Entry 76: Malayo

29 2 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit pagkatapos nung nangyari sa Shed ay iniiwas ko na ang tingin ko kay Jiro.

Parang nahihiya ako sa kanya.

Bumalik na ulit si Aramis pero tahimik lang siya.

Nakakasama ko siya, kinakausap ko kung may problema subalit iling lang siya at ngingiti.

Pero alam ko na malalim ang iniisip niya at kita ko rin na may eyebags siya.

Tinanong ko sina Porthos kung may problema ba si Aramis pero umiiling rin sila habang hindi makatingin ng diretso.

Pero magkaibigan kami. Kung ano man yung inaalala niya, gusto kong malaman iyon. Kung may problema siya, gusto kong sabay kaming mag-iisip ng solusyon.

Napaisip ako. Ano nga bang alam ko tungkol kay Aramis?

Aramis N. Valencia
Sa 3 musketeers siya ang pinakamisteryoso. Mabait, matalino, tahimik. Gwapo kasi maraming may crush sa kanya sa lower years. Asset niya yung mole niya sa ilalim na gilid ng mata niya. Matangkad siya, at minsan parang di nagsusuklay pero bagay pa rin sa kanya yung buhok niya. Minsan suplado. Pero kapag ngumiti nakakatuwa. Mahilig siya sa gatorade at vita milk. White ang paborito niyang kulay.

Architect ang Mama niya at Engineer ang Papa niya. Kagaya ko, solong anak rin siya.

Magkakaibigan ang mga magulang nila nina Athos at Porthos.

Pangarap niya maging Engineer din.

At parang malayo siya sa akin ngayon.

Tinitingnan ko siya kapag di ako nakikinig sa teacher. Kapag nahuhuli niya ako ay umiirap siya. Minsan ay ngumingiti.

Uwian na at bago kami maghiwahiwalay ay tinanong ko siya.

Ako: Aramis anong problema?

Pero ngumiti lang siya at ginulo yung buhok ko.

Aramis: Tara. Isasakay muna kita sa tricycle.

Sinakay niya lang ako sa tricycle.

Natakot akong lumingon sa kinaroroonan niya.

"Ingat Aram. " Binulong ko na lang sa hangin.

Dear ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon