Tahimik lang silang nakahiga sa damuhan habang nakatingin sa mga bituin. Sa bawat pag-ihip ng hangin ay natatabunan ng sariling buhok ang kanyang mukha. Napabangon ang katabi niya at inayos ang kanyang buhok. Isang ngiti ang pinakawalan nito bago hinalikan ang kanyang noo.
"Mahal na mahal kita," bulong niya sa babae. Parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan.
"Mahal din kita," she said as she looked into his eyes. "Huwag mo akong iiwan. Please..." Hinaplos nito ang kanyang pisngi.
"Hindi kita iiwan."
Bago pa makasalita ang babae ay nakarinig sila ng sirena ng sasakyan kaya agad silang tumayo at nagtago sa likod ng puno.
Mula sa malayo ay umilaw na ang flashlight mula sa gubat. Tinakpan niya ang bibig ng dalaga para hindi marinig ang kanilang paghinga.
"Silvestri Selrom!" Patuloy ang sigaw ng mga tao kasabay ng mga yabag ng kanilang pagtakbo.
Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at inilagay iyon sa kanyang tenga para hindi nito marinig ang mga nangyayari. Kumurba ang malaking ngiti sa labi ni Silvestri.
"Wag... w-wag kang lalabas. Please." Halos pabulong na niyang sabi. Umiling ito sa harapan niya bago siya tinalikuran. Pinigilan niya ito sa pamamagitan ng paghila sa t-shirt nito. "Silvestri, huwag. Nagmamakaawa ako!"
"Sarr, just think of this as your nightmare," he said. "A beautiful nightmare."
Then he left.
Before she could walk toward him, she saw his palms stopping her. She couldn't help but cry. He kneeled in front of those men, begging them to take his life to protect her. Their love was forbidden.
As she gazed at him, before she could even blink, she saw it.
She saw him being shot.
Bathing in his own blood.
His face turned toward her and mouthed, "Run."
Lalapit pa sana siya pero narinig niya ang mga kalalakihang papalapit sa kanya. Tumakbo siya nang tumakbo para hindi siya maabutan ng mga iyon. Napahinto siya sa isang puno at sumandal doon. Doon siya umiyak nang umiyak hanggang may tumamang liwanag sa kanyang mukha.
"Binalaan na kita, Sarr Antha Sartorius," nakangising sabi nito.
BINABASA MO ANG
Rock Bottom (The Women of Chaos #1)
AkcjaSarr Antha Sartorius grew up believing that love was stronger than hatred. But she was wrong. Born into a world where two powerful families were trapped in a never-ending rivalry, Sarr was forced to learn that not everyone who smiles at her is on he...
