Chapter 18:Ghost Hunting FLASHBACK

0 0 0
                                    

Ghost Hunting Flashback

A/N:Ghost Hunting flashback lang po ito kaya sorry kung medyo maikli. Babawi po ako sa next Chap. Love you Guys. No POV po dito sa chap na to.

Special Flashback For 'Ghost Hunting'

Nung nag ghost hunting ang BANGTAN BOYS sa school may nakita silang hindi dapat nila makita.

Nabalitaan kasi nila na may babaeng nagpaparamdam dito na babaeng multo kaya eto namang mga mukhang ewan, NAG GHOST HUNTING. Nagpapaniwala kasi.

Mahilig kasi sila mag takutan lalo na pag inaabot sila ng gabi dito sa academy kaya naman hindi na sila nagpa tumpik tumpik pa, nag ghost hunting na sila. Mga baliw eh noh?

"Dapat makakita tayo ng sexy, maputi at maganda multo ha?" Sabi ni Jimin. "Babaero!" Sabi ni Yoongi.

"Bakit pasalamat ka may Cindy ka na kaya hindi mo na kailangan mag hanap ng sexy na multo." Sabi ni Jimin. Natawa naman sila lahat sa sinabi ni Jimin. "Oh anong tinatawa tawa niyo?" Si Jin naman parang tanga, mukhang ewan tawa ng tawa.

"Kahit tumanda tayo sa kaka ghost hunting dito, hindi ka makakahanap ng ganun ka sexy na babae! Abnormal ka ba?" Tumawa na naman siya ng tumawa halos gusto niya na umupo sa sahig tapos hahampasin yung sahig tapos tatawa. Baliw talaga!

"Bakit ba? Basag trip ka tanda!" Sigaw ni Jimin. "Ano ba ang iingay niyo?!" Sigaw ni Namjoon.

"Baka nga makahanap tayo diyan ng may bilbil na multo eh." Sabi ni Julian.

"May sakit ka ba?" Tanong ni Taehyung. "Ngayon ka lang kasi naki asar eh." Sabi ni Taehyung habang tumatawa, at ngayon duet na ang dalawa sa kakatawa.

"Gago!" Sabi ni Julian. "Mag ghost hunting na nga tayo." Sabi ni Taehyung.

"GHOST HUNTING LANG, WALANG TAYO." Sigaw nilang lahat habang naglalakad sa may building ng Grade 12.

"Uy guys may bali balita daw dito na may nampapatay ah." Sabi ni Julian. "Nampapatay as in killer? Bakit naman?" Tanong ni Yoongi habang tumatawa.

"Hindi nga seryoso meron daw, kaya nga may nagmumulto dito eh," sabi ni Julian at parang seryoso talaga siya sa sinasabi niya.

"Wait sexy ba yung pinapatay?" Tanong na naman ni Jimin, kalandian talaga neto ni Jimin eh, di matapos tapos yung kalbaryo sa pag hahanap ng sexy.

"Manahimik ka nga!" Saway ni Jin sa kanya. "Puro kalandian ang alam mo." Sabi ni Jin kay Jimin, "Hindi naman masama mag hanap ng sexy ah, badtrip ka naman eh.

"Hindi nga, pero wag kang maingay kasi parang may tao." Sabi ni Namjoon.

"Huh? Saan? Ayy oo malamang mga tao tayo, ayyyy tao walang tayo ay wala palang tayo, pero sino? bukod pa satin?" Tanong ni Yoongi. "Hindi ko alam basta maglakad lakad nalang tayo."

Naglakad lakad yung BANGTAN BOYS tapos pumunta na sila sa building ng 1st year college, kasi gusto pa nila malibot ang school, at gusto nila maka discover ng mga multo.

NAGSASAYANG NG ORAS! HAIST!

"Diba dito yung room niyo, Jungkook?" Si Jungkook nakatingin lang sa bintana ng classroom tapos nung hindi niya narinig yung sinabi ni Jin, hinampas siya nito, "Hoy! Sabi ko dito ba yung classroom niyo? Lutang ka ba?" Tanong ni Jin ulit sa kanya.

"Huh? Ahhh oo naman! Okay lang ako. Tinitignan ko lang yung room." Sinasabi yun ni Jungkook habanh nakatingin pa din sa may classroom.

"Guys! May tao dun oh, dun sa tapat ng janitors room." Nagulat kami sa sinabi ni Namjoon akala namin staff ng school kaya naman nagtago kami kaagad. "Tara tago tayo bilis." Sabi ni Julian.

Nagkahiwa hiwalay sila sa pagtatago kaya naman hindi mapigilan ni Namjoon na mag alala kung san nagtago yung 5 niyang kasama, dahil ang kasama niya lang sa taguan ay si Yoongi.

Tapos si Jungkook naman kasama si Taehyung, dun sila sa likod malaking basurahan nagtago, kasya naman sila eh.

Tapos si Jimin, Jin at Julian sa may likod ng classroom nila Jungkook nagtago may space kasi yun kada room eh, tapos may daanan papunta sa likod.

Nung nakadaan na yung dalawang lalaki na lumilingon lingon lumabas sila agad kasi may nakita silang dugo, buti nalang hindi sila napansin. At buti nalang hindi na sila bumalik.

Since si Kookie at V ang nakakita ng dugo tinawag agad nila sila Namjoon at yung iba pa nilang kasama.

"GUYS! MAY DUGO OH!" Sabi ni Jungkook, "Huh? Pano naman nagkaroon ng dugo diyan?" Tanong ni Jin. "Nung tumatakbo yung dalawang lalaki may tumutulong dugo dun sa kamay nila, ayun dun nag simula." Turo ni Taehyung dun sa may girls restroom.

"Sigurado ka? Lalaki tapos girls restroom?" Tanong ni Yoongi. "Oo nga! Bakit nandun sila?" Tanong ni Julian.

"Hindi natin alam, at hindi natin malalaman kung hindi natin titignan at susundan ang bakas ng dugo o kung san man ito galing." Sabi ni Jungkook, "Tama tara!" Aya ni Jin sa kanila, since madilim na yung university at tanging ilaw nalang ng mga phone nila ang available.

"Namukhaan niyo ba yung mga lalaki?" Tanong ni Namjoon.

"Oo, medyo namukhaan namin sila kasi nung tumatakbo yung lalaki natanggal yung mask niya, at alam ko si..." Naputol yung pagsasalita ni Jungkook nung malaman niyang si Steve at Alfred yun, namukhaan niya si Steve pero hindi niya namukhaan yung kasama niyang isa, pero sigurado siyang si Alfred yun.

"Si Steve at Alfred yun." Sabi ni Jungkook. "Huh? Sino yun?" Tanong ni Namjoon, "Basta namumukhaan ko siya. Pero di ako sure kung sila ba talaga yun ni Alfred. O baka naman mali ako, basta never mind." Sabi ni Jungkook sa kanila.

"Okay sige tara sundan natin." Akala nila dun lang yun sa may Janitor's room pero hindi, lumiko pa yun papunta sa girls restroom at hindi nila alam na may...


Pinatay pala dun.

"Horishit!" Sabi ni Jimin. "Si Ms.Ferrer to diba?" Tanong ni Jungkook.

"

Pero bakit naman nila papatayin si Ms. Ferrer? Sayang ang ganda pa naman ni Ms. Ferrer. At ayun oh! May nakasulat."

GOODBYE MS. FERRER

Pagkatapos nilang pag usapan yun nag report agad sila sa police na may namatay na Teacher...

At lahat sila hindi nila alam ang dahilan kung bakit pinatay si Ms. Ferrer.

Kaya naman nang stalk sila sa Facebook kinabukasan kung sino ba si Steve at Alfred.

"Steve? Alfred? Kung hindi ako nagkakamali sila yung mga 3rd year high school, tama?" Sabi ni Taehyung. "Hahahaha! Parang may naaalala akong Steve na nanliligaw dati kay Manang," Sabi ni Jin.

"Steve? 3rd year din ba?" Tanong ni Taehyung, "Hindi 2nd year yun." Nakahinga ng maluwag si Taehyung kasi akala niya, pumayag si Jin na patuloy pa ding ligawan si Cindy.


End Of Flashback

A/N:Salamat sa mga nag like at nag comment recommend this story to your friend, at sana magustuhan niyo po yung story ko.

Don't forget to like and comment, I Love You Guys! Muaaahh! Hahahaha, sabay sabay na po ako mag aa update kasi tatapusin ko lang po ito. Hihihi!



GIVE ME A BAD BOYWhere stories live. Discover now