part III

3 0 0
                                    

Hindi ko alam kung kikiligin ako sa sinabi ni Daniel. Hindi ko din alam kung para kanino yung sinabi niyang iyon o sadyang komportable lang talaga siya sa kinauupuan niya.

"Oh daniel magbaba ka na ng card" sabi ni Jas sa kaibigan.

"Oh ayan na, plus 2" mapang asar na tawa no Daniel sa kaibigan.

"Kadaya mo naman! Tampo na ko sayo!" Pagtatampo nito sa kaibigan.

Sa tuwing nagbababa ng card si daniel ay nakatingin lang ako sakanya, sinusubukan kong iwasan pero napapalingon talaga akoe eh. Jusko Mae hindi pwede tandaan mo, HINDI PWEDE!

"Oh Joyce your turn" sabi ni Zel.

"Ano ba yan wala akong mabababa na card, wala kasi sa tabi ko yung lucky charm eh" maharot na katwiran ni Joyce.

Sabay sabay naman silang nag "AYIIIEE". Aaminin ko, medyo may selos akong naramdaman pero binalewala ko lang iyon.

"Oh daniel tumabi kana kasi boi!" Sigaw ni Zed at ngayon ay hatak hatak na ang kaibigan at pinaupo sa tabi ni Joyce.

Sabay sabay uli sila na nag "AYIIIEE" at oo nagseselos uli ako.

"Pano ba yan ayan na yung lucky charm mo" sabi ko para hindi halatang nagseselos ako.

"Anebe!" Kilig na sabi ni Joyce at nag Hi pa kay Daniel.

"Guys guys tama na yan, let's back to the game." Seryosong sabi ni Jyn.

Natapos ang laro at ngayon ay nagkukwentuhan na kami tungkol sa mga gusto namin sa isang tao.
Naunang nagsabi si Zel at sumunod naman si Jyn at sumunod naman si Jas hanggang sa natapos na ang lahat pwera na lang saming tatlo na si Joyce, Daniel, at Ako.

"Oh ikaw naman Joyce, anong gusto mo sa isang lalaki?" Tanong ni Zed.

"Tinatanong pa ba yan, edi kung ano ang ugali ni Daniel edi yun ang gusto niya!" Tawa na nang aasar na singit ni Sha.

Hindi nakapag salita si Joyce dahil na rin sa sobrang kilig.

Sumunod na tinanong ay si Daniel.
Dugsss...Dugssss...

"How about you daniel?" Matapang na tanong ni Joyce.

"Ako? Ang gusto ko kasi sa babae eh yung mapapasaya na niya ako kaagad kahit sa sobrang simpleng mga bagay. I mean hindi ako choosy, basta simple, mabait at...."

Habang sinasabi iyan ni Daniel ay tumitingin tingin siya sakin, hindi ko maiwasang hindi tumingin sakanya dahil may something na hindi ko maipaliwanag eh.

"At.... handa akong patawarin sa nagawa ko sakanya"

Ha? Anudaw? Ang gulo rin minsan ni Daniel eh.  At muli ay nakatingin na naman siya sakin at bigla naman akong umiwas ng tingin sakanya.

"Ano daniel? Hindi ka namin gets, alam mo yon?" Inis na sabi ni Zed.

"Basta yun na yon! Intindihin niyo nalang hahaha!" Tawa nito kay Zed.

Patuloy ko paring iniisip kung ano ang ibig sabihin ni Daniel dun sa sinabi niya. Pero ayoko mag overthink, kumalma ka Mae hindi yun about sayo.

Lumabas na kami ng classroom nila dahil magiistart na ulit ang Intrams. Naiwan si Sha sa classroom nila para gumayak dahil first game silanng volleyball girls kalaban ang section nila Jyn.

"Beshy, nagets mo ba yung huling sinabi ni Daniel kanina?" Tanong ni Joyce sa akin habang papunta ng gym.

"Hindi eh, ang weird talaga ng crush mo" sabi ko sakanya.

"Ichat ko kaya siya? What do you think?" Agarang tanong sakin ni Joyce.

Sa totoo lang ayoko sa lahat eh yung babae ang nag fifirst move sa mga crush nila. Hindi kasi maganda tignan eh honestly maganda si Joyce para gawin yung mga ganong bagay.

"Seryoso ka ba? Hindi ba dapat eh lalaki ang unang nagchachat sa babae?" Katwiran ko.

"Eh Mae, gustong gusto ko talaga siya eh. At tsaka paano kung hindi niya ako ichat, edi wala rin. Wala ring magaganap samin, you know what I mean" lungkot na sabi sa akin ni Joyce.

"Hay, pano kapag di ka niya nireplyan?" Tanong ko.

"Wag ka ngang nega! Edi tatadtarin ko siya ng mga messages hanggang sa magreply siya. Simple as that" halos marinig na ng mga nakakasalubong namin yung aming pinaguusapan.

"O sige kung san ka sasaya basta girl power ha!" wala nakong magawa kundi suportahan na lang ang kaibigan ko.

Nang makarating na kami sa gym at pumwesto kami sa lugar nila Sha, at muli ay nandun nanaman sila Daniel.

"SHAAAA GALINGAN MO HAAAA!!" sigaw ko sakanya.

"THANK YOU!!" sigaw ni Sha pabalik.

Di nagtagal ay nagstart na ang game, medyo kinakabahan ako kay Sha dahil hindi naman talaga siya volleyball player, marunong siya mag volleyball pero ni minsan hindi siya naging varsity dahil ayaw rin niya.

"Sorry nga pala sa nangyare kanina, nadala lang ako ng emosyon" nagulat ako ng lapitan ako ng isang lalaki at iyon ay si Daniel.

"Ha? What are you talking about?" Pagtataray ko sakanya.

"Yung sinabi ko sayo kanina, nung naglalaro yung mga team mates ko tapos yung kalaban namin yung chinicheer mo pero nasa tabi mo lang kami" paliwanag nito sakin.

Alam ko kung ano yung tinutukoy niya pero syempre kailangan ko siyang bawian. Tinarayan ko siya para hindi halatang naaalala ko.

"Its nothing" tipid kong sabi.

"Sorry na, ano bang gusto mong ipagawa  para mapatawad mo ko?" Tanong nito sa akin at napangiti naman ako.

"Ichat mo si Joyce" sabi ko.

Oo masakit, oo nakakaselos pero wala eh mahal ko si Joyce. Joyce is like a sister for me, she is always tuwing down na down ako sa sarili ko, and eto lang ang alam kong magpapasaya sakanya.

"Ano?! Pwede bang iba nalang" Gulat na sabi ni daniel.

"No. Bakit may problema ba dun? Wag ka ng choosy hindi mo bagay." pagtataray ko sakanya.

"Can we talk outside the gym?" Request ni Daniel.

Tiningnan ko muna ang paligid ng gym at hinanap si Joyce pero wala siya, wala rin siya sa tabi ko habang kinakausap ako ni Daniel. Asan nanaman kaya yun?

"Okay, spill it!" Sabi ko kay Daniel habang nakapamewang.

"Hindi naman sa ayaw ko si Joyce pero hindi ko kasi ugali ang magchat ng babae. I'm not like those other boys na agad agad nalang magchachat ng babae." Seryoso nitong sabi sa akin.

Napahanga nanaman ako ni Daniel, grabe ibang iba ang ugali niya sa mga lalaking kilala ko.

"Eh yun ang gusto ko para tanggapin ko ang sorry mo. At tsaka makikipag kaibigan ka lang naman kay Joyce eh, hindi naman siguro labag sa loob mo iyon diba?" Katwiran kong muli sakanya.

"O sige sige kung yaan ang gusto mo, basta after nito ok na tayo ha?" HOMAYGAAAAD SERYOSO BA SIYAAAAA???!!!

"Ayusin mo mga ichachat mo ah, baka isipin non na pinagtitripan ko siya. Oh sige na bye" sabi ko kay Daniel at tuluyan ng umalis.

LOVE ENEMIESWhere stories live. Discover now