Chapter 35

30.6K 260 52
                                    

CHAPTER 35

“Huli na ba ako sa eksena?” napalingon kaming lahat sa boses na narinig namin mula sa likuran.

Familiar sa akin ang babaeng ito. Well, bakit hindi? Eh sya lang naman ang cheap naming irregular classmate at sya lang naman ang babaeng… okay, nevermind.

“Ang tagal mo naman!” nilapitan ni Kleir si Columna. Oo, walang iba kundi si Columna, sino pa nga ba.

 

“Sorry, may hinatid lang akong room key sa guest.” Masaya nyang sabi kay Kleir.

Hindi ko pa rin magets kung anong ugnayan nilang dalawa. Pero mukhang bet ko ang pen na hawak ni Columna, pointed.

“Girl, si Columna remember? Nakita ko kasi sya dito kanina. We talked a little, napagalaman kong part time job nya ngayon ang mag-crew dito sa Villa. Ang cool di ba?” tinaas ni Kleir ang kilay nya.

Yung totoo, anong cool sa pagiging crew? Poorita? Eww. Pero mukhang ginagamit ni Kleir ang utak nya. Mapapakinabangan namin ni Kleir si Columna habang nandito kami sa Villa. Nice.

Tinaasan ko rin ng kilay si Kleir, and then I took a glance at Columna. Welcome to the club.

 

Naalala ko si Sophina, gusto kong makita ngayon ang maganda nyang mukha. Gusto kong makita kung anong reaksyon nya sa nangyayari ngayon. Magdiwang sya kung gusto nya dahil nabigyan sya ng pagkakataon na landiin si Paraiso. Pero mukhang mas magdidiwang ako kung mawawasak ko ang pagmumukha nya.

Binalik ko ang atensyon ko kay Sophina. It seems na nagtatapang-tapangan ang mukha nyang hindi na maipinta.

“Well, four versus one.” Tinaas ko ang kilay ko, hinakbang ko ang isa kong paa paharap saka ko nilagay ang dalawang kamay ko sa bewang.

Napaurong si Sophina. Halata sa pagmumukha nya ang pagkatakot. Kung siguro pagbibigyan sya ng pagkakataon, kanina pa nya ginustong tumakbo papalayo. Kaso wala syang kawala sa akin, kagabi ko pa hinihintay ang moment na ito. Matitikman nya ang galit ko, lintik lang ang walang ganti.

 

“D-don’t try to come near me.. I’ll scream!” woah! Halata sa mukha ni Sophina ang pagtatapang-tapangan.

 

“Then scream if you can.” Biglang sabat nang kapatid kong si Roviann.

“Scream until no one seems to hear you.” dagdag ni Kleir sabay hakbang papalapit kay Sophina.

“Scream as if it’s your last chance.” Napalingon ako kay Columna, tingnan mo nga naman oh! Marunong pa lang magenglish ang bruha.

Hindi ko kinakaya ang tatlong ito. Anong nakain nila para maging ganito ka-mean? Hahaha! Bitch kung bitch! I love it!

The Class MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon