Chapter 52
"Hindi pa rin ba sya lumalabas ng kwarto nya?" I can hear Dad's voice from outside, nakabukas ang pintuan ng kwarto ko pero hindi sya pumasok sa loob. Napakamakapangyarihan talaga ng boses nya. Sigurado akong nangangatog na ang tuhod ng katulong na kausap nya ngayon.
"Palabasin nyo 'yan ng kwarto o hatiran na lang ng pagkain. Sabihin nyo sa Ma'am nyo na kausapin sya, ayokong umaarte pa rin 'yan mamaya pagbalik ko galing ospital," nagiging klaro ang boses ni Dad, I heard footsteps going inside my room.
I heard a heavy sigh. Hindi ko alam kung gaano sya kalapit sa akin dahil nakatalikod ako mula sa pintuan. I intended to pretend that I am sleeping. Wala akong balak lumabas ng kwarto simula pa kagabi. I don't want to see them, I don't want to talk to him. Because I'm pretty sure na kapag nagharap na naman kami ni Daddy, walang katapusang pagtatalo at away na naman ang mangyayari. And I'm getting tired of his words and attitude.
"Rovainn, get up. Itigil mo na 'yang kaartehan mo. Kung ako sa'yo babangon na ako d'yan at aayusin ko ang sarili ko. Walang magbabago kahit magmukmok ka dito at hindi kumain. We'll still go to Germany and you'll follow what I want. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo, dahil hindi mo na ako madadaan sa pagpapaawa mo," gustuhin ko mang bumangon at harapin si Daddy hindi ko na ginawa. As if I'll win kung sisimulan ko na namang makipagbangayan sa kanya. Hinayaan ko na lang syang lumabas at umalis ng kwarto ko. Nakumpirma kong wala na sya ng bumagsak ng malakas ang pintuan. It was a relief.
Tears started to fall from my eyes. Naiinis ako kay Daddy dahil nagagawa nya ito sa akin. Nagagawa nyang saktan ang sarili nyang anak.
Parang gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa pinagdadaanan ko ngayon sa amin ng pamilya ko. Sana noong bata pa pala ako hindi ko na lang pinilit ang mga gusto ko. Sana pala kagustuhan na lang ni Dad ang sinunod ko dati. Sana hinayaan ko na lang sya na pumili ng school kung saan nya ako gustong pagaralin. Kahit ang course ko sana pala pinaubaya ko na ring sya ang magdecide. Kung sana lang lahat ng kalayaan na mayroon ako, pinagkait ko na lang sa sarili ko. Baka sakaling ngayon hinahayaan na lang ako ni Daddy na gawin ang gusto ko. Baka sakaling ngayon hindi nya na pinapakialam ang desisyong pinili ko para sa sarili ko.
If I could just turn back time, gagayahin ko na lang si Roviann. Magpapadikta na lang din ako sa mga gusto ni Daddy na mangyari sa buhay ko. O pwede ding makapagpalit na lang ako sa kapalaran ni Roviann. At least sya sa simula lang sya nahihirapan, e ako? Mula noon pa lang puro kalbaryo na ang hinaharap ko, mas tumindi pa ngayon. But look at my sister now, hinahayaan na sya ni Dad sa gusto nyang gawin. Sa aming dalawa ni Roviann, ako na ngayon ang sinasakal ng ama namin sa mga plano nya. Dati-rati si Roviann ang tinututukan nila, but now his two eyes are looking straight into me. Funny how tables turned around.
At first, it was Roviann. But in just one blink of an eye, the spotlight is on me.
"Ate?!" speaking of Roviann, bigla na lang syang pumasok sa kwarto ko. I remained on my position.
Suddenly, I felt that something crawled over my bed. Dahan-dahan ang ginawa ni Roviann na paglapit sa akin, until she reached my back. I felt her hand on my shoulder, she patted it with gentleness.
BINABASA MO ANG
The Class Muse
Fiction généraleRovainn Starr, pangalan pa lang tunog mayaman na. Actually, she is. Lahat ng luho sa buhay mayroon sya, even the freedom of living in her own life. The same as loving and having the man of her dreams- yeah, literal na 'the man of her dreams'. Parais...