CHAPTER 19
Nagtatalo ang kalooban ko. Kalahati ng pagkatao ko sinasabing ‘Sige Paraiso, sige gawin mo ang dare. Please..’, yan ang puso ko. Ngunit sadyang nakikipaglaban ang utak ko at sinasabing ‘Wag! Hindi nya pwedeng gawin yun. Nireject na nya ako!’
Naiinis ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Hindi dapat eh, pero bakit pag kay Paraiso palaging may nagtatalo sa kalooban ko, palaging kailangan kong may pagpilian. This is wrong, very wrong Rovainn.
“Tangna, ang tagal naman! Wag mong sabihing hindi mo gagawin yung dare? O gusto mo ng ibang dare? Wag kayong umasa na papalitan natin itong mga nasa bowl ha, ang tatanda na natin! Let’s have some fun! Tsaka weak ka ata Paraiso eh,” pilit na binubuyo ni Calvix si Paraiso na gawin ang dare na binigay nya.
Pero mukhang hindi gusto ni Paraiso ang dare. I know he won’t do it. We’re already done. Pero kung wala na talagang malisya, bakit hindi nya gawin? Ugh! Bakit ba yun ang naisip ko?! Yeah, I admit. Mas matimbang ang kagustuhan sa puso ko na gawin ni Paraiso ang dare. Alam kong hindi na tama, alam kong masasaktan lang ako, pero bakit parang nagsasalita ang mga hormones sa katawan ko? Biglang nagtayuan ang balahibo sa katawan ko. Parang kusang nagkaroon ng pakiramdam ang nakatago duon sa pagitan ng dalawang hita ko.
Tumingin ako kay Paraiso na tahimik lang, mukhang nagiisip ata sya kung gagawin nya ang dare o hindi. Si Mier naman umiinom lang ng tequila na nasa baso nya. At ako? Bigla kong naisip kung bakit ba ako nandito na sa larong ito. Mga kalokohan ni Calvix na pinatulan naman naming tatlo.
“Ang panget naman kasi ng dare mo! Kalokohan, eh paano kung ikaw yung naturo nung dulo ng bote? Sa tingin mo sisipsipin ni Paraiso yang nipple mo?! Gosh!” naiinis na ‘ko. Kagaguhan naman talaga ang dare ni Calvix!
“Yun na nga ang point eh, sayo tumuro yung dulo ng bote. Aarte pa ba sya? Hindi pa ba pabor sa kanya yun?! Langyang lalaki yan! Arte pa eh wala namang malisya, dare-dare lang!” aba, sumasagot pa ang malibog na ito.
Tumingin akong muli kay Paraiso, this time umayos sya ng upo at akmang lalapit sa akin. D-don’t tell me, gagawin nya na ang dare?
Lumapit nga sya sa akin, halos one inch na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Nakaramdam ako ng kaba habang nakatingin ako sa kanya. Hindi ko maexplain, basta kinakabahan ako sa paglapit na ginawa nya.
“Walang malisya.”cold at walang reaksyong sinabi nya sabay iwas ng tingin sa akin.
Hindi ko mapigilang hindi sya tignan sa mukha. Ang mga mata nya, ang ilong nya, ang pisngi nya at ang labi nya na kapag hindi ako nakapagtimpi hahalikan ko na. Namiss ko sya, naiiyak ako hindi ko alam kung bakit. Dala ata ng alak kung bakit nakakaramdam ako ng pageemote, pero naiiyak talaga ako. Nanghihinayang lang ako dahil mahal ko na sya, pero may iba naman talaga sa puso nya. May nangyari na sa amin pero hanggang dun lang yun.
“Paraiso..” I murmured and I know he heard it.
BINABASA MO ANG
The Class Muse
Ficción GeneralRovainn Starr, pangalan pa lang tunog mayaman na. Actually, she is. Lahat ng luho sa buhay mayroon sya, even the freedom of living in her own life. The same as loving and having the man of her dreams- yeah, literal na 'the man of her dreams'. Parais...