Ang tunog ng oras. Sumisimbolo ito sa iba't ibang bagay, panahon, mga pangyayari na masaya, nakakatawa, nakakalungkot, nakakakaba, nakakaiyak, at marami pang iba.
Lahat ng tao, ninanais na magbago ang buhay nila, pero kung tatanungin mo, karamihan talaga, mapapaisip sila and then would conclude, 'I wont change it', ' kontento na ko', at 'kung hindi ako nagkamali, hindi ko na sana siya makilala', and etc etc.
They think na kontento na sila sa mga pait at masasamang nagyari sa buhay nila. Pero ako hindi.
Bakit?
Simulan muna natin sa isang pangyayaring hinding hindi ko makakalimutan..Sa isang pangyayaring, masakit, mapait at sa huli, gusto ko pa ring baguhin.
Ako nga pala si Jamie Rhease Rosario. At ito ang buhay ko...
Chapter 1-
"Ate, gising."
Hindi ako nagising sa bulong ni Jam-Jam, ang nagtatanging kapatid ko. Kundi sa ulan. Hindi rin dahil sa ingay ng ulan kundi sa nabasa ako. Matagal ng butas ang bubong namin, since birth ko pa yata.
Kanina pa talaga ako gising, sadyang iniisip ko ang buhay namin noon hanggang ngayon. Walang pagbabago.
Bumangon ako at umupo sa dulo ng higaan. Nakatitig pa rin sa butas sa ibabaw. Hindi lang butas ang bubong namin. Sira ang halos lahat ng gamit, sanhi ng mga bagyo, maraming panahon na ang dumaan.Hindi rin kaya nina tatay at nanay na ipaayos ang bahay namin dahil isang hamak na kumikita sa karendirya lang kami nakakain at nabuhay.
Minsan...Kung pwedi lang sana..
Naputol ang pagda drama ko nang bumangon si Jam-Jam bigla.
"Ate? Kanina ka pa gising? Hali ka na, baba na tayo, tutulungan na natin sina nanay."
Ngumiti ako sa kanya sabay iling, kahit na ang dilim ng paligid.
" 'Wag ka nang magtangkang bumangon diyan, may long quiz ka pa bukas sa Math, mahina pa naman dun."sabi ko sa kanya.
"Tsk. Ate talaga, sinabi mo lang yan kasi mahal mo talaga ako at-zzZZ."
Hala. Natulog agad? Talaga tong si Jam, oh. Napatawa ako sandali sa posisyon niya. Nakaupo pa rin kasi habang nakayuko ang ulo. Parang zombie lang.
Inayos ko ang pagkakatulog ni Jam pagkatapos ay bumaba na ako para tutulungin sina nanay. Napatingin ako ulit sa paligid ng bahay namin. Oo, mahirap kami pero hindi ibig sabihin nun, wala kaming mga pangarap.
Nakatapos naman ng pag-aaral sina papa at mama sa kolehiyo pero mas gusto nila ang ganitong buhay. Ewan ko lang kung bakit. Pero hindi ako masaya sa naging buhay namin. Gusto kong yumaman.
Gusto kong magkamansyon kami nina nanay at tatay. Gusto kong hindi kami maghirap ulit. Nakakasawa na.
Hindi naman talaga masamang mangarap diba? Lalo na't malapit ko nang makamit ito. Isa kasi akong scholar sa isang elite school. Medyo mahirap mabuhay dun lalu na't puro mayayaman ang mga kaklase ko, allergic ako sa mga mukha nila!Grr..
"Oh, nak gising ka na pala, gusto mong pagtimplahan kita ng gatas?" masiglang ngiti ni Papa sa kin.
Nasasaktan ako sa tuwing ngumingiti si Papa habang kumakayod sa pagluluto. Para bang ayaw niyang nakikita namin ni Jam na nahihirapan na talaga sila. Ang sakit kaya sa anak nun.
Kaya naman, dumeritso ako sa tabi ni Papa at kinuha ang apron na naka-hang sa tabi ng mga kawali.
"Tutulungan ko na po kayo." ngiti kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
If Only
FantasiAccidentally, Jamie met and rescued a Watchmaker from danger who turns out to be a timetraveller. Bilang regalo, binigyan siya ng pagkakataong mag-Timetravel. This time, the truth which she tought it was, is actually not.Friends that she'd been call...