Third POV:Pagkatapos mag pulong ang mga nakakatandang pinuno ng Encantadia sa tanggapan ng Hara ay agad nag patawag ng pag pupulong sa Bulwagan ng Lireo upang ipa batid sa lahat ang desisyon ng Hara. ..
Mga Diwata at kaharian na kaanib ng Lireo maging narin sa iba pang mga Enkantado. Nais kong mag pasalamat sa pag tanggap nyo sa akin bilang Hara ng Lireo at Encantadia sa nagdaang panahon Avisala Eshma sa inyong lahat. ngayon batid nyo na tatlo lang kami ng aking mga kapatid na tagapangalanga ng mga Brilyante .
Umpisa ng namatay ang ating Hara Durye na si Hara Amihan ay wala nang tagapangalaga ang Brilyante ng Hangin .At ang dapat sanay mga susunod na tagapangalaga ay 3 sa kanila ang hindi naka ligtas sa nakaraang digmaan at ang isa ay si paopao ang Bitang ligaw na nag mula sa mundo ng mga tao ay bumalik na sa kanyang pinag mulan. Kaya sina sanggre Lira at Mira nalang ang natira kaya sila ay tinatalaga ko bilang tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin at Diwa. Pero nasa mga Brilyante parin kung sila'y tatanggapin. - Hara AlenaNagulat ang dalawang sanggre sa tinuran ng kanilang Ashti Hara. Pero agad din silang nakabawi sa pagkagulat at lubos silang natuwa dahil sa wakas ay magiging taga pangalaga na sila ng mga brilyate.
Bessy totoo ba ang narinig ko magiging tagapangalaga na tayo - Lira
Mukhang totoo nga Lira Ashti Hara tama ba ang inyong tinuran -Mira
Ashti hindi ba joke time toh o wow mali may hidden camera ba dito - Lira
Lira hindi ko maunawaan ang iyong sinambit pero oo totoo ang aking tinuran. Kaya Mira pumunta ka sa gitna - Hara Alena
Go!! Bessy - Lira
Mira ito ang Brilyante ng diwa hayaan mong alamin nya kung karapat dapat kaba sa kanya - Hara Alena
Lumapit kay Mira ang brilyante at umikot ito sa kanya ng ilang saglit pa ay umilaw ito at binuksan nya ang kanyang palad at lumapit ang brilyante ng diwa hudyat na tinatanggap na sya bilang tagapangalaga nito .
Mira tinanggap ka ng brilyante ng diwa bilang tagapangalaga nya. Binabati kita. - Hara Alena
Lumapit kay Mira ang brilyante at umikot ito sa kanya. Ilang saglit lang ay lumiwanag ito at binuksan ni Mira ang kanyang kamay at lumapit ang brilyante ng diwa sa kanyang palad hudyat na tinanggap sya bilang tagapangalaga nito.
Mira tinatanggap ka ng brilyante ng diwa bilang tagapangalaga nya. Binabati kita. - Hara Alena
Masaya si Mira na tinanggap sya ng brilyante upang maging tagapangalaga nito. Maging ang kanyang ina ay lubos din ang saya.
Natapos si Mira ay si Lira naman ang tinawag ni Hara Alena
Lira pumunta ka sa gitna - Hara Alena
Ok po Ashti Hara - Lira
Lira ito ang brilyante ng Hangin malalaman natin kung tulad ng iyong ina ay karapat-dapat kaba bilang kanyang tagapangalaga -Hara Alena
Kinabahan si Lira dahil baka hindi sya tanggapin ng brilyante.
Bathalang Emre pls. Po sa maging karapat-dapat ako bilang tagapangalaga ng brilyante ng hangin -Lira
Lumapit kay lira ang brilyante ng hangin at tulad ng ginawa kay mira ng brilyante ng diwa ay inikutan din sya at biglang nakaramdam si Lira ng isang mahigpit na yakap sa pamamagitan ng hangin na alam nyang ang kanyang ina lang ang nakakapag bigay.
Dinama ni Lira ang hanging yumayakap sa kanya "Inay" na alala niya ang kanyang ina na dati'y tagapangalaga ng brilyante
Matapos syang yakapin ng hangin ay tumigil sa kanyang harapan ang brilyante at nilahat nya ang kanyang palad at lumapit ang ito na nag nabatid na tinatanggap na sya nito.
Lira tinatanggap ka ng brilyante ng Hangin - Hara Alena
Lubos ang saya ni Lira dahil sya na ngayon ang tagapangalaga ng Brilyante ng hangin na mahalaga sa kanyang ina. Maging ang kanyang ama at mga ashti ay nagagalak sa dalawang bagong tagapangalaga.
Binabati ko kayo Lira, Mira dahil kayo na ang tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin at Diwa lubos akong nagagalak dahil alam kong gagamitin nyo ito para sa kapayapaan dito sa Encantadia.
May isa pa akong gustong ipa batid sa inyo mga diwata at sa lahat ng mga engkantado. Ngayon na ang panahon para malaman nyo na gusto kong ituloy ang pag angat sa teritoryo ng Adamya at nais kong pag tuunan ito ng pansin. Kaya panahon na para sa tagapagmana ng Lireo. Panahon na upang sya ay humalilu sa akin bilang isang hara. Nasa sapat na gulang at kakayahan na upang maging hara. Kaya sa susunod na ikangalawang pag sikat ng araw magaganap ang paputong ng korona kay Sanggre Lira -Hara Alena
Nagulat ang mga Engkantado sa sinambit ni Hara Alena sa kanyang pag baba sa puwesto pero masaya sila para kay Sanggre Lira alam nilang magiging isang mabuting Hara ito.
BINABASA MO ANG
ANG BUGNA NI LIRA
FanficNang maging Bathaluman si Cassiopea Bumaba sya sa Encantadia upang pagalingin si Lira sa sumpa ni Bathalang Arde. Si Lira ay may Bugna pang dapat tahakin sya ay may malaking papel na gagampanan sa Lireo at sa buong Encantadia..