hindi ako tutuloy sa Korea, kasi once na pumunta ka dito, ibig sabihin. Pinipigilan mo ako!" Sabi niya, "Kaya tara na!" Sabi niya.

Tapos hinila niya ako. Hahaha! Bakit ganun? Parang ang saya ko na hindi na siya natuloy!, Hahaha! Baliw eh noh? Kasi sigurado na ako, mahal ko na siya.

KAHIT GAANO PA KALAKI YUNG KASALANAN NIYA.

Paulit ulit ko siyang patatawarin, handa akong magpakatanga para sa kanya, MAHAL KO SIYA EH. Kaya siguro nagagawa ko yun.

"Sigurado kang hindi ka talaga tutuloy?" Tanong ko sa kanya, "Baka naman may naghihintay sa'yo dun?" Sabi ko sa kanya.

"Hahayaan ko bang maghintay lang yung minamahal ko dito?" Sabi niya sakin, bad trip siya. Naiinis ako,

GIVE ME A BAD BOYWhere stories live. Discover now