Entry 53: Sorry

53 5 0
                                    

Isang hapon, naiwan ako sa room dahil mabagal akong magligpit ng gamit.

Nauna na si Aram para puntahan yung dalawa. Si Athos at Porthos.
Palabas na sana ako ng pinto nang may humila sa braso ko.

Si Gabs.

G:Pals.

Namiss ko yata ang pagtawag niya.

Hindi ko nagustuhan ang naramdaman kong iyon. Kaya hindi ko mapigilan na itaas ang kilay ko.

A: Bakit?

Masungit ang pagkakasabi ko parang naiinip.

Hindi ko mabasa ang tingin niya nun.

G: Sorry.

Naiiyak ako. Naalala ko kasi ulit. Akala ko okay na ako e. Hindi pa pala.

A: Saan?

Biglang tumunog ang phone niya at binitawan niya ang braso ko para basahin ang text na nandoon.

Kaagad siyang tumingin sa akin.

G: Sorry talaga Pals.

Tumakbo siya palayo sa akin.

Naiwan ako roon nag-iisip. At natanaw ko ang mabilis na pagtakbo ni Gabs papunta kay Flor. Advantage ng nasa second floor.

Sorry rin Gabs. Hindi pa rin yata kita tuluyang pinatawad.

Dear ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon