part II

4 0 0
                                    

Umalis na ko sa lugar kung saan andun si daniel, nabadtrip talaga ako sa lalaking yon. Akala ko pa man din mabait, kasungit pala daig pa yung babaeng first day ang regla.

"Beshy beshy!!" Sigaw ni joyce papunta sakin. "Oh bakit?" Tanong ko.
"Kabwisit ay, winedding booth ako kay Jp!" Inis nitong kwento saken.
"Oo nga, sakin nagtanong yung batang babae kanina eh" walang gana kong sabi.

"Oh anyare sayo? Bat ganyan ka?" Curious niyang tanong.
"Eh nabwisit ako kay daniel eh akala mo magaling magsalita!" Galit na may gigil kong sabi.
"Oh sino naman yung daniel na yan? Resbakan ko na ba? Galit na sabi ni joyce.

Ay oo nga pala hindi pa kilala ni Joyce si Daniel. Hay nako Joyce kung kilala mo lang kung sinong daniel ang tinutukoy ko baka hindi mo masuntok dahil kikiligin kana agad.

"Sino pa ba edi yung crush mo!" Pasigaw kong sabi.
"You mean, Felisnidad?!" Gulat na gulat na tanong ni Joyce.
"OO! Oh ano reresbakan mo pa?!" Katwiran ko.
"Hala sheeet!! Daniel pala name niya! Goshhh!!!"
Ngiting sabi ni Joyce.

Sabi na eh, kikiligin agad hay nako. Wala akong magagawa eh, crush ng kaibigan ko eh. Pero wag talagang magpapakita saken yang Daniel na yan kabwisit!

"Alam mo Joyce hindi ko alam kung anong nagustuhan mo dun eh, I mean oo gwapo siya pero ang pangit naman pala ng ugali" sa sobrang inis ko nagwalk out ako kay Joyce.

Joyce POV

Nanonood ako ng volleyball dahil sinusuportahan ko yung crush ko na si Felisnidad. Ang galing niya grabe sobrang nakakaturn on! Kaso biglang nag time out yung referee at inilabas sa court si Felisnidad.

Hanggang sa may lumapit saking babae "ate kayo po ba si joyce baste?" Tanong nito. Sumagot naman ako kaagad ng "Oo, bakit?"
"May nagpa wedding booth po kasi sainyo eh, si Jp Balmerio po"

Gulat na gulat ako dahil si Jp ay nakakachat ko pero diko siya bet. Sila Mae lang naman nagpupush saken dun eh.

Habang pabalik ako sa gym, nakita ko si Mae na nakabusangot ang mukha. Kinwento ko sakanya lahat ng nangyare ngunit ang cold niya magsalita.

"Oh anyare sayo? Bat ganyan ka?" Tanong ko rito
"Eh nabwisit ako kay daeniel eh akala mo magaling magsalita! Galit nitong sabi sakin.
"Oh sino naman yung daniel na yan? Resbakan ko na ba? Sabi ko dito.

"Sino pa ba edi yung crush mo!" Sigaw nito sakin.

Omyfcking ghaad!! Daniel pala name niya, grabe ang pogi ng name niya pati narin siya syemore hahahaha!!

"Sha!" Tawag ko sa kaibigan ko na ngayon ay naglalakad papuntang classroom nila.
"Oh bakit Mae? Miss mo nanaman ba ko?" Tawang sabi nito.
"Hindi ah, btw san tayo kakain ng lunch?" Tanong ko pero nagisip muna si Sha bago sumagot.

"Sa mcdo nalang siguro, ay wait lang hintayin mo ko dito, kukunin ko lang yung gamit ko sa loob" pagpapaalam nito sakin.

Nakatayo lang ako sa labas ng classroom nila Sha hanggang sa may mga lalaking paparating. Agad ko namang nakita yung lalaking sumira ng araw ko.

"Hi miss" sabi ng isa nilang kaibigan sa akin.

Dinedma ko lang siya dahil na rin sa bwisit ko siguro, mabait naman ako eh pero kapag ganitong bad mood ako nawawala ako sa kabaitan.

"Ay snob, miss sino iniintay mo?" Tanong naman niya sakin.
"Sorry pero wala ako sa mood makipag usap" seryoso kong sabi sakanya.

"Wala ka pala Jas eh! Mahina mahina!" Sigaw ng mga kasama nito.

Napansin kong hindi humihiyaw si Daniel sa likuran nila, nagtama ang mga mata namin pero agad naman akong umiwas ng tingin. Lumabas na rin si Sha sa classroom nila at umalis narin kami.

LOVE ENEMIESWhere stories live. Discover now