"Yes intrams na!!!" Sabi ni mae sakanyang kaibigan na si joyce. "Oo nga beshy, san kaya tayong laro sasali?" Sabi ni joyce. "Tara munang gym, baka game na ng section naten eh" aya ko kay joyce.
Nagpunta kami ng gym at nanood ng mga laro, may mga nagvovolleyball at nagbabasketball. Maingay ang mga tao kaka cheer sa mga sections nila. Pinanood namin ang mga nag vovolleyball dahil ang iba sa naglalaro ay kaibigan namin ni Joyce.
"GO JOSH!! GO TRELL!!" hiyaw naming dalawa ni Joyce sa aming mga kaibigan. Si Josh at Trell ay mga bakla, magagaling sila magvolleyball kaya sigurado kaming section nila ang mananalo.
"Mae, tignan mo yung nakaupo na yun oh, yung jersey number 40" turo sakin ni Joyce. "Oh bakit yun?" Pagtatanong ko sakanya. "Ampogi niya noh" kilig na sabi ni joyce, "may jowa na kaya yan?" Tanong niya muli saken.
Pogi nga talaga siya, kaso mukhang may jowa na eh pero.... laking gulat namin ni Joyce na kaklase pala siya ng kaibigan namin dahil kaparehas niya ng jersey si Sha. Tinabihan ito ni Sha at nakipag usap, ngunit natigil ang pag uusap nila ng manalo ang section nila Josh at Trell.
"YES NAMAN MGA BESHY CONGRATS!!!" sigaw naming dalawa ni Joyce kila Josh at Trell. "THANK YOU MGA BESHIES!" sigaw naman nila sa amin. "Sino next niyong kalaban pala?" Tanong ko. "Sila" sabay turo ni Josh sa mga nagkukumpulang mga lalake at.... omg yung tinuturong pogi ni Joyce ang makakalaban nila Josh?!?
"Hala beshy totoo ba?!" Gulat pero kinikilig na tanong ni Joyce. "Oo nga, jusko daming mga papi pero syempre focus aketch sa game" eka naman ni Trell. "Wala namang gwapo eh" pagsisinungaling ko sakanila. "Anong wala? Ayun nga oh yung jersey number 40!" Inis na sabi sakin ni Joyce.
"Mae mae mae!" Sigaw sakin ni Joyce sakin. Asa canteen ako, bigla kasi akong sinumpong ng pagkagutom haha.
"Oh bakit" tanong ko. "Katagal mo naman, magstart na yung game!" Sigaw ulit saken ni Joyce. "Edi manood ka, dimo ba nakikita gutom na gutom na gutom nako! Susunod nalang ako sayo" irita kong sabi.
"Oh sige, basta sumunod ka ah para makita mong maglaro yung bebe ko" ngiti niyang sabi. "Bebe kaba?" Sabi ko sakanya na medyo natawa ako.
"Hindi nga eh, sige na bye na" madali niya.
Papunta na ako ng gym, di pa man ako nakakapasok ay talaga namang napupuno ng hiyawan ang gym. Sigurado akong intense ang laban dahil balita ko ay magagaling din ang kalaban nila Josh at Trell.
"Go felisnidad!!" Tili ng isang babae na tumatalon pa at ang babaeng iyon ay walang iba kundi ang pinakamaharot kong kaibigan na si Joyce.
"Hoy Joyce kumalma ka nga! Mamaya mahulog yang suso mo kakatalon!" Sabi ko sakanya dahil kanina pako naiirita sakanya."Ano ba beshy, tignan mo oh ang galing ni Felisnidad" sabay turo kay jesrey number 40.
"Kapangit naman ng apelyido hahahaha!" Tawa kong sabi sakanya. "Pogi naman!" Sigaw nito saken at sabay dila.Lamang ng dalawang score ang section nila Josh at Trell 10-8, first set. Magaling nga si Felisnidad dahil sa tuwing mapupunta ang bola sakanya ang nakatingin lang ako ng nakatingin.
"Timeout!" Sigaw ng referee. "Felisnidad labas ka muna, guguinto pasok! Sigaw ng coach nila.
"Nice game Daniel, don't worry ipapasok ulit kita mamaya, magpahinga ka nalang muna" kalmadong sabi nito.
"Sige coach, bili lang po ako ng tubig" paalam nito.Daniel pala pangalan niya, matutuwa tong si Joyce kapag nalaman niya yung pangalan ni Felisnidad. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa paglabas niya ng gym, grabe ang swabe niyang maglakad, sobrang manly niya. Gosh nakakaturn on, pero hindi ko siya gusto ah.
Pagbalik niya ng gym nakita ko na may bitbit siyang dalawang tubig, katabi asa gilid ko lang siya pero may isa pakong katabi bago siya.
"Excuse me ate, kilala niyo po ba si Joyce Baste?" Tanong sakin ng bata na mukhang CAT, sila yung mga sundalo na nanghuhuli.Dito kasi sa school namin kapag may intrams may jailbooth, handcuffs, wedding booth and etc.
"Ay oo bakit?" Tanong ko. "Asan po?" Tanong nito
"Ayun oh bakit ba?" Turo ko kung nasaan si joyce. "May nagpapa wedding booth po kasi sakanya eh" giit nito. "Ah hahahah sino?" Sabay tingin sa papel na hawak nito."Jp Balmerio po, sige po ate salamat!" At nagpaalam na sa akin.
Si Jp nga pala yung tinutukso namin kay Joyce dahil nakakachat niya ito. Pagkaalis naman ng bata ay nakita ko sa malayo na nakahawak ito kay Joyce. Bumalik uli ako sa panonood at diko namalayan na second set na pala. Nanalo ang section nila Josh at Trell sa first set.
"Coach coach, ano na po score?" Tanong ng lalake na asa tabi ko. Omg what? Asa tabi ko siya?! Infairness mabango siya kahit pawis na pawis na.
"5-4 lamang tayo ng isa" sabi ng coach niya."Go josh!!" Sigaw ko ng makita kong si Josh ang magseserve ng bola. "Sa kabilang section ka pala nagchicheer pero bakit andito ka sa section namin?" Seryosong tanong ng lalakeng asa tabi ko.
"Ay sorry, wala na kasing space dun eh" sagot ko.
"Edi makipagsiksikan ka dun, kesa naman na andito ka pero iba yung chinicheer mo medyo nakakabastos naman yata yun" diin na sabi nito."Bakit ba ang sungit mo? Nagchicheer lang naman ako ah, hindi ko naman kayo binabastos!" Galit kong pasagot sabay irap at umalis na.
YOU ARE READING
LOVE ENEMIES
Novela JuvenilGuys this story ay para sa mga taong hindi pwede mahalin ang mahal nila dahil makakasakit siya ng damdamin ng iba. But let see if anong mangyayari. ENJOY GUYS!????????